"come on, amethyst!" masayang sabi ni blythe. hmm, bakit naman masaya to? ngayon ko lang nakita to na ganito kasaya ah. madalas kasi ay wala syang emosyon at madalas ay seryoso.
nakakatuwang isipin na ako lang ang nakakakita ng ganitong side nya.
na masayahin at isip bata.
"ano ba yun? inaantok ako," i yawned. nakakainis din tong si blythe minsan eh. wrong timing. pero syempre dahil malakas sya sa akin, hindi ko sya matanggihan.
"punta tayo sa park! may fireworks daw dun!" masayang sabi nya at hinahatak pa ang kamay ko dahil nakahiga ako.
"edi pumunta ka," inaantok na sabi ko. wala ako sa mood.
"aish! nakakainis ka!" ramdam ko ang pagupo nya sa kama kaya naman napadilat ako. nakita ko syang nakacross arms kaya napangiti ako.
proud ako.
na sa akin lang sya ganyan.
kadalasan kasi ay seryoso sya sa ibang tao.
pero pag kaming dalawa lang, nailalabas nya ang ganitong side nya.
ang matampuhin, selosa, sadista, isip bata at masayahing si blythe.
"fine, fine, fine!" i sighed. umupo ako mula sa pagkakahiga. "magbibihis lang ako." sabi ko kaya naman napangiti sya.
tumayo na ako at napangiti na din ng palihim.
ang cute nya kasi kaya hindi ko matiis.
BINABASA MO ANG
a & b | seulrene
Fanfiction"a & b are definitely the cutest partner." bae x kang. thank you @Bearchuism for the cover ♥