Not everything we love is meant to be kept
Ash POV
"Dr. Alvaro?"
Napatingin ako sa pumasok na babae at ibinalik ang tingin sa ginagawa kanina.
"Yes?"
"Pinapatawag po kayo ni Chairman" Tumango lang ako sakaniya as a sign na pupunta nalang ako doon.
I finished my last report before I stood up in my swivel chair. Lumabas na ako sa office at nag bilin sa secretary ko na kung meron mang mag hanap sakin sabihin na mag antay lang sa loob.
Naglakad ako papuntang elevator and I saw a familiar person entering.
"Wait for me!"
Hindi naman ako nabigo dahil naka bukas parin ito kaya pumasok ako ka agad.
"Mukhang nag mamadali ka yata Ash." Pinindot ng katabi ko ang floor kung saan ang punta nito at pinindot ko naman kung saan ang distinasyon ko.
"Pinapatawag kasi ako ng Chairman." Tumawa lang siya sakin. Anong nakakatawa dun? Parehas lang kayo ng bestfriend mo!
"Kukulitin ka nanaman ba na makipag blind date?" tiningnan ko siya ng masama. Lokong to, inaasar na naman ako.
"Manahimik ka Jett ha baka samain ka sakin." Yes, It's Dr. Jett.
Tumawa na naman ito. Ano akala nito sakin clown? Abat namumuro na to ha. Napangiti ako ng may naisip na iba-back fire dito.
"Ikaw? Kailan mo masasabi sa kaibigan ko na may gusto ka sakaniya?" At nag tagumpay naman ako kasi bigla itong nanahimik. Huh. Ano ka ngayon.
"Ano bang sinasabi mo, baka may makarinig pa sayo eh."
"Nagpapatawa kaba alam mong nasa elevator tayo tapos may makakarinig? Pinag loloko muba ako Jett?" Ako naman ang tatawa.
"Parehas lang talaga kayo nila Sierra." Mag sasalita sana ako nung bumukas na ang elevator at papaalis na siya.
"Punta ka mamaya ha." Pahabol kung sabi. Kumaway nalang ito na nag papa alam.
Napa iling nalang ako pag na iisip silang dalawa ni Kai. Baka yata mag a-asawa nalang si Kai hindi pa masabi ni Jett yung nararamdaman niya. Napatigil ako sa pag iisip ng bumukas na ang elevator. Lumabas na ako at nag tuloy sa office ng Chairman.
Sinalubong ko ng titig ang chairman ng ospital na pinag tratrabahuan ko.
"Kung hindi pa kita ipapatawag dito hindi mo man lang pupuntahan ang nanay mo." Napa iling nalang ako sa pag tatampo ni mama at umupo sa visitors couch. Yes, its my mother and she is the owner of the hospital I've been working for and she wants me to inherits this like sino paba eh ako lang naman ang nag doktor samin mag kakapatid. As if may choice diba?
"Ma, alam mo naman diba na busy din ako. Kabi kabila yung operations ko." Pag dadahilan ko sakaniya.
Tumayo si mama at lumapit sakin, umupo siya sa gitnang pang isahang upuan at hinarap ako.
"Anak, umuwi kana sa bahay. Kami lang ng papa mo at si Zari ang aandoon. Napaka tahimik." Malungkot na pagkasabi ni mama.
Na mi-miss ko din naman ang bahay namin pati na din si mama pero mas mabuti kasing malayo ako para maka iwas na mag bangayan kami ni papa.
BINABASA MO ANG
The Blanche Ladies: Gambled Love
General FictionAstrid Ash Alvaro has everything- beauty, brains, a loving family and supportive bestfriends. Pero meron paring kulang- the man of her dreams, Mikel Androe Saavedra. But one day napansin din siya nito at napalapit pa sa kanya. Her world stopped nang...