CHPATER 1

2.7K 20 0
                                    

Lola : Seeeeeeeeeph ? Gising naaaa . Juskong bata ka ! Diba't may pasok ka.??

(Mga salitang gumising sa maganda at mahimbing kong tulog)

Seph: opo gising na . Tsk. ganda na ng panaginip ko ee' nililigawan na ko ni .... teka sinong artista nga yun ?? Ay basta .. hehe (tingin sa Cellphone) uwaaaaaaah ! Juskoooo LoLa 6:30am na pala bat ngayon mo lang ako ginising ?? T.T huhuhu 7am pasok ko ee'

Lola : abaaaaat lokong bata ka . Ako pa talaga sinisi mo ah ? Pasalamat ka ginising kita eh .

Seph : edi salamat hehehe ( daLi daLing bumangon at ginawa ang mga dapat gawin , after 123456789years ) Violaaaa . Lolaaaaaa ?? Alis na ko . Mamaya nalang ako kakain . Hehe

Lola : okaaaaay ingat ka .

SEPH's P.O.V
(Sa school )

Sabado ngayon . Unang pasok ng pang sabado kong klase at dahil ako si Seph ?? Syempre LATE nanaman ako , at di na yan nakakaguLat . Sanay na mga Instructor ko sakin ee' hahahaha

(Sa classroom)

Ako : Good morning Sir ! ( Masayang bati ko sa kanya , sabay upo sa malapit sa duLong upuan ..) 2nd semester na at ngayon din ang semester na mag sasama sama na yung may magkakaparehong major (which is major in MATH) kaya't di ko pa sila gaanong kilala .

Mr.B : so class , once again I will be one of your instructor in your major subjects and our subject for today is SOLiD GEOMETRY .
Blahh .... blahhhh .... blahhhh .....kung ano-ano pa yung mga sinasabe nya na hindi ko maintindihan kasi di ako nakikinig hahahaha .. )

Nagsusulat lang ako ng kung ano - ano sa notebook ko ng biglang ......

(May pumasok na lalaki)

Matindi din yan pag dating sa math (buLong sakin ng katabi ko na di ko alam kung sino , hehe ang FC ni kuya )

Mr. B : ohh ? Ash ?? Nasa klase din pala kita ??

Ash: ahh ! opo sir . (Sabay upo sa upuan sa pinaka dulo which is sa likod ko)

Ako: tsk . Di halata (sagot ko dun sa katabi ko)

Mr.B : okay class ! Who can solve this equation ??

Ngekkkk .. may pinapa solve na pala . Di ko manlang namalayan na nag didiscuss na pala sya kanina hehehehe . Tahimik lang kaming lahat at halos wala namang nakikinig sakanya kasi naman noh , first meeting namin tapos solve agad ?? Tapos yung nasa likod ko .... teka , ano nga banag ginagawa nya ?? Masilip nga .... (sabay silip)

Ayy , natutulog .. lokong to ah . Yan ba yung matindi sa math na sinasabi ng katabi ko ?? TULOG ?? Hahahaha pero ano bang pake ko sa ginagawa nya ?? -_-! Natigil ako sa pag iisip ng biglang ......


Mr.B: Mr. Alonzo ? Natutulog kaba ??

Ash:(halatang nagising dahil sa pagtawag sa kanya) ano sir ??)Walang emosyon nyang sagot.)

Mr.B: Late kana! May gana kapang matuLog ? Dahil diyan ikaw ang mag solve nito (turo sa board).

Ash: hmp , okaaaay ! (Cold voice)

Seph: ampanget naman ng ugali nya . Buti nalang gwapo sya ... ayy GWAPO ?? Sinabi ko ba yun ?? Hmp , erase ... erase... erase .... hindi sya Gwapo . Tsk . Oo tama . Dapat hindi sya gwapo . Pero maLi eh . Gwapo talaga sya hehe sigeeee na nga gwapo na kung gwapo . Pero hindi ko sya Crush . Ayy sigeeee . Konti Lang hehehehe .

iLang sandali lang ay natapos nya ng sagutan ang pinapasagutan ni sir at Tama ang sagot nya . Seriously ?? TuLog sya tapos tama yung sagot nya ?? Oo na sigeeee na siya na mataLino ..
(At habang nag kinakausap ko yung sarili ko , di ko namalayang pinagmamasdan ko na pala sya habang naglalakad pabalik sa kanyang upuan . kaya naman.......)

Ash:(tingin kay seph) Miss ?? May problema ba ?? Kanina kapa nakatingin eh .

Seph: ha ?? Ahh eh . Hindi noh . Di ikaw yung tinitingnan ko . Yung nasa likod mo . Wag kang assuming ha ??

Ash: suuuuus . Aminin mo na . Okay lang naman sakin kung ako yung tinitingnan mo ehh . Sanay nanaman akong tinititigan . Anong magagawa ko ? GWAPO ako ehh .

Seph:(ang kapal naman ng mukha nito) heh . Pasensya ka pero di talaga ikaw yung tinitingnan ko kaya pwede ba , umalis ka na dyan sa harapan ko ..

Ash: talaga ?? Ehh bat namumula ka ?? Hahahahaha (sabay upo sa upuan nya)

(Ilang sandali lang ay uwian na)

Seph:(amputss. Nakakahiyaaaaa ! Muntik na kong mahuli . Buti nakapag paLusot ako .) Hay seeeeeph an tanga mo naman kasi .

Marisse:Hooooy ! (Sabay tapik si seph) gaga anong tanga.o2 yung pinagsasasabi mo diyan ?? Naloloka kana ata eh .

Seph:(bwesiiiit . Na voice out ko na pala) ha ?? Ah .. ehh .... wala akong sinasabe ahh !

Marisse: wala ka diyan . Ginawa mo pa kong bingi ah ?? Ano ba kasing nangyayari sayo ..?

Seph: wala ! Nafifeel ko lang na magkaka Lovelife ako ngayon . Di matatapos ang semester na to magiging kami din .

Hahahaha (pag-iiba ko sa usapan namin)
Marisse: ha ?? Sino naman ?? Akala ko kayo ni reign ??

Seph:(pataaaaay . Sino ituturo ko ?? -_-! Hanap seph . Hanap ! juskoooo bahala na ) hmp . Siya (turo sa lalaki) sya yung magiging Boyfriend ko !

Marisse: ayy . BaLiw kana nga seph .

Seph : bakit ?? (Naguguluhan -_-?)

Marisse: gaga . Di mo ba nakikita ? Si ash alonzo yan . Asa ka pang magugustuhan ka nyan .

Seph:(ngek . Patay ! Sya pala yun ?? Bat di ko napansin ?? Another katangahan seph . Bwesiiiiit . Kelangan kong gumawa ng paraan para magkatotoo yung mga sinabi ko . Alam ko mahirap pero ayokong mapahiya sa tropa ko .. baka sabihin nila mahina na ko .  For sure pagtatawanan nila ko pag nagkataon .)  Ha ?? Ah eh . Ano naman ngayon kung si ash alonzo sya ?? Baka nakakalimutan mong si Sephora Corrine N. Panganiban tong kaibigan mo ?? (Pa cool kong sabi , pero ang totoo parang gusto ko ng mag collapse)

Marisse: sabagay ! Ehh mabalik tayo . Musta nga pala yung sainyo ni reign ??

Seph: outdated teh ?? Ehh antagal na kaya naming wala noh ..

Marisse: my God ! Girl ? Break nanaman ?? Kelan kaba talaga titino ?? Kelan ka mag seseryoso ??

Seph: Seryoso ?? Nakakain ba yan ?? Hahahahaha

Marisse: gaga . Pero bat ba kayo nag break ??

Seph: simple lang . Naawa lang naman talaga ako sa kanya kaya ko sya sinagot  . Tsaka swerte nya na nga ehh . Umabot sya ng limang buwan . Ayoko ng lokohin yung sarili ko kaya gumawa na ko ng paraan para mag break kami . Pero sya yung lalabas na.may kasalanan (evil grin)
Ang galing diba ??

Marisse: hay nakoooo girl . Puro ka laro ! Ipagdasal mo lang na di yan mangyari sayoooo .

Seph: OA much ?? Easy kalang . Di yan mangyayari sakin . Nag promise ako sa sarili kong , di ako maiinLove diba ?? Kaya relaaaaaax .

Marisse: oo na ! Ikaw naaa ! Ohshaaaa . Nandito na bahay namin . Una na ko . Ingat ka .. I mean ingat sila sayo hehehe

Seph: umalis kana nga . Hahaha bye ..

Ash's POV

Ash:(sino ba tong babaeng toh ?? Kung maka tingin naman) Miss may problema kaba ?? Kanina kapa naka tingin eh . (Hmp . Sabagay . Di ko naman sya masisisi GWAPO ako ehh . Sabi ng mommy ko hahahaha !

Siya: ha ?? Ahh eh . Hindi noh . Di ikaw yung tinitingnan ko . Yung nasa likod mo . Wag kang assuming ha ??

Ash: suuuuus . Aminin mo na . Okay lang naman sakin kung ako yung tinitingnan mo ehh . Sanay nanaman akong tinititigan . Anong magagawa ko ? GWAPO ako ehh . ( hahaha . Di pa nya aminin eh.)

Siya: heh . Pasensya ka pero di talaga ikaw yung tinitingnan ko kaya pwede ba , umalis ka na dyan sa harapan ko ..

Ash: talaga ?? Ehh bat namumula ka ?? Hahahahaha (sabay upo ako sa upuan ko . Hahahaha nakakatawa yung reaksyon ng babae . Mapag tripan nga . Ano kayang pangalan nun ...)

INLOVE ?? ANO YUN ??Where stories live. Discover now