Wants and needs
Smile and look pretty.
Hindi mabilang ni Sandro kung ilang beses bang sinabi sa kanya iyon ni Donna bago siya nito pabayaang umalis ng opisina nang gabing iyon. Donna knew that he's to attend his college grand reunion and it's killing him.
He's forty – eight years old and he should be more confident when it comes to this kind of parties but he was hell nervous. Walang ideya si Sandro kung anong dahilan ng kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Was it because of the years that passed by or was it because of all the what if's inside his head?
It's his college reunion and like it or not, he's going to see some very familiar faces.
He thought of bringing Donna with him but she declined his invitation. Ang sabi sa kanya nito ay may mga bagay raw na dapat harapin niya ng mag-isa. Hindi niya iyon maintindihan. Wala naman siyang tinakbuhan – buong buhay niya, hinaharap niya ang lahat ng ibigay sa kanya ng tadhana.
Wala siyang tinakbuhan, ngunit may mga bagay siyang kinalimutan...
"Sandro!"
Natigilan siya nang marinig niya ang kung sinong tumawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig na iyon at natagpuan niya sa bandang kanan ang nagmamay-ari.
Isa ang taong iyon sa mga pamilyar na mukhang inaasahan niyang makita sa gabing iyon. Hinandugan niya ito ng isang matipid na ngiti bago siya dahan – dahang lumapit.
"Ang buong akala ko ay hindi ka darating, Sandro." Ngumiti si Sheryl sa kanya. Hindi naman kaagad siya nakasagot dahil hindi niya alam kung paano ba niya kakalmahin ang kanyang sarili.
He wanted to say that Sheryl is beautiful, but he's not sure if he has the right to do that. He's not even sure if it's okay to stand in front of her for she was one of those persons he had to forget in order to move forward to his future.
"Kamusta ka na?" Muling tanong ni Sheryl sa kanya.
"Maayos naman. Ikaw? Mag-isa ka lang?"
Hindi pa rin ito nagbabago. Palagi pa ring may nakahandang ngiti sa mukha ni Sheryl tuwing magkausap silang dalawa. Ang mga ngiting iyon ang dahilan kung bakit sa unang beses silang nagkita ay kaagad siyang napalagay rito at ang mga ngiting iyon ang dahilan kung bakit sa tagal nang panahon ay nakararamdam siya ng pagsisisi dahil sa mga desisyong ginawa niya sa kanyang buhay.
Ang mga ngiti ni Sheryl ang nagsisilbing alaala ng kahapong pinili niyang kalimutan... Ang mga ngiting iyon.
"Maayos naman ako. Ito, kadalasan akong abala pero sinigurado kong makakapunta ako ngayong gabi."
"Buti naman, Sandro. Palagi kang hinahanap ng mga kaklase natin lalo na noong unang reunion. Hinahanap ka nila Jose at saka ni Wilfredo. Naku, natutuwa silang nandito ka. Sabi nila, na ikinatatawa ko na ipinagpalit mo daw sila sa kompanya mo."
Tumawa si Sheryl, gayundin naman si Sandro pero ang mga tawang iyon ay may kalakip na kalungkutan at kahugkangan isama pa ang matagal nang pangungulila sa babaeng nasa kanyang harapan.
"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong niya kay Sheryl. Muling ngumiti ito sa kanya.
"Kasama ko si Lorenzo. Kausap niya lang sina Ricardo, nariyan lang iyan."
Natagpuan ni Sandro ang kanyang sariling napatango na lamang. Si Lorenzo ang asawa ni Sheryl. Hanggang ngayon ay may bigat pa rin siyang nararamdaman tuwing iisipin niya na may asawa na si Sheryl.
Sheryl was the love of his life – was nga ba? Nakaraan na ang lahat nguniti hanggang ngayon ay may kurot pa rin ang katotohanang hindi silang dalawa ang naging magkasama sa huli.
Tanda niya na sobra niyang minahal si Sheryl at gayun din ito sa kanya. Tanda niya ang mga pangarap na ginawa nila nang sila'y magkasama. Tanda niya ang maliliit na detalye ng relasyon nilang dalawa – maliliit na detalyeng hanggang ngayon ay hinahanapan niya ng silbi. Aanhin nga naman niya ang paboritong kulay ni Sheryl o ang kaalamang size 8 ang paa nito o ang paboritong ulam nito kung hindi rin naman silang dalawa ang magkasama sa ngayon?
Huminga nang napakalalim sa Sandro. Kahit na gustong – gusto niyang titigan si Sheryl ay hindi na iyon maaari. Habang tumatagal ay lalo lang niyang nararamdaman ang kawalan sa kanyang puso at buong pagkatao.
"Mag-iikot na muna ako. Hahanapin ko sila Wilfredo." Wika niya rito. Tumango si Sheryl at kumaway sa kanya. Dahan-dahang lumalayo si Sandro mula sa babaeng kanyang pinakamamahal. Iniisip niya kung hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin ang tama niya rito...
Nakakatawa kung tutuusin. He's forty – eight years old and he still finds himself moping for that one great love that never became his.
Kasalanan rin naman niya. Kasabay ng pag-abot niya sa kanyang mga pangarap ay ang paglimot niya sa pinakamamahal niya. Kinalimutan niya si Sheryl. He had a choice of going back to her before but he chose not to. He went straight on achieving his dream.
Natagpuan ni Sandro ang sarili niya sa isang sulok ng function hall na iyon – tahimik, umiinom. Wala siyang ganang makipag-usap sa ibang tao sapagkat masyado na siyang nalunod sa mga bagay sa kanyang isipan.
Hindi niya maiwasang isipin ang mga desisyon niyang nagdala sa kanya sa sitwasyong ito. He kept on thinking about it that he didn't even realized that he's drunk. Good thing, Donna made him take his driver. Hindi siya nahirapang umuwi.
Pero ayaw umuwi ni Sandro.
"Sir? Kailangan po nating umuwi. Nakainom na po kayo."
"Hindi." Mabilis niyang sagot. "May pupuntahan tayo, Tony." He said. Sinabi niya ang lugar na kailangan nilang puntahan. Nang makarating roon ay pinahinto niya kay Tony ang sasakyan niya sa tapat ng isang lumang bahay.
They went to the neighborhood where he grew up but that wasn't his home. It was Sheryl and Lorenzo's home.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang mag-asawa. Bumaba silang dalawa sa tapat ng main door ng bahay. Ang buong akala niya ay papasok na si Sheryl sa loob ng bahay nito matapos bumaba ng sasakyan pero hinintay pa nito si Lorenzo.
Sheryl met Lorenzo in the middle of the garden. They held hands. Pinanood niya kung paano isinayaw ni Lorenzo si Sheryl habang nagtatawanan ang mga ito. Bumaba siya ng kanyang sasakyan para pagmasdan ang mga ito.
Madilim na ang paligid kaya't hindi siya masyadong pansin ng mga ito. Kitang – kita niya sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa poste sa kaliwang banda ng bahay na iyon – ang masayang mukha ni Sheryl. Ngiting – ngiti ito habang iniikot ni Lorenzo, rinig niya ang tawanan ng mga ito.
He was drunk – wasted was the right term and suddenly, he started feeling things again... suddenly, he felt like dreaming again. He suddenly saw the boy – that version of him that was full of dreams and contentment.
Suddenly, he remembered the question asked by that young man two mornings ago...
He was mourning for his lost love. He got everything he wanted and more. He ditched music. He forgot about his dreams. He run after what he needed – not what he wanted. He convinced himself that he will never regret the moment he chose this path but as he stood right in front of Sheryl's house, watching the woman he loved laughed and danced with her husband, he knew he regretted it all.
He knew what the answer to that nagging question...
He wants to go back. He wants to go back and change every little thing. He wants to... but he can't.
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
FantasyIf you are given a chance, will you go back and change anything in your life at all?