PROLOGUE:

72.8K 863 110
                                    

Dedicated to @HippityHoppityAzure

[ Kit POV ]


Breaktime at kasalukuyan kaming nagpapatay ng oras ng matalik kong kaibigan sa may damuhan ng eskwelahang pinapasukan namin. Ito ang favorite hangout naming dalawa.


"Seryoso ka? Break na sina Polo at Venice?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaibigan kong si Candy. Kung totoo man ang tsismis nyang ito baka ito na ang sign na dapat na akong kumilos nang maging kami na ni Polo.


"Oo kaya! Nagulat nga kaming lahat na member ng cheering squad. Who would have thought na ang tinaguriang IT COUPLE ng Colegio de San Luis ay mauuwi sa break up? Wala di ba?" She is right.


Apollo D. Samaniego aka Polo and Venice are a perfect couple. Polo, being the crush ng campus simula nang tumapak sya ng CDSL nung second year kami at si Venice naman bilang pangalawa sa pinakamaganda kasunod ko.


"Alam mo rason kung bakit sila nag-break?" Curious na tanong ko.


Hindi kaya narealize na ni Polo na ako ang nakalaan sa kaguwapuhan nya? Tama! Baka narealize nya na iyun kasi di ba mabait sya sa akin. Hindi nya ako sinusupladuhan tulad ng ginagawa nya sa ibang girls at higit sa lahat nakikita kong kinakain nya ang mga kakanin na binibigay ko sa kanya araw-araw.


"Nagkasawaan daw. Pero huwag ka maingay ha, Kit." Pabulong na sabi ni Candy sa akin.


Si Candy ay bestfriend ko na member ng cheering squad. Gusto ko nga din sumali dun, kaya lang alam kong insecure si Venice sa akin kaya hindi nya ako hinyaang makasali. Iba na kasi ang maganda, lagi na lang sentro ng inggit at pagkasuklam ng mga insecure na kababaihan.


Nagkasawaan? Sinasabi ko na nga ba at hindi mahal ni Polo si Venice dahil ako talaga ang mahal nya. Bagay na bagay kaya kami. Apollo at Marikit. Oha! Pangalan pa lang pamatay na sa chemistry. Guwapo sya at maganda ako. Yun lang mayaman sya at mahirap ako pero uso naman na ngayon ang ganung uri ng relasyon kaya keber.


"Candy, mamayang uwian samahan mo ako ha. Magtatapat na ako ng pag-ibig kay Polo." Kinikilig na sabi ko.


Her jaws dropped and her eyes bulged. "Seryoso ka?"


Tumango ako. "This is for the life of me, Bessie. Alam kong si Polo ang soulmate ko kaya magtatapat na ako sa kanya bago pa ako maunahan ng iba." Determinadong sabi ko. Hindi lingid sa lahat na madami ang handang makipagsabunutan maging nobya lang ni Polo.


Hinarap nya ako at seryosong tinignan. "Bessie, alam mo naman na lagi kitang sinusuportahan, di ba? Alam mo din naman na hindi kita kinontra kahit kailan sa pagsasabi na maganda ka. Dahil para sa akin ay maganda ka naman talaga dahil busilak ang puso mo pero ano kasi eh... Baka pwedeng kalimutan mo na lang ang plano mong iyan. Sarilinin mo na lang ang pagmamahal mo sa kanya at hayaang sya ang maunang magtapat sa iyo."


Umiling ako. "Hindi maaari, Bessie. Buo na pasya ko at sasamahan mo ako mamaya."


She let out a deep sigh but nodded anyway. I hugged her tight. The best talaga si Candelestine Garrido a.k.a Candy ang aking BFF. Sabi na nga ba at hindi nya ako matitiis.


-------


"Apollo!" Tawag ko sa kanya napalabas na ng campus. Kanina pa kami ni Candy nag-aabang sa kanya dito sa may gate. Alam kung dito kasi sya susunduin ng family driver nila.


Itinuro nya ang sarili nya. "Me?" He asked.


Tumango ako. "Oo. Pwede ka bang makausap?"


Hindi sya sumagot pero hindi din naman nagtuloy ng paglalakad kaya malamang handa syang makipag-usap sa akin. Bumuntong hininga ako at tinignan sya ng diretso sa mga mata nya. 'Kaya mo ito, Marikit!', sabi ko sa sarili ko.


"Polo, matagal ko nang gustong sabihin sa iyo na mahal kita. Simula pa nang mag-transfer ka dito sa CDSL ninakaw mo na ang puso ko. Can you love me back?"


He froze for a moment before he surpassed a vigorous laugh. I stared at him confused.


"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi mo ba ako type? Tinatanggap mo naman yung mga binibigay ko sa iyong kakanin at binibigyan mo ako ng ngiti, di ba? Huwag mong sabihin na hindi ka nagagandahan sa akin."


Nilapitan nya ako at inikutan as if examining my appearance at ng makabalik na sya sa harap ko ay inilapit sa mukha ko ang mukha nya. Anak ng patatas! Hahalikan na yata ako ni Apollo. Ipinikit ko ang mga mata ko pero wala akong naramdamang labi na lumapat sa mga labi ko bagkus ay nakarinig ako ng bulong mula sa kanya na nagpadilat ng mga mata ko.


"Dream on, three fold belly ugly face!" He whispered.


Natigilan ako. Bulong lang ang ginawa nya pero palagay ko tila may nagtapat ng sinturon ni Hudas sa tenga ko at pinaputok ng walang pakundangan.


"Dream on, three fold belly ugly face!"


"Dream on, three fold belly ugly face!"


Pag-echo ng mga katagang ibinulong nya sa akin. Nangigilid ang luhang hinarap ko sya.


"Itaga mo ito sa bato, Apollo Samaniego! Kakainin mo din ang sinabi mong iyan at kahit na mag-ala Oblation ka ng UP para lang sabihin sa akin na mahal mo ako. Hinding hindi kita sasagutin! Hindi mo madidinig sa akin ang mga katagang I love You, tandaan mo yan." Sabi ko sabay takbo.


"Kit! Sandali hintayin mo ako." Nadinig ko pang sigaw ni Candy sa akin pero hindi ko sya pinansin at dirediretsong pumara ng jeep at sumakay dito habang hilam sa luha ang mga mata.


Napahawak ako sa aking dibdib na tila tinusok ng isang libong aspili. Ganito pala kasakit ang mabigo sa pag-ibig? Akala ko pa naman...


On the side is Apollo Samaniego --------->


To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon