real quick

5.1K 129 1
                                    

i woke up na may nararamdaman akong nakayakap sa bewang ko. and that hand was aly's. naalala ko na magkatabi nga pala kaming natulog kagabi. hinawakan ko ang kanyang kamay na nakayakap sakin. iniangat ko ito habang unit-unting humaharap ako sa kanya, saka ko ibinaba ang kanyang kamay sa aking bewang pa rin. 

.

tinitigan ko ang aking asawa. hindi ko napigilan ang aking sarili. hinaplos ko ang buhok nya. pinadaanan ko ng aking daliri ang kanyang noo, ang kanyang mga mata, ang kanyang ilong, hanggang sa kanyang labi. this girl is just so perfect. so perfect yet hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga salitang binitawan ni myco.

.

dahil dito ay napaluha ako. tahimik. ayokong iparinig kay aly na naiyak ako. ngunit dahil sa marahang pagyugyog ng aking balikat, nagmulat ang mga mata ng aking asawa.

aly: gising ka na agad mhie?

.

tumingin siya sa wrist watch nya na nakalimutan nyang tanggalin kagabi dahil na rin sa pagod galing sa trabaho.

aly: mhie, past 2 am palang.

.

hindi ako sumasagot. ayokong iparinig ang boses ko sa kanya dahil alam kong pag ginawa ko iyon ay mahahalata nya ang pag-iyak ko.

aly: mhie?

.

ngunit hindi ako nakapagtago. dahil hinawakan nya ang pisngi ko.

aly: are you crying?

.

hindi pa rin ako nagsasalita. kaya naman umupo na si aly sa kama at inalalayan ako para makaupo rin ako.

aly: what's happening mhie?

.

umiling lang ako. 

aly: mhie, no secrets.

.

dahil ayokong magsalita ay niyakap ko siya at saka umiyak sa balikat nya.

den: mahal kita mhie.

aly: and i love you too. tell me what's happening.

den: naiisip ko lang ang pamilya natin, mhie, let's migrate na lang sa US.

aly: US? why so sudden?

den: doon tanggap ng mga tao ang ganitong relasyon.

.

kumalas sa yakap niya sakin si aly.

aly: anong ibig mong sabihin?

den: doon mhie makakapamuhay tayo ng alam natin na walang iniisip ang ibang tao.

.

umiiling na tumayo si aly at lumakad papunta sa bintana.

aly: we're like what? malapit ng mag fifteen years, pero yan ang sinasabi mo? ano bang nangyayari?

den: ang nangyayari mhie, naiisip ko ang mga bata, ano ang mararamdaman nila paglaki nila na ganito ang kalalakihan nila? na ang mga magulang nila ay parehong babae?

aly: does it matter kung parehas tayong babae? tsaka may daddy naman sila ah.

.

tiningnan ako ni aly habang nakatayo pa rin siya. tumayo ako sa kama at lumapit sa kanya.

den: yes it matters mhie. it matters to me. ayokong ikahiya nila tayo.

aly: let's cross the bridge when we get there.

SHATTERED DREAMS - Caught in the Middle Book 4 (Alyden ft. Myco Antonio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon