IV.

25.3K 1K 130
                                    

Littlest change

June 28, 1991

Nakaupo si Sandro sa silya sa hapag habang kumakain ng almusal ang buo niyang pamilya. Hindi siya makapaniwala sa nagaganap. Kay tagal nang panahong hindi niya nakakasabay sa pagkain ang kanyang dalawang kapatid na babae at ang kanyang Nanay. Hindi pa rin niya malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari o mngyayari pa, ngunit itinuturing niyang blessing in disguise ang bagay na ito.


"Sandro, bakit hindi ka kumain?" Tanong bigla ng kanyang Nanay. Napalingon siya rito sabay tingin sa ulam nila nang umagang iyon.

Ginisang sardinas at tuyo.

Kay tagal na rin niyang hindi nakakakain nang ganoon. Maluha-luha pa niyang sinandok ang sinangag sa kanyang harapan at naglagay ng ulam sa plato. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang bunso niyang kapatid na si Olyn. Paranf naguguluhan ito sa kanya.


"Nanay, naiyak yata si Kuya." Natatawang wika nito habang sumusubo ng kanin.

"Hindi ah." Mahinahong sagot niya. "Naisip ko lang, Nay ang tagal ko na palang hindi nakakakain ng sardinas."


"Ulol ka ba? Ulam natin iyan kagabi. Ininit ko lang tapos iyong tuyo bigay ni Aling Magda, pasalubong niya galing Bataan. Kung ano- anong sinasabi mo Sandro, kumain ka na nga at may pasok pa kayo." Napapailing na bumalik sa pagbabasa ng dyaryo ang kanyang Nanay.

Napansin niya ang headline roon: Galunggong, nagmahal. He, too shook his head. Magkano lang ba ang galunggong? Ang alam niya ay bente pesos isang kilo iyon, pero iba na rin ang panahon ngayon.

Matapos kumain ay bumalik siya sa kanyang silid. Napatitig siyang muli sa salamin at inaanalisa ang kanyang histsura. He has thicker hair now, he feels stronger. Batang – bata siya. Pero paanong nangyari ito? Isa lang ang alam niyang paliwanag, nananaginip lamang siya.

"Hindi ka nananaginip, Sandro."

Nagulat siya nang makita niyang nakaupo sa kama niya si Rea. Hindi siya nagkakamali. She was wearing that chiffon dress. Hindi yata talaga ito nagpapalit ng damit.

"Anong ginawa mo sa akin?"

"You took my hand, I took you back. Now you can change everything there is to change." Masayang – masaya ito.

"Nananaginip ako."

"Hindi nga."

"Iyon lang ang maaaring explanation nang lahat ng ito! Ang nanay ko! Ang mga kapatid ko nandito – matagal na kaming hindi nag-uusap. Si Olga nasa America, si Olyn hindi ko alam. Matagal nang patay ang Nanay. Mula noong mamatay siya, hindi niya man lang ako nadalaw sa panaginip, malamang masama pa rin ang loob niya sa akin. But now this... This is just a dream and I know, any moment from now, gigising ako at babalik ako sa reyalidad. Sa reyalidad na mag-isa lang naman talaga ako."

"Sandro, hindi mo naiintindihan." Natatawang wika niya. "This is real. This is your past – a past that you have the chance to change. Lahat ng ito pwedeng magbago and even the littlest change here can have a great effect in your future. You should grab the chance and stop asking questions."

"This is a dream."

"This is not a dream." Sabi nitong muli. "Nandito ako para sabihin sa'yo na mayroon ka lamang hanggang September 21, 1991 para baguhin ang lahat."

"September 21?" Inulit niya ang sinabi nito. Hindi niya gaanong matandaan kung anong nangyari noong mga panahong iyon but he knew that something big came up that day.

"Kuya! Nandito ang tatay!" Sigaw ni Olga. Napatingin siya sa kanyang pinto. Hindi naman bumukas iyon pero narinig niya si Olga. Lumipad ang tingin niya kay Rea na pinaglalaruan ang kanyang gitara.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon