Chapter 5

6 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung nagkita kami ni Mike sa birthday ko.

Dalawang linggo na din akong ginagambala sa sinabi niya nung gabing yun at dalawang linggong kinikilig. Pati yung nangyayari sa puso ko isang tanong din sakin bakit nagkaka ganun ako? 

Ewan kuba tinanong kuna din sa mga kaibigan ko, pero ang sabi lang nila sakin baka daw kailangan kulang magpa check up. Pero hindi naman kasi ako kinakapos ng hininga.

Pero hindi ko naman na tanong si mama kasi busy siya kaya si ate tin nalang tinanong ko. Ang dami munang tinanong sakin tapos sabi niya lang 'In love' daw ako. Yun daw kasi yung nangyari sakaniya nung na in love siya sa kuya Abdiel ko. Pinag isipan ko muna yung mga sinabi sakin ni ate, lahat lahat naman tumutugma. So therefore, I conclude n­—

"Ash ano nangyayari sayo? Malapit kanang matamaan sa may mukha kung hindi lang nasalo ni mike yung bola eh." Ira

Ha? Mike? Andito si mike? Bakit hindi ko siya napansin?

"Asan siya?"

Itinuro ni Ira sa likod ko. Ano? Ibig sabihin nasa likod ko lang siya? Dahan dahan akong lumingon sa likod at aandun nga si Mike.

"Andiyan ka pala?"

"Yeah kanina pa actually. Ang lalim yata ng iniisip mo. May problema ka ba?" I saw his eyes filled with concern. Tama ba yung nakikita ko?

"H-ha wala. Masakit kasi ulo ko kaya ganon." Pag dadahilan ko sa tanong niya. Umayos kanga Ash! Baka ano isipin sayo ni Mike kasi pa utal utal ka.

Lumapit siya sakin at tiningnan ako ng Mabuti at mas nakita ko ng malapitan yung mga mata niya.

"Gusto mo bilhan kita ng gamot?"

"N-no okay lang ako. Ipapahinga ko nalang to after ng practice namin." Pagtanggi ko sakaniya.

"Are you sure?" he raise his left eyebrow like he didn't convince the idea of it. Napaka gwapo niya talaga kahit pawisan siya.

"Ye

Hindi kuna natapos yung sasabihin ko ng biglang natamaan ako sa may paa ng bola.

Lumingon naman ako kung sinong hinayupak yung bumato sakin. Mga kaibigan kulang pala yung may salarin at tumatawa sabay tukso sakin. Abat mga loka loka talaga eh panira ng moment!

"Astrid una na ako. Baka busy pa kayo sa pag iinsayo."

Untag ng nasa likod ko dahilan kaya napa lingon ako ulit kay Mike.

"Cge."

Ngumiti muna siya sakin at umalis na. Sinundan kulang siya ng tingin hanggang sa nakita kung lumabas na siya ng gym.

Kinuha ko yung bola na binato sakin kanina ng mga kaibigan ko at liningon sila. Ngayon ha ako naman, kanina ang ayos ng usapan namin ni Mike tapos may pa trip pa sila. Aba!

"Tumakbo na kayo kundi uubusin ko yung mga bola dito para maibato sainyo!" Pagbabanta ko sa mga mahadira kung kaibigan.

Lumaki yung mga mata nila dahil sa sinabi ko at nagsi takbuhan na. Abat tumatalab din pala sakanila yung rage moment ko. Kala nila ha.







The Blanche Ladies: Gambled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon