b4

247 20 6
                                    

"pwede pakiexplain kung bakit mo ko hinatak mula kay krystal at dinala dito sa labas ng mall?" inis na tanong ko sa kanya.

inirapan naman nya ako, "manahimik ka! bakit ka ba sumasama sa babaeng yon?"

i scoffed, "ikaw dapat ang tinatanong ko. bakit ka sumasama sa babaeng yon?" i glared at her, "hindi ka pa naman siguro nakakalimot diba? kaaway natin ang magkapatid na yon. ilang beses na nila tayong kinalaban at sinabutahe." inis na sabi ko, "and you chose her over me, your bestfriend? wow!" sarcastic na sabi ko.

"sorry na! talaga namang nagpapasama sya sa akin sa clinic—"

"eh bakit nandito kayo?!"

"eh paano sabi nya, dumaan daw muna kami dito." she sighed, lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "fine i'm sorry, sorry kung ganun. sorry kung hindi kita nasamahan dito." sabi nya sa akin, "sorry na, amethyst." nagulat ako ng yakapin nya ako. "wag ka nang sasama don sa krystal na yun." bulong pa nya habang yakap yakap ako.

napabuntong hininga nalang ako, hindi ko din mapigilan ang paglakas ng tibok ng puso ko.

a & b | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon