CHAPTER XLIII

34.6K 749 115
                                    

NP: Rude by: Magic (Tifanny Alvord Cover)

Dedicated to @kiksflick

Thank you for being a reader of mine it means a lot to me. ❤️

[ Kit POV ]


We were inside the car paving our way towards the Samaniego's house. Nabanggit sa akin ni Polo na iyon ang bahay talaga nilang pamilya. He said that it was the same house where he witnessed the fights of his parents at a young age.


"That house brought me nothing but sad memories." He said.


"Kung gusto mo huwag na tayong tumuloy doon para hindi ka na malungkot." Naisip kong isuhestiyon bigla. Umiling sya.


"Hindi. Tutuloy tayo doon para maharap ko ang father ko at ng mawalan na ako ng problema." Sabi nya at saglit akong tinapunan ng tingin bago binalik sa daan. Nabanggit ni Polo sa akin na kaya raw marahil desidido ang ama nito na makatuluyan nito si Mariella ay dahil gusto nitong matulad sya dito. Ang magkaroon ng isang loveless marriage.


"Sana nga maging maayos na ang lahat."


"It will be after this night and that I assure you. Hindi ko hahayaang hadlangan ng father ko ang kaligayahan ko." Sabi nyang bakas ang determinasyon sa tinig.


Nang makapasok na ang kotse namin sa isang exclusive na village ay sinalakay na ako ng kaba. Ano na naman kaya ang magaganap na komprontasyon sa pagitan ng mag-ama? Ano kaya ang nasa isip ni Eduardo Samaniego sa gabing ito at nagawa nyang papuntahin maski si Jacob Yuson maliban kay Mariella?


Huminto kami sa isang mataas na gate na may guard. Nang ibaba ni Polo ang bintana sa driver's side at makita sya ng guard ay binuksan kaagad nito ang gate. Pinasok ni Polo ang kotse at tumambad sa paningin ko ang isang mansion na may malawak na well-maintained garden sa harap nito.


"That's our house." Polo said when we he parked the car.


"It's not a house. It is a mansion." Pagtatama ko. Nagkibit balikat lang sya tapos ay lumabas ng kotse at umikot sa panig ko para ipagbukas ako ng pinto.


"Let's get inside." He said then offered his hand that I gladly accepted.


Nang makapasok kami ay kaagad kaming sinalubong ni mama.


"Polo and Kit. I'm glad that you arrived." She beamed at us and kissed our cheeks. Mama looked so elegant in the dress that I am sure was very expensive and I can also bet that Polo could tell what brand it was, but I couldn't.


"Mama, may kasalanan ka pa din sa akin." Seryosong sabi ni Polo.


Tumawa si mama at hinaplos ang anak nya sa pisngi. "Patawarin mo na si mama at mukhang okay na kayo ni Kit." Sabi nito at binigyan kami ng makahulugang tingin lalo na ang mga kamay naming magkahawak. "Besides napanood ko ang lahat sa TV kanina. You two made me feel young!"


Tumango ako at binigyan sya ng ngiti. "Nakapag-usap na po kami ni Polo at umamin na po. Finally!"


"Mga apo ko! Kumusta kayo?" Sabi ng biglang sumulpot na si lolo Zeus.


"Mabuti naman po, lolo." Sagot ko at nagmano sa kanya.


"You two look so in love." He said grinning from ear to ear.


"Kit, by the way you look so stunningly beautiful in that red Valentino gown." Mama praised me looking really pleased at the way I look.


Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon