CHAPTER XIV

38.6K 657 60
                                    

Dedicated to @carpediemzen


Thanks for reading my stories. ❤️


[ Kit POV ]


Mabilis na dumaan ang isang linggo at ito na ang araw ng kaarawan ko. The small party that Polo told me was set up in the backyard of the mansion. Tinawagan ko na ang nanay ko at parating na daw sila ni Harold. Ipinasundo daw sila ni Polo sa isang driver.


Natawa ako ng makitang parang children's party ang theme ng birthday ko. Balloons of different colors are scattered everywhere, there were clowns, may cotton candy kiosk, may face painter din at may trampoline pa. Then the buffet are filled with different foods na puro pambata. The party's theme is unique. Sino ang mag-aakalang para sa twenty seven years old ang party na ito?


Nagulat ako ng makakita ng mga bata na may bitbit na regalo. Binati nila ako at inabot sa akin ang regalong dala. Inimbita din kaya sila ni Polo para maki-celebrate sa birthday ko? Namataan ko si Polo na nakaupo sa may pool, soaking his feet while looking at the kids who are now enjoying themselves sa mga pakulo. Pumunta ako dun at tinabihan sya.


"Thank you talaga ha. Ang saya-saya ko ngayong araw na ito. Pero bakit nga pala children's party ang theme? Tsaka taga saan ang mga batang imbitado?"


"Welcome." Sabi nya sa akin at winisikan ako ng tubig mula sa pool sa mukha. "Para ka kasing bata sa height kaya children's party ang naisip ko." Inirapan ko sya. Kailangan ba talagang ipamukha sa akin na bansot ako kumpara sa kanilang dalawa ni Benjie na parehas 6'2".


"As far as I know pasok na sya sa category ng magandang height para sa Pinay." Sabi ko at gumanti ng wisik sa mukha nya.


"Hindi ka na mabiro, Kit. Ang totoo pinabago ko ang theme ng party mo the last minute kasi naisipan kong ipakita ang creativeness ko sa iyo. Ang dull naman kasi ng ikinuwento mong proposal ko kina lolo at mama eh. So okay ba?" Tumango ako at nginitian sya. So iyon pala ang rason kung bakit kakaiba ang theme. Creative indeed.


"Bakit wala akong cake?" Nagtataka kasi ako at wala akong makitang cake.


"Oh that? The cake was still inside the kitchen so it will be free from those gremlins who would try to swipe the icings on it." I laughed. Oo nga naman mas safe sa kusina ang cake para hindi maubos ang icings dahil ang mga bata ay likas na mahilig dito.


Nagulat kami ng may biglang nagsalita sa tabi namin.


"Tita Kit, happy birthday po." Sabay na bati nila Alyssa at Albert. Kasunod nila ang mommy nila na si ate Bel na may kasamang male version ni Alyssa. It might be Anton ang asawa nya.


"Happy birthday, Kit." Ate Bel greeted me and gave me four bags of gifts. Kinuha ko ito at nagpasalamat. "Kit, this is Anton my husband. Anton, this is Kit ang fiancée ni Apollo." She introduced us.


"Hello po kuya Anton. How are you?"


He gave me a smile. "Hello to you too, birthday girl. Im good thanks for asking. Ikaw kumusta?"


I smiled at him. Napakaswerte naman ni ate Bel ang guwapo na nga ng asawa nya mukhang mabait pa. "Ayos naman po."


"Mom, Alyssa and I will watch the clowns over there, okay?" Albert asked ate Bel's permission. Nang pumayag ito ay tumakbo kaagad ang dalawa. After a while of talking ay nagpaalam din ang mag-asawa na magpupunta sa face painter dahil gusto daw nila i-try magpinta sa mukha. Ang cool na mag-asawa, nakakainggit!


Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon