CHAPTER XIX

39K 621 74
                                    

Dedicated to @Black_Seraphim


Thank you for giving praises with this story. ❤️


* * * * * * * *

AUTHOR's NOTE:

Someone dear to Kit will be back to the story in this Chapter. Could you guys guess who could that be?

* * * * * * * *


[ Kit POV ]


Nang iwan ko si Polo sa kuwarto ay dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pwedeng maisahog sa soup. Since I have gathered ingredients for chicken soup I decided to make one, I just hope that Polo will like it.


Pumasok ako sa kuwarto para silipin sya at ng makita kong tulog na sya ay nilinisan ko ang kwarto dahil na din may ilang suka syang natapon sa sahig. Pagkatapos ay lumabas ako at humiga sa couch sa may sala.


I woke up to my name being called as if someone was looking for me. Bigla akong tumayo at naisip na baka nagsusuka na naman si Polo sa kuwarto pero nakita ko syang palabas ng pinto. He was shirtless and only wearing a basketball shorts.


"Polo, are you okay now?" I asked him while feeling his temperature on his forehead. He nodded and made his way to the kitchen.


"I feel better now." Sagot nya at naupo sa kitchen counter. Ininit ko ang chicken soup na niluto ko at ipinaglagay sya sa isang bowl.


"Humigop ka muna ng sabaw dahil walang laman ang tyan mo." Sabi ko sa kanya sabay lapag ng bowl sa harap nya.


"This is really good Kit. Hindi ka lang pala masarap gumawa ng mga drinks kundi pati ng soup." Puri nya sabay thumbs up pa.


Nginitian ko sya. "Mabuti naman at nagustuhan mo ang chicken soup na ginawa ko."


"I'm sorry Kit kung naabala kitang alagaan ako. I never wanted to impose on you dahil hindi na sakop ng deal natin ang pag-aalaga mo sa akin. I'm sorry and thank you for nursing me." He sighed running a hand through his black locks.


"It's fine, no big deal. Kahit sino naman siguro ganun ang gagawin after all you gave me salary in an easy job so ano na lang ba na alagaan kita kung may sakit ka."


Habang nasa kusina kami ay nakapag-kwentuhan kami ng ilang bagay. Polo was letting me in a little in his comfort zone. Nang biglang may sumigaw kaya nagulat kami.


"Surprise!" Sabi ni Benjie at may hawak pang isang tub ng ice cream. Nilapitan nya si Polo at hinawakan ang noo. "Mukhang okay ka na, bro."


"Alam mong may sakit sya?" Takang tanong ko. Tumango sya at inilapag ang ice cream sa counter.


"Tinawagan ako ng family doctor nila which happens to be our family doctor too. Good thing at nandito ka Kit dahil naligtas ako sa pag-aalaga sa isang ito. Masungit kasing pasyente yan kaya dalang-dala na akong alagaan yan kapag nagkakasakit."


"Bakit nandito ka na naman Benjie?" Nakasimangot na sabi ni Polo sa kaibigan. Ininguso ni Benjie ang dala.


"Alam kong kapag may sakit ka yan ang mas nakakapagpagaling sa iyo keysa sa mga gamot kaya dinalhan kita."


"Salamat. Pwede ka nang umalis at nandito naman si Kit para alagaan ako." Humawak sa dibdib nya si Benjie na tila nasaktan sa pagtataboy ng kaibigan.


Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon