CHAPTER XXV

35.5K 692 122
                                    

Dedicated to @Xena20

You may be a silent reader but you never fail to vote each chapter. Thanks. ❤️


[ Polo POV ]


Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang naging pagtatalo namin ng ama ko sa telepono. Pinagbantaan nya ako na kung gusto kong manahin ang Demetri Conglomerate ay dapat akong magpakitang gilas sa kanya at ipakitang karapat-dapat nga ako dito. Kailan ko lang nalaman na matagal na palang nasa pangalan nya ang ari-arian ng lolo ko bilang asawa ng kaisa-isang anak nitong babae. Isang malaking pagkakamali sa parte ng lolo ko ang hakbang na yun. He said that I should focus on my work and don't let Kit be a distraction. Kit, maybe a distraction... but a very nice one. Nagawa nyang baguhin ang boring kong buhay at alam kong totoong malasakit ang ipinapakita nya sa akin.


My father had no reason to dislike her other than her background. Alam kong hindi nya ito inaayawan dahil sa tingin nya ay hindi ito karapat-dapat sa akin dahil wala naman silang pakialam ni mama sa akin simula pagkabata ko. Okay, maaring sinusubukan na ni mama na bumawi pero it's not hard enough. At sa totoo lang, wala na din akong pakialam kung mahal nga ba nila ako o hindi, after all hindi na ako bata na sabik sa pagmamahal ng mga magulang.


Pinagmasdan ko ang natutulog na si, Kit. Totoo ang sinabi ko sa kanya nang huling gabi namin sa hotel, maswerte ang taong mapapangasawa nya dahil espesyal syang babae. Isa syang mabuting anak at kapatid, inosente, masayahin at mapagmalasakit. She always tries to make me feel better and manages to sneak her way to my defences just by being herself. But I won't let it get me. May mas karapat-dapat sa kanya keysa sa isang tulad kong hindi marunong magmahal. Nakatulugan ko ang pag-iisip.


"Polo, gising!" Nadinig kong sabi ni Kit at bahagya akong niyugyog. Idinilat ko ang mga mata ko.


"Bakit?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang mabungaran ang magandang mukha nya ay nagdala ng kakaibang pakiramdam sa akin. A feeling of contentment.


"Kailangan mo ng pumasok sa opisina at baka ma-late ka." Tinignan ko ang desk clock at napa-ungol. Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kuwarto nya. I went directly into my bathroom and as soon as I entered my room I took a quick shower. Hindi ako dapat ma-late at ayokong may mapula sa akin ang ama ko. Nang matapos ay kaagad din akong nagbihis para makapasok na ng opisina.


"Here. Ipinag-prepare na lang kita ng waffles at coffee dalhin mo na lang sa office. Don't push yourself to much on work load para hindi ka magkasakit ulit, okay?" Sabi ni Kit ng makalabas ako ng kuwarto ko. Tumango na lang ako at kinuha ang iniaabot nya sa akin. Hinatid nya ako sa may pinto at hinalikan sa pisngi much to my surprise. Napatingin ako sa kanya kung kaya namula ang kanyang mga pisngi. I smiled at her and walked towards the elevator.


-------


Nang makarating ako sa floor ng office ko ay kaagad akong kinausap ng secretary ko.


"Sir, you're father has called several times asking if you already arrive." Tinanguan ko sya bago pumasok sa mismong opisina ko.


I immediately called my father. "You don't have to freak out dahil on time pa din naman ako. Don't worry. I will work my ass hard and prove to you that I deserve to be the heir of Demetri's vast fortune because I know that I am capable to run this company." Kaagad na sabi ko pagkasagot nya ng telepono.


"Good. I don't want people to say that I have an incapable son. Alalahanin mong napaka-importante sa akin ng reputasyon ng pamilya natin kaya ayokong mapintasan tayo." Malamig na pahayag nya na para bang hindi anak ang kausap at isang tauhan lang.


Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon