b1

328 25 9
                                    

"uy, may bago daw na transfer. magkapatid daw. magaling din sumayaw. sasali din sila sa dance competition next month. baka iyon na ang tumalo sa inyo?" sabi ni emerson sa akin, bungad na bungad talaga ang balita nyang yun kaya lalo akong nabadtrip. paano naman, kilala ko naman kung sino ang magkapatid na yun. si tatum at taffy. gaya gaya sila kaya naman ang name nila bilang tandem ay t&t. ang sagwa naman.

"i know, emerson. sila yung magkapatid na gaya gaya." inis na sabi ko sa kanya, "at nagtransfer pa sila dito para bwisitin ako."

"ayaw mo nun? mas malalampaso mo sila." sabi naman ni danver na sumingit sa usapan namin. "diba? atleast alam ng lahat na mas magaling kayo ni blythe sa kanila."
sabi ni danver.

i shrugged, well she has a point. pero paano kung madumi maglaro ang magkapatid na yon?

"ayos lang yan, amethyst. wala ka bang tiwala kay blythe?" sabi naman ni emerson kaya napatingin ako kay blythe na seryosong nakatingin sa board. may sinusulat kasi kami. pagdating talaga sa pagaaral, seryoso sya. isa yon sa nagustuhan ko sa kanya.

"hmm, malaki ang tiwala ko sa kanya." sabi ko. sa tagal ba naman naming magkaibigan at magkapartner pagdating sa pagsasayaw, marami na kaming naranasan na pagkapanalo at pagkatalo. at pareho naming tinatanggap yon.

"ayun naman pala, sure din akong malaki din ang tiwala nya sayo." sabi ni emerson.

napatitig ako kay blythe. ang ganda nya talaga.

nagulat ako ng lumingon sya sa akin at ngitian ako. nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin.

bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?

a & b | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon