III.

29.2K 1K 65
                                    

When he woke up

Sandro didn't have a decent sleep that night. He kept seeing the face of that unusual young woman. Her eyes haunted his dreams and her purpose gave him a bit of hope. Hindi naman siya dapat maniwala. Ni wala siyang ideya kung totoo ba ang naganap kagabi o sadyang lasing lamang siya kaya nangyari ang mga iyon.

Pero... hindi siya uminom. Tinapos niya ang meeting kasama ang mga ilang investors kahapon, inihatid niya si Donna sa bahay nito noong gabi at wala na siyang ibang pinuntahan kundi ang tapat ng bahay ng mga Marquez.

Hindi siya nakainom.

Maybe he was going crazy. Maybe life is finally fucking with him and his sanity is being affected. Maybe he needs a psychiatrist. Maybe... maybe...


Fuck!

"Sandro."

Nakita niyang pumasok si Donna sa office niya. She was holding some papers. He looked at her.

"Good morning. I asked Amber to visit you. Magiging busy na kasi siya the following days. Magpapakasal na ang luka."

He knew that Donna was saying something but he wasn't listening. Napako ang tingin niya sa may waiting area sa labas ng office. There was this familiar figure of a woman. She was standing right outside his door.

Hindi matandaan ni Sandro kung saan niya ito nakita noon, but he know that he had seen her before. The woman was wearing a pair of faded jeans and a tattered pair of rubber shoes. Pink ang t-shirt na suot niya na may nakalagay na NSTP sa likod.

Trainee ba iyon?

Nakataas ang buhok niya at tila ba may hinahanap kung saan.

He was anticipating the moment that she will look at his direction and when she finally did, muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya.

"Sheryl!" Napasigaw siya. Donna seemed shocked by his actions. Kahit ito ay napalingon sa labas. Mabilis niyang hinakbang ang pagitan ng kinauupuan niya at ng pinto ngunit pagdating niya roon ay wala na siyang nakita kundi ang mga empleyado ng kanyang kompanya.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Donna sa kanya.

"Hindi mo ba nakita? Nandito si Sheryl." Wika niya rito. Tumaas ang kilay ni Donna at humalukipkip.

"Lasing ka ba, Sandro o puyat? Either way, hindi ka pwedeng magsisigaw diyan sa labas. Nakakahiya baka isipin ng mga tao mo, maluwag na ang tornilyo mo." Wika nito sa kanya. "Pirmahan mo ang mga papeles na ito, at kailangan nang sumahod ng mga tao. Baka mamaya batuhin na nila ako ng kamatis diyan. I need that before lunch para mapadala ko na sa accounting. Please, be your real self, Sandro. Para kang baliw."

He swore, he saw Sheryl. Nakatayo ito sa may pinto ng opisina niya. Nakatingin ito sa kanya. Hindi nga lang ito ngumiti pero alam niyang si Sheryl iyon.

Bumalik siya sa kinauupuan niya at pinirmahan na lang ang mga papel na dala ni Donna. Panaka – naka ay tumitingin siya sa pinto, hoping that he'll see Sheryl again pero hindi na ito bumalik.

Natapos ang araw niyang naghihintay siya. Siguro ay may kailangan ito, o baka may sasabihin kaya nagpunta dito. Pinipigilan niya ang sariling tawagan ito para tanungin. Kung sakali man na sumagot ito, anong sasabihin niya? Kung hindi naman ito tumuloy sa pagkausap sa kanya, wala na siyang magagawa but still, she should've said something.

Umuwi siya sa kanyang bahay. Again, he was greeted by loneliness and emptiness – well that was what he was expecting but when he entered his dining area, he saw Amber and Donna preparing food.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon