"hmm, good morning!" blythe chuckled, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sya sa kusina ng apartment na tinitirhan ko. well, madalas naman sya dito… pero… bakit nandito sya ngayon? what the hell? ano ba ang nangyari kagabi?
nagkayayaan lang naman kami uminom ng alak sa can… tapos… hindi ko na alam ang nangyari.
what the fuck.
"a-anong ginagawa mo dito, blythe?!" nagpapanic na tanong ko. awtomatiko kong tinignan ang katawan ko kung napalitan ba ang damit ko. at boom, positive, oo!
"bakit ba nagwawala ka dyan?" kumunot ang noo nya, as usual, kalmado lang sya na nakapoker face.
"b-bakit ka n-nandito? m-may nangyari ba sa atin—" bago pa makarating sa kung saan saan ang imahinasyon ko, agad na akong binatukan ni blythe.
"gaga! walang nangyari sa atin! matino pa ako kagabi noh! ikaw lang ang lasing na lasing," she rolled her eyes. "tsaka ang bigat bigat mo, inakay kita dahil ang bigat mo. kung ano ano pa pinagsasabi mo."
nanlaki ang mga mata ko, "a-ano mga sinabi ko?"
she smirked, "secret."
oh shit, ano naman kaya yon?
"tapos pinalitan ko din ang damit mo. wala namang malisya dahil pareho tayong babae at magbestfriend tayo, right?" she asked me and i nodded.
para sayo, magbestfriend lang tayo.
pero paano naman yung feelings ko?
BINABASA MO ANG
a & b | seulrene
Fanfiction"a & b are definitely the cutest partner." bae x kang. thank you @Bearchuism for the cover ♥