CHAPTER XXXIV

28.4K 587 100
                                    


Dedicated to @Raffyyap

I am so happy when you said that you actually love my stories. Thank you. ❤️

[ Polo POV ]


We are already five days here in Paris, so far the business trip went on smoothly. Nagawa kong makapagsara ng dalawang transaksyon sa ilang investors mula sa Europe at meron pa akong limang araw na natitira para makapagsara ulit sa ilang posibleng investments.


For the past five days, me and Kit were always having a Skype video call and that somehow help to lessen how much I miss her. Kung magkakaroon ulit ako ng business trip abroad ay isasama ko na sya. Ngayon mas nagiging malinaw na sa akin na baka nga mahal ko na sya. Minsan kasi hindi ko na maiwasang isipin na sana matuloy ang kasal namin para matali na sya sa akin habang buhay. Kapag kasi naiisip ko na maghihiwalay na kami ng landas at maaring makakita sya ng lalaking mag-aalok sa kanya ng kasal ay naninikip ang dibdib ko, pakiramdam ko sinasagasaan ito ng pison, as corny as it sound but it's the truth.


The only thing that is not good for those days were Mariella's presence. She never missed a day to try her luck to bed me. Nandun magpumilit syang pumasok sa kuwarto ko at nandun ayain nya akong uminom na taktika lang nya dahil alam nyang mahina ang alcohol tolerance ko. Ang mas kinainis ko pa ay ang hindi iilang beses na nadidinig ko syang kausap sa cellphone si Ed Samaniego kaya naman napatunayan ko na magkasabwat sila.


"Kit? Kamusta ang araw mo? Miss mo ba ako?" Parang batang paglalambing ko kay Kit. Nakaharap ako sa screen ng laptop dahil we're having a video chat. Lumitaw sa screen ang bungkos ng carnation.


"Polo, ito yung flowers ko for today. Ang ganda talaga ng mga carnations." Masayang sabi nya at sinamyo pa ang mga bulaklak. Napasimangot ako. Ang layo ng sinabi nya sa tanong ko ah at tsaka wala namang scent ang carnation kaya bakit sinasamyo nya pa. Kakaiba talaga ang babaeng ito, one of a kind!


"Buti pa ang bulaklak very much appreciated pero ang nagbigay ng bulaklak taken for granted. At wala namang amoy ang carnation bakit sinasamyo mo pa, para kang sira." Nakasimangot na sabi ko. Tumawa sya at sinundot ang screen ng laptop.


"Para kang bata, alam mo ba yun? Syempre kung gaano ko naaapreciate yung flowers ganun din yung nagbigay. At inaamoy ko ito kasi I was imagining it to be you." She said then winked. Alam kong nag-blush ako dahil ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Si Kit lang talaga ang nakagagawa sa akin ng bagay na ito.


"You mean to say pagbalik ko sisinghutin mo din ako?" Pilyong sabi ko sa kanya. Naalala ko nung kandong ko sya sa Lexus sa Palawan. Hindi ko mapigilang singhutin sya sa tagiliran noon, amoy baby kasi eh.


"Sira! Hindi yun ang ibig kong sabihin." Sabi nyang namumula ang mga pisngi at nag-iwas ng tingin.


"Eh, ano pala? Ang daya mo naman. Dapat pagbalik ko singhutin mo din ako." Panunukso ko sa kanya. Alam ko kasing pikon sya dahil hindi iilang beses na napatunayan ko ang bagay na yun.


"Ipagluluto na lang kita ng gusto mo. Ano ba ang gusto mong ihanda ko pagdating mo?" Pag-iiba nya ng usapan. Ikaw, sana. Yun ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Nauunahan ako ng hiya which is so unlike me. I never felt shy towards any woman especially regarding intimacy. Kung bakit naman kasi masyadong provocative si Mariella nabubuhay tuloy ang init sa katawan ko pero hindi ko kayang gawin ang bagay na yun sa kanya dahil alam kong yari ako kapag nagtagumpay si Mariella sa mga attempts nya.


"Gusto ko ng spaghetti, baked salmon in lemon and olive oil."


"Okay, yun lang pala eh. Limang araw na lang at uuwi ka na. Huwag mong kalimutan ang promise mo ha." She said smiling. I creased my forehead. Promise? Ano nga ba ang ipinangako ko sa kanya? Inisip kong mabuti dahil ayoko syang madismaya sa akin kung mapako ang ipinangako ko. Then it hit me, I promised to be the one to give her the bouquet once I arrive.


Say That You Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon