Epilogue

44.7K 1.5K 269
                                    

Repeat On

June 17, 1993

"Maganda... maganda itong kwento mo. Kakaiba siya sa lahat ng nabasa ko.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, ngingiti baa ko o tatawa o mananatiling tahimik. Ito kasi ang unang pagkakataon na may natuwa sa ginawa kong kwento. Sa totoo lang, hindi naman ako nakikinig sa klase ni Mr. Acuna. I was just drawing on my sketchpad, I was trying to finish that story. Hindi kasi ako mapakali.

I always dream about this man, that one man who was too lonely that he prayed unconsciously for a second chance every damn time he could. I saw angels in my dreams, I felt how lonely he was because he lost his chance to be truly happy in life.


"Naisip mo bang ipasa ito sa publishing, Sander?"

"Ano po, Sir?"

"Publishing." Muling ulit niya sa akin. Hindi ko kahit kailan naisip iyon. Bata pa lang ako, mahilig na akong mag-drawing talaga, noong high school ako, bigla akong napasali sa SPC, nag-qualified sa RSPC tapos noon, naging artist na ako sa school publication namin. Noon ko na-realize na hindi lang ako marunong mag-drawing at kasabay noon, nadevelop ang pag-sulat ko.

Kaya nagsimula akong pagandahin nang pagandahin ang strokes ko at ang pagguhit ko. Ang gusto ko talaga makagawa ng comics tungkol sa super heroes. Kulang kasi ang ganoon sa Pilipinas. Palagi na lang si Darna o si Captain Barbel but instead of doing that and going to that direction, I started drawing my dreams.

Paulit – ulit sa akin ang panaginip na iyon. Paulit – ulit ko ring nakikita iyong mukha noong lalaki – ang ikinapagtataka ko, damang – dama ko ang kalungkutan niya.

"Sayang ito, Sander. Ang ganda ng gawa mo. Napakagaling ng kamay mo! Dapat dito, ipinakikita sa mundo."

"Sa susunod na lang po siguro, Sir. Kailangan kong mag-concentrate sa pag-aaral ko. Lalo na at nagkasakit po ang Tatay." Wika ko sa kanya. Dahan-dahan kong kinuha mula sa kanya ang sketchpad ko at nagpaalam nang lalabas ng classroom. Kailangan kong magmadali kasi may duty pa ako sa burger machine sa may Munumento. Kailangan kong sumahod sa akinse at kailangang bumili ng gamit ni Nanay.

Naaksidente ang Tatay ko sa tracking business ng Ninang nga kapatid kong si Sonia. Na-stroke siya kasi sa lakas ng impact ng pagkakabangga niya ay inatake siya sa puso. Hindi niya magalaw ang kalahati ng katawan niya ngayon, pero tinutulungan naman ng kompanya nila Uncle Julius si Tatay iyon nga lang, nakakalungkot na namatay si Uncle Julius dahil sa nangyari.

Ang sabi sa kompanyang iyon, sa oras na maka-recover si Tatay, maaari na siyang bumalik sa trabaho pero ang huling usap nila ni Nanay ay hindi na siya babalik roon. Iniisip ni Nanay na magpunta na lang ng London. Nagvo-volunteer siya kaya lang hindi pa siya pwede, nineteen years old pa lang siya.

Tumayo ako sa may tawiran. Hinintay kong mag-yellow iyong traffic light at saka ako tatawid. Iniisip ko si Nanay at Tatay, sana talaga makatapos na ako ng pag-aaral para makatulong na ako sa kanila.

Tumawid na ako. Sa pagmamadali ko ay may nabangga akong tao. Nagmamadali talaga ako pero nang lingunin ko siya ay naisipan kong huminto, hindi ko alam pero parang may nagtulak sa aking huminto para tulungan iyong tao.

Yumuko na rin ako at pinulot isa- isa iyong mga papel niya.

"Pasensya na po." Paumanhin ko.

"Ayos lang." Kinuha niya sa akin ang mga notebook at papel niya saka tumakbo na. Ako naman ay umalis na rin. Dumiretso ako sa trabaho ko, napaaga pa nga ako kaya nautusan ako ng boss ko na magpa-photo copy. May alam akong malapit roon tapos 25 cents lang. Hiniram ko iyong bisikleta noong ka-trabaho ko at agad na tinahak ang daan papunta roon.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon