Freeze
Hindi kahit kailan nangyari kay Sandro ang mapatawag sa Dean's office at mapatawan ng disciplinary action para sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya rito. He tried to remember the events of his first 1991 and he was so sure that being punished for something he didn't do isn't included in that part of his life.
"Akalain mo iyon? Uso rin pala sa Pilipinas ang detention." Biglang nagsalita si Marga. Nasa loob sila ng isang classroom. Dalawa lang sila don. Si Marga ay nakaupo sa flooring habang siya naman ay nasa arm chair at binibilang ang bwat minutong lumilipas. Masy band practice sila nga at alam niyang naghihintay sa kanya si Sheryl. Ang usapam nila ay sabay silang uuwi ngayon, wala kasi ang mga magulang ni Sheryl sa bahay.
"Kasalanan mo ito." Inis na wika niya sa babae. "Why do you have to do that huh? Kung yosing – yosi ka na, sana sa iba ka na lang nag-sindi!" He hissed. "Kaya dapat talagang may nationawide tobacco ban. Buti na lang napatupad iyon." Wala sa loob na bulong niya.
"Nagkaroon ng nationwide tobacco ban? Talaga? Hindi ko yata nabalitaan iyon."
"Wala akong sinabing ganoon." Inis na sabi niya.
"Fine. I'm sorry, Sandro. Hindi na mauulit na magsisindi ako ng yosi sa may hagdanan. Sa rooftop na lang."
"Bakit ba kailangan mong magyosi?" He asked out of curiosity.
"Daddy issues. I want attention tapos hindi naman ako pinansin."
"Mayaman kayo?"
"Loaded. But that doesn't matter. Mayaman man kami, marami man kaming pera pero wala kaming oras para sa isa't isa."
"That's just sad." Aniya.
"Oo. Iisang anak lang ako pero palaging wala iyong parents ko. Sad talaga iyon."
"Kung mayaman kayo bakit nagtatrabaho ka sa library."
"Naglayas kasi ako. Mag-iisang taon na akong hindi umuuwi. Scholar ako kaya may pang-aral ako. Iyong pagiging student assistant ko, requirement iyon sa pagiging scholar ko."
Hindi niya alam kung anong sasabihin niya rito. Nakaramdam siya ng lungkot. Ang buong akala niya noon na kapag mayaman ang iang tao, magiging masaya na ito. But he knew better. He got there, he became filthy rich and yet he couldn't sleep tight at night because he was thinking of a lot of things.
Kung bakit sa dami ng kanyang salapi ay hindi siya masaya? Kung bakit sa dami ng kanyang sasakyan ay wala naman siyang kaibigan at kung bakit sa laki ng kanyang bahay ay wala naman siyang mauwiang pamilya?
Somehow, he understands Marga.
"Uy, may ukulele." Napatingin siya kay Marga. Kinuha nito ang ukulele sa ibabaw ng aparador at muling naupo sa flooring. She smiled at him. She even cleared his throat before she started tapping on the ukulele. Mayamaya ay kinakalabit na nito ang strings.
"You are my sunshine, my only sunshine...
You make me happy when skies are gray...
You'll never know dear, how much I love you...
Please don't' take my sunshine away..."
He smiled. Maganda pala ang boses ni Marga. Tahimik siyang naupo roon at nakinig rito. Hindi napawi ang ngiti niya hanggang sa natapos itong kumanta.
"Ang galing mo." Wika niya.
"Wala kasi akong sakit."
"No, seriously, ang galing mo Marga."
BINABASA MO ANG
Wildest Dreams
FantasyIf you are given a chance, will you go back and change anything in your life at all?