den's POV
papunta ako ngayon sa school ng mga bata. medyo late na nga, nagkaroon kasi ng emergency sa ospital, kelangan ng doktor. kaya hindi ako nakaalis agad. sinabi ko pa naman sa mga yaya ni zegen at dennis na ako ang susundo sa mga bata dahil may pupuntahan kami. tama, may pupuntahan kami, susurprise namin si aly kasi matagal-tagal na rin na hindi kami nagbobonding na pamilya. gagala sa mall, kakain, manonood ng sine kung may pambatang palabas.
.
agad akong nagmadaling iparada ang sasakyan ko ng makarating ako sa harapan ng eskwelahan. ang iniimagine ko na naiyak na mga bata ay eto at nakatawa pa habang nakain ng ice cream habang nakaupo sa may hallway. pagkakita nila sa akin ay agad silang yumakap sakin.
dennis: mommy, antagal niyo po.
den: im sorry baby. sa work kasi, may ginawa pa si mommy. nainip ba kayo?
zegen: hindi naman po mommy. andito naman po si tito myco.
.
itinuro ni zegen ang isang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon namin. meron siyang dalang dalawang bote ng mineral water. hindi maipagkakaila ang kgwapuhan niya sa suot nyang faded jeans, rubber shoes at itim na fitted shirt.
den: thank you myco sa pag-iintindi sa mga bata. nalate ako eh.
myco: no problem.
.
bumaling siya sa mga bata at iniabot ang tubig sa mga ito.
den: how can i repay you?
myco: nagpapabayad ba ko? ahahaha :D napadaan lang kasi ako galing sa trabaho eh sakto naman na nakita ko sila kaya sinamahan ko muna sa pag-iintay sayo.
den: thank you talaga.
myco: oh mukhang may family bonding kayo ah, kaso kulang. wala si aly?
den: pupuntahan palang namin sana.
myco: ay ganun? ayain ko sana kayo sa bagong bukas na restaurant dyan, malapit lang. sabi kasi ng mga bata, gutom na daw sila.
.
napatingin ako sa mga anak ko.
zegen: yes mommy. i want to eat rice.
den: pero..
myco: look, kung hindi naman pwede, okay lang. baka naghihintay na rin si aly eh.
den: nope, hindi pa nya alam na pupunta kami.surprise sana.
myco: then better. bukas na lang kayo magbonding. sama na lang kayo sakin, sige na please. it's been a while since last tayo nagkausap di ba?
den: pero myco..
myco: no buts.. tara na.. (tumingin sa mga bata) tara na babies :) kakain tayo ng maraming ice cream!
zegen and dennis: yehey!
.
pagdating namin sa restaurant ay umorder ng maraming pagkain si myco.
den: mauubos ba natin lahat to?
myco: eh di pag hindi naubos, papabalot natin then uwi mo sa asawa mo. ahahaha :)
den: eh bakit hindi ka din mag uwi sa asawa mo?
.
napahinto sa pagsubo si myco saka siya tumingin sakin at ngumiti.
myco: im still single.
den: seryoso?
myco: yes.
den: girlfriend?
.
BINABASA MO ANG
SHATTERED DREAMS - Caught in the Middle Book 4 (Alyden ft. Myco Antonio)
Fanfictionpakibasa ang Caught in the Middle Books 1, 2 and 3 before reading this.. thank you..