"blythe, dahan dahan lang, hindi tatakbo yun, mamaya pa yun!" pagkakalma ko kay blythe. paano naman, kung makapaghatak sa akin akala mo may mangiiwan sa kanya. eh mamaya pa namang gabi yung fireworks na sinasabi nya.
"nagugutom na kasi ako!" she beamed, "at ililibre mo ako!" napakakapal ng mukha. pero sino ba naman ako para tanggihan sya? tao lang din naman ako na hindi nakakatiis lalo na nung ngumuso sya.
cute cute."ihhh, amethyst, buhat mo ko!" nanlaki ang mga mata ko dahil parang batang nangungulit tong si blythe. ano bang nakain neto? last time i checked, matino pa naman sya kahit papano.
"manahimik ka nga dyan. nakakahiya ka!" sabi ko naman dahil para syang bata na hinahatak ang dulo ng damit ko.
"buhat mo koooo!" she pouted, napaiwas naman ako ng tingin dahil okay aaminin kong malakas ang epekto nya sa akin.
"manahimik ka." sabi ko, "hindi ka ba nahihiya? atsaka nasan ang blythe na seryoso at galit sa mundo? ilabas mo nga!" pagbibiro ko dahil para talaga syang bata ngayon. at anong sinasabi nya? buhat ko sya? nahihibang na ata sya.
"hindi lalabas ang blythe na yun, habang kasama nya si amethyyystttt!" masayang sabi nya at umangkla pa sa braso ko.
hindi ko alam pero naginit ang buong mukha ko dahil sa sinabi nya.
kinikilig ako
BINABASA MO ANG
a & b | seulrene
Fanfiction"a & b are definitely the cutest partner." bae x kang. thank you @Bearchuism for the cover ♥