VI.

20K 1K 155
                                    

The Truth

"Morning."

Napalingon si Sandro nang magsalita si Onse. Ito na lang ang hinihintay niya. Kaninang umaga ay tinawagan niya isa – isa sa landline ang mga kaibigan niya para sabihing magkita – kita sila sa tambayan sa school. Naisip niyang sabihin na wala na sila ni Sheryl. He was still pretty bummed about what happened to them in tis lifetime but when he thinks about it, it's not so bad, nakikita niya kasing masaya na naman ang pamilya niya – masaya siyang makitang nagsasayaw at nagkukwentuhan ang mga magulang niya. Natutuwa siyang palaging kasama ang mga kapatid niya. Wala na siyang hahanapin pa – na kahit hindi nga sila ni Sheryl ang sa huli, it doesn't really matter for him. His family is happy – okay na okay na siya roon.

"Pre, anong atin?" Tanong ni Ricardo. May hawak itong gitara habang nakikipag-usap sa kanila.

"Oo nga. Nakakaba na pinapunta mo pa kaming lahat dito. Magpapakasal ka na baPero mag-twenty – two pa lang tayo, repa." Sabi pa ni Wilfredo. "Ako iniisip ko nang sabihin sa magulang ko na ayokong maging abogado, gusto kong maging musikero pero baka ipabugbog ako ni Papa." Sinamahan ni Wilfredo ng pagak na halakhak ang mga sinasabi nito. Alam naman niyang mahirap para sa isang ito ang double life at kung sakaling isa sa mga araw na ito ay magpaalam si Wilfredo sa kanila dahil gagawin nitong priority ang pag-aaral, hindi siya magagalit, iintindihan niya ito.

"Break na kami ni Sheryl." Wika niya sa mga ito. Halatang natigilan ang tatlo sa sinabi niya. Si Onse ang unang nakabawi. Tinapik nito ang balikat niya.


"Dahil ba kay Marga? Wala namang problema, mas mabuti nang ngayon kaysa patagalin mo pa." Sabi nito sa kanya. Takang – takang binalingan ni Sandro ang kanyang kaibigan. Ano bang sinasabi nito? Baki damay si Donna ay si Marga pala?


"Diba sabi ko naman sa inyo..." Wika pa ni Wilfredo.

"Ano?!" Naguguluhang wika niya.

"You broke up with Sheryl 'cause you're into Marga. We get it, dude." Si Ricardo.


"I broke up with Sheryl because I caught her having sex with Enzo." Sabi pa niya. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan niya.

"Holy fucking molly!" Wika ni Onse. "Gago? Si Enzo? Tang ina! Bantay – Salakay!"

"Sinabi mo pa!" Si Wilfredo. "Ano, aabangan pa natin sa labas?"


"Tara! Tang ina! Gago! Tinuring mong kaibigan tapos ganoon!" Galit rin si Ricardo! "Pinasakay ko siya sa kotse ko! Tang ina!"


"Hayaan na lang." Wika niya sa mga ito. "Wala naman na. Tapos na. Ang mahalaga hindi na ito nagtagal. Basta wala tayong gagawin."

"Hahayaan mo na lang sila?" Tanong pa ni Onse. "Seryoso ka?"

"Hahayaan ko sila." Ulit niya pa.

"May punto rin si Sandro. Tama, pre. Hayaan mo sila. Maglibang ka na lang, pre. Problema lang yan sa babae, dapat di mo iniinda." Tinapik – tapik pa ni Wilfredo ang balikat niya. Now it's all out, wala na siyang itinatago sa mga kaibigan niya. He owed it to them, kasama niya ang mga ito noong panahong nililigawan niya si Sheryl at kapag nag-aaway sila noon, ito rin ang takbuhan niya.

Hindi nagtagal ay naghiwa-hiwalay na sila para magtungo sa kanya – kanyang mga klase. Habang naglalakad siya sa corridor ay nakita niya si Rea na iniikutan at sinasayawan ang lahat ng dumadaan sa corridor na iyon. Lumakad siya patungo sa kinalalagyan nito at sinabayan sa paglakad.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya rito.

"Kanina pa kita hinihintay na dumaan. Ang tagal – tagal mo." Wika nito sa kanya. Nagpalingon – lingon muna siya bago niya ito hinarap para sagutin.

Wildest DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon