CHAPTER V

39.9K 706 54
                                    

Dedicated to @geuege_minchin-L

You know I love you right? Mabait na bata ka kasi hahaha. ❤️

[ Kit POV ]


Nang makarating kami ni Polo sa malawak na bakuran nila ay bumaba ako ng kotse nya at binitbit ang malaking bag ko pero kinuha nya ito sa akin at sya mismo ang nagdala. How gentleman!


"Kaya ko naman dalhin iyang bag ko." Ayoko kasing isipin nya na tulad ako ng ibang mga babae na kailangan tratuhing tila prinsesa.


"I'm bringing it." Sabi nya at nagpatiuna nang pumasok sa mansion. Hindi ko kaagad nagawang sumunod sa kanya dahil pinagmasdan ko pa ang paligid. The whole place spoke of luxury. Nilingon nya ako. "Are you coming or not?"


"Ay, pasensya na at susunod na ako." Lakad takbo ang ginawa ko para makasunod na kaagad sa kanya. Pinagbukas kami ng maid ng pinto at nang makapasok sa loob ay hindi ko magawang hindi humanga sa nakikita ko.


"Sumunod ka sa akin." Sabi nya at umakyat sa grand stair case. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa huminto kami sa isang pinto. He cleared his throat at binuksan ito.


The room was amazing. Meron itong walk in closet, big balcony windows, malaking kama na may sangkaterbang unan, LCD TV at kung anu-ano pang magandang bagay. Sabik na pumasok ako sa loob at walang babalang lumundag sa kama. Napakalambot ng kama at tumatalbog ako.


Tinignan ko si Polo na bahagyang nakataas ang sulok ng labi. "Glad you like your room, mine is just on the other door. Walang ibang tao dito maliban sa atin at mga katulong dahil bihira naman dito mag-stay ang lolo ko dahil mas gusto nya sa kanyang farm house." Sabi nya sabay lapag ng bag ko at alis.


Ganun na lang yun? Hindi nya man lang ba ako ililibot sa mansion? Binuksan ko ang bag ko at sinimulang ayusin ang mga gamit ko at nang matapos ay nagdesisyon maglibot sa buong kabahayan. Habang naglalakad sa hall ay madami akong nadaanan na paintings. It was so impersonal dahil wala man lang portrait ng pamilya ni Polo ang nakasabit sa pader.


Tutal ay dito ako pansamantalang titira ay pwede ko naman sigurong baguhin ang ilang dekorasyon ng mansion para mas maging realistic ang aming relasyon. Pumasok ako sa isang kuwarto na mukhang opisina. May nakita akong kahon na may label na 'MEMORIES' at dahil sa naintriga ako ay hindi ko napigilang buksan ito. Mga photo albums pala ang laman nito. Kinuha ko ang isang album at nakakita ako ng iba't ibang mukha na hula ko ay pamilya ni Polo. Napangiti ako ng makakita ng larawan ng batang Polo na nakangiti at mukhang masaya. I saw a recent photo of him kung saan may kasama syang isang lalaki na kaedad nya na sa tingin ko ay pamilyar sa akin.


Polo was in an Armani suit with a silk tie. Nakatayo sya katabi ng isang lalaking nakapolo shirt na Ralph Lauren. The guy was pretty boy accompanied with a devilish grin. Binalik ko ang paningin ko kay Polo na para sa opinyon ko ay mas guwapo pa din kahit na seryoso ang hitsura sa litrato.


I flipped the page at nakakita ako ng larawan nyang bahagyang nakangiti. Halatang pilit ang ngiti pero ang guwapo nya pa din dun. Kinuha ko ang litrato at mabilis na binulsa.


"Anong ginagawa mo dito?" Biglang salita ni Polo na nagpabalikwas sa akin sa gulat kaya nabitawan ko ang photo album. Nagsalubong ang mga kilay nya sa nakita. "Why are you going through my things?"


Nahihiyang tinignan ko sya. "I'm sorry, hindi ko naman intensyong pakialamanan ang mga gamit mo kaso na-bored ako at naisipang maglibot kaya napadpad ako dito."


"Pwede kang maglibot pero ang makialam sa mga gamit ay hindi." Sabi nya at lumapit sa photo album at pinulot ito tapos ay ibinalik sa kahon bago hinarap muli ako. "Don't get inside this room again."


Tumango ako. "I am sorry, Polo, promise hindi na mauulit."


Bahagyang lumambot ang mukha nya pero agad ding bumalik sa kanyang cold face exterior. "Look, hindi lang ako sanay nang may ibang tao dito at--" huminto sya na parang iniisip ang sasabihin. "Let's go. Kailangan nga pala nating magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa isa't isa."


"Pwede mo ba akong samahan sa kusina bago yun? Baka pwede tayong uminom ng gatas bago matulog sa kuwarto." Napaisip akong bigla sa implikasyon ng sinabi ko. "Ang ibig kong sabihin ay matulog sa sari-sariling kuwarto natin.


Tumango sya at naunang lumabas ng pinto. Bumaba kami at napadaan sa malawak na living room bago nakarating ng kusina. Nagsalang ako ng tubig sa tea kettle at naupo sa kitchen counter at sinimulang magsalita.


"Bakit ako ang napili mong magpanggap? I know nasabi mo na ang dahilan pero bakit nga ako? Surely madaming babae din sa paligid ang hindi maghahabol sa iyo kung sakali di ba?"


"You were the one who always made my coffee. My best bud actually owns that place and he found out that I needed a wife so he suggested that someone with a clean record, smart and sensible to get the job done. Naalala ka nya bigla at itinuro ka sa akin. We're talking about, Benjamnin Ruiz, here the guy who notices every woman regardless of anything."


"Oh!" Ang tanging nasabi ko kasabay ng pagpito ng takuri. Tumayo ako at nagsalin ng mainit na tubig sa dalawang mugs. Nagpunta ako sa cupboards at humanap ng maititimpla. Nakakita ako ng chocolate drink at maliliit na marshmallows. Tinimplahan ko ang tubig ng chocolate at nilagyan ng marshmallows sa ibabaw at nang matapos ay inilapit sa kanya ang isang mug.


"Salamat." Humigop sya ng hot choco at tinignan ako. "Lahat yata ng timpla mo masarap."


Nginitian ko sya at nagkibit balikat. "Tsamba lang siguro." I was actually happy that he thought my drinks were delicious.


"Ako naman. Anong paborito mong kulay? When is your birthday?" Tanong nya sa akin matapos humigop ulit.


"Blue and April 7." Medyo nahihiyang sagot ko dahil nakatingin ako sa kanyang napakagandang asul na mga mata na gustong gusto ko sa kanya. "What's yours?"


"Brown and January 5." He answered in a deep voice looking in my eyes. Kakulay pala ng mga mata ko ang paborito nyang kulay.


"Ang patay naman ng kulay na gusto mo."


Kumunot ang noo nya. "I happen to love the color because it is neutral. Madami akong Armani suits na iba't ibang shade ng brown."


"Let me tell you something about me. Money, expensive things and deadly looks don't impress me. Ang importante sa akin ay ang kalooban ng isang tao."


"Impressive indeed, because other girls mind set are otherwise."


"Dahil hindi ako katulad ng ibang babae." Tininingala ko ang orasan at binalingan sya ulit. "Pwede ba nating ituloy na lang ang pag-uusap na ito mamaya. Inaantok na din kasi ako at napagod talaga ako sa dami ng ginawa natin sa mall maghapon."


"Okay, if that's what you want."


"Bago ko nga pala makalimutan pwede ba akong maghanap ng trabaho bukas?"


"Bakit ka pa maghahanap ng trabaho eh di ba nga may trabaho ka na sa akin?"


"Ayoko lang may sabi ang mga tao. Gusto ko syempreng pumasok pa din sa isang trabaho keysa naman mag-stay lang maghapon dito sa mansion nyo."


"Look kung gusto mo talagang pumasok sa trabaho pwede kang magtrabaho sa akin sa opisina ng Demetri Conglomerate. I know you're a business major."


Natigilan ako. Paano nya nalaman ang bagay na iyon? "How did you know?"


"Does it matter? Now go to bed because we have an early morning for work tomorrow." He told me walking away.


To be continued...


VOTE, COMMENT, SHARE ^__^V

Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon