one sweet day

4.8K 107 0
                                    

aly's POV

nagmamaneho ako ngayon pauwi ng bahay para kunin ang mga damit ko. pero habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan ang pagtulo ng aking luha. alam kong nasaktan ko si denden pero maging ako ay nagtaksil sa aking sarili. dahil tila milyon-milyong patalim ang nakatarak sa aking puso ngayon. at habang patuloy ang pagtulo ng aking luha, nakikisabay ang pagbabalik ng ala-ala ng dalawang linggong punong-puno ng tamis at sadya, na sa bandang huli ay mababahiran lamang ng kalungkutan at pagsasakitan.

.

.

.

sinadya kong gumising ng maaga. hindi ko sinadyang alas kwatro ng madaling araw magising pero nang maramdaman ko na gising na ang diwa ko, ay iminulat ko na ang mata ko. hindi ako pwedeng magpa alarm kasi magigising si denden.

.

napangiti ako ng makita ang unang sumalubong sa aking paggising, ang nahihimbing na mukha ng aking asawa. magkayakap kaming nakatulog. magkaharap habang nakatagilid sa kama. kaya naman lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. para bang sa pagdaan ng araw, lalo kong namimiss ang asawa ko. walang kapaguran, dahil isang minutong mawala siya sa aking paningin, namimiss ko na agad siya. ng higpitan ko ang yakap ko sa kanya ay yumakap din siya sakin.

.

naku! malai pa yata na niyakap ko pa siya, ayan tuloy, mukhang hindi ako makakabangon ng maaga. haaayst! pero wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na ang mukha ng pinakamamahal ko ang una kong makikita sa gabi at sya ring una kong makikita sa umaga. inilapat ko ang aking labi sa noo ng aking asawa.

aly: (mahinang boses) i love you dennise lazaro.

.

unti-unti kong iniangat ang kamay ng aking asawa na nakayakap sa akin. nagtagumpay naman ako na maiangat iyon at makaalis ng kama ng hindi siya nagigising bagamat minsan ay umiingit siya. ang ginawa ko ay inilagay ko ang unan ko sa pwesto ko kanina habang nakahiga ako para naman may kayakap si denden kahit unan.

.

bumaba ako sa kusina para magluto. wala naman akong biniling kakaiba noong huli kaming naggrocery. mahahalata kasi nya na may plano ako. kumuha ako ng mga ingredients sa kusina. 

.

pagkatapos kong magluto ay nagpunta ako sa harapan ng aming bahay kung saan may nakatanim na rose si manang ising. hindi naman malago ang tanim na iyon ngunit sapat na ang laki nito para magbigay ng isang tangkay ng rosas. maingat na pinitas ko ito at inilagay sa isang baso na may tubig sa kusina. 

.

lampas ala singko na ng umaga, kumuha ako ng isang tshirt at shorts sa damitan namin sa kwarto at saka naligo sa cr sa baba para hindi agad magising si denden. binilisan ko lang ang paliligo. ligong uwak kumabaga. mga 10 minutes, okay na ko. kaya kinuha ko na ang rosas sa kusina at bumalik ng kwarto. marahan kong hinila ang swivel chair sa working table namin ni denden at dinala ito sa tabi ng kama kung saan nakaharap ngayon si denden habang natutulog. inilagay ko ang rosas na dala ko sa parte ng kama kung saan madali nya itong makikita pagdilat ng mata nya. 

.

hindi naman nagtagal at nakita ko na nagmumulat na ng mata si denden. kaya naman inihanda ko ang pinakamatamis kong ngiti. tila agad na nakita ni denden ang rosas sa kanyang tabi, kinuha iyon at inamoy. nakita ko ang pagngiti ng aking asawa kaya naman lalong lumapad ang ngiti sa aking labi.

.

ng tumihaya na sa pagkakahiga si denden, ay nakita nya ko. 

aly: good morning beautiful. good morning my lady.

SHATTERED DREAMS - Caught in the Middle Book 4 (Alyden ft. Myco Antonio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon