Chapter 6

6 0 0
                                    

  "The most beautiful moments always seemed to accelerate and slip beyond one's grasp just when you want to hold onto them for as long as possible."



Ash POV

Napagising ako agad dahil sa malakas na katok sa may pintuan ko at alam ko kung sino na naman yun. Si mama lang naman ang ganun ka kulit pag umaga eh.

"Yes ma! I'm already awake na po." Sabi ko kay mama para tumigil na siya sa kaka katok.

Inayos ko yung kama ko at pumasok na ng bathroom para maligo and do my morning rituals. Pagkatapos ko maligo kinuha ko agad sa may cabinet yung uniform ko. Nag bihis na ako at sinuklay yung buhok ko. Pinag masdan ko muna sarili ko sa salamin. 

Ngayon kulang napansin na bagay naman pala sakin yung uniform ko. Ngayon kulang din na appreciate yung ayos ko. Conscious kana kasi nga napapansin kana ng iniirog mo. Ano daw iniirog? Ish.

Kinuha kuna sa kama yung coat ko at isinout na. Lumabas na ako sa kwarto at pumanhik na sa baba. Kumain na ako agad after mag greet kila mama at papa. Pagkatapos kung kumain umuna na ako kila kuya na kumakain parin at nagpahatid na kay kuya delfin kasi baka mahuli ako sa first subject ko.

Kinuha ko sa bag ko yung phone at nag open ng data kasi baka naman may bagong post about sa upcoming event ng school. Nung na check ko na, I open my facebook as usual sangkatirbang messages, notifications at friend request. Pinindot ko sa may friend request. Sino sino naman to? Habang nag scroll ako napahinto ako sa isang name and I frowned.

"Seryoso ba to? Baka naman fake account to ah."

I tap on his profile and I saw his face and his cover photo. Siya nga kasi family photo Ash! Hindi, dapat sure na sure. Kaya nag scroll pa ako kasi baka kasi hindi. Pero siya nga may post kasi na photo at tinag pa siya ni Alec Virata na kaibigan niyang matalik sa school.

"Confirm kuna ba?"

Mag isip kanga muna Astrid padalos dalos ka eh. Napatingin ako kay kuya delfin nang mag salita siya.

"Ma'am? Nasa school na ninyo po tayo."

Pinasok kuna yung phone ko sa bag at nagpasalamat muna kay kuya delfin bago bumaba.

Pumasok na ako sa school namin at naglakad papunta sa room ng biglang may narinig akong may tumatawag sa pangalan ko at pamilyar ang boses. Nagpalinga linga ako kung sino yun at nakita kung nakangiting lumalapit sakin yung lalaking walang kupas ang ka gwapohan sa mga mata ko si —mike.

"Akala ko hindi muko narinig eh." Hingal na sabi nito.

"Tumakbo kaba?" concern kung tanong. Syempre naman pawisan kaya siya. Ano ba namang tanong yan Ash, gusto mulang punasan eh.

Huminga muna ito ng malalim bago sumagot sakin.

"Medyo, ang bilis mo kasing lumakad" Sabay ngiti. Andiyan na naman ngiti niyang nagpapa lambot ng tuhod. "Let's go? Magkalapit lang naman rooms natin diba?" Iginiya niya na ako pataas.

"Bakit mo naman kasi ako hinabol."

"Wala lang. Nakita kasi kita kaya ayun."

Ouch yun lang pala. Wala lang. bakit ba ano yung ini expect mo na kasi yayain ka niya kumain o ano? Assuming mo talaga.

Hindi na ako nag salita hanggang sa nasa tapat na kami ng room ko nagpaalam na ako sakaniya at nag thank you.

Nakita kung nag titinginan sakin yung mga classmates ko sabay tilian.

The Blanche Ladies: Gambled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon