CHAPTER 10

1K 34 15
                                    

DRYLLE'S POV

Wala ka pa ring pinagbago ikaw pa rin ang Lorraine na nakilala ko na mahina ang loob at iyakin.

Isang linggo na rin ako dito sa hospital. Binabantayan ko siya tuwing gabi at sa umaga naman ay sila na ni Aubrey. She's still unconscious dahil din sa stress at pagod sa pagbabantay kay Jake.

Mas mabuti na itong ganto makabawi siya ng lakas. Di pwedeng sumuko siya. May anak pa siya sa sinapupunan.

"Hmm" tiningnan ko si Lorraine, gising na siya. Agad kong tinawag ang doctor.

"Nasaan ako? At sino ka?" Bumangon siya sa pagkakahiga at inaayos ko naman siya.

"Ang gwapo ko talaga. Di mo na ako halos makilala ha?" Tinitigan niya lang ako na tila nag iisip kung sino ako.

LORRAINE'S POV

parang baliw itong lalaking nasa harapan ko. Pfft. Napatitig lang ako sa kanya. Familiar siya saan ko ba talaga siya nakita. Sa pagkakatanda ko nagkita na kami. I don't know where.

"Sino ka ba talaga?! Familiar ka lang" maybe he's my schoolmate before.

"Hahahaha. Its me Lor. Drylle?" Napatigil ako Ilang sandali at pinagmasadan lang siya. Malaki ang pinagbago niya na halos na di na namin makilala.

How I miss him. My guy friend.

"Yeah, I remembered. Its been a longtime Drylle" kahit sinong babae mag kakagusto sa kanya.

Pero ewan ko ba kung bakit di ko siya minahal. Oo mahal ko naman siya bilang kapatid lang.

"Its been a long time talaga hahaha. Kamusta? Di ka na ba nahihilo?" Natigilan ako.nahilo? Inalala ko ang mga nangyari. Ang huling nangyari bakit ako nandito.

Napatitig ako sa kanya.

"Si J-Jake?"nag uunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak ng maalala ko. Nasa prayer room ako nun.
Bago ako nawalan ng malay.

Napangiwi si Drylle sa tinanong ko. Parang may tinago siya. Or baka nag iilusyon lang ako.

"Gusto mo bang kumain? Ilang araw kang tulog kaya kelangan mong magpalakas sa baby mo" inabot niya sa akin ang tray ng pagkain.

Bakit ganun? Pakiramdam ko nay tinatago siya sa akin. Kahit na guguluhan ako. Sinimulan ko na ang pagkain.

"Drylle? Ilang araw din ba akong tulog?" Tanong ko habang  nasa gitna ako ng pagkain.

"14 days. Grabi ka ha? Ilang buwan ka walang tulog?" Natatawa niyang sabi kaya nakitawa na lang ako.

Kahit nag aalala ako sa lagay ni Jake. Kailangan kong bumawi para sa sarili ko at sa magiging anak namin.

Pagkatapos kong kumain. Nagpaalam muna sa akin si Drylle na kakain muna.
Nasaan ba ang cellphone ko?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

Nasa couch ang bag ko. Wait 14 days? It means. Ang baby Gail ko. Baka nag aalala na yun sa akin.

Habang naghihintay ako kay Drylle na bumalik. Madaming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Ang hirap. Namimiss ko na ang mag aama ko.

Okay na kaya si Jake? I miss him so damn.

Ibababa ko ang pride ko para sa kanya. Ayokong mawalan ng ama ang anak ko.

Bumukas ang pinto ang inuwal nito ang aking anak na si Gail. Masayang naglalakad patungo sa akin.

"Good morning MOMMY!!!!  Uncle Drylle called us na gising ka na daw" lumapit siya sa akin at kumiss sa pisngi. Sumunod naman sa pagpasok si Ate.

"I miss you baby" kiss ko din sa forehead niya.

"Okay ka na ba sis?" Tumango lang ako bilang tugon.

Niyakap ko ang anak ko na ngayon ay nasa tabi ko na..

"Mommy. Nag aaral na po ako. As what  you've said. Nag aaral po ako sa public school."

"Grabi itong anak mo sis. Tinalo ka pa sa pagkasaway. Nakakainis. Nakipagtalo pa kay Tita kasi gusto ng mommy mo na sa prestigious school siya ipasok eh ayaw niya naman. Iyak ng iyak.--"

"Mommy A" saway ni Gail na ikinatawa naming dalawa.

Nakipag usap lang ako sa kapatid ko pero tuwing nagbibigay ako ng topic kay Jake ay iniiwas niya or iniiba ang topic.

Si Drylle? Saan na kaya yun. Kanina pa nag paalam na mag aalmusal yun ha.

A/N

Sorry for the short UD.

Vote and comment

MY GENIUS PRINCE (SEASON 2) ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon