Everything has beauty, but not everyone sees it
Papunta ako ngayon sa office ni mama dahil sa nakita ko kanina yung invitation sa may mailbox. Bakit napaka aga naman yata ng gagawing celebration sa anniversary nila ni papa na imbis next week, nilipat nila two days from now at sinabay pa talaga sa birthday ng pamangkin ko. Alam na alam ko na may plinaplano si papa kaya si mama ka agad ang kakausapin ko tungkol dito.
Pagkapasok ko palang ng opisina niya nadatnan ko siyang may kinakausap na babae. Inantay ko muna na matapos ang pag uusap nila at umupo muna ako sa couch. Pagka labas nang babae tinanong ko agad si mama.
"What's papa's plan ma?" napa kunot noo si mama sa tanong ko.
"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung maayos ba ako o kung ano?" may halong pag tatampo na sabi ni mama.
"Okay. How are you ma?" bumuntong hininga muna si mama bago sumagot at umupo sa tabi ko.
"Anak may gustong sabihin ang papa mo and I don't know what it is. Alam mo na napaka malihim ng ama mo pag may plina plano."
"Ma oo nga po kilala ko si papa, kaya nga kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin niya." Sa sobrang kilala ko sa ama ko hindi kuna alam kung ano ba talaga plano niya.
"Ash Anak malay mo gusto lang talaga na makita niya kayong tatlo."
Tiningnan ko si mama na parang sinasabi na imposible yun. Hindi na ako nag tagal sa office ni mama at baka kung saan na naman mapunta ang usapan naming dalawa. Hindi niya na ako pinapa problema sa susuotin dahil nagpagawa na daw siya para sakin. Empleyado pala ni Veda yung babaeng kausap ni mama kanina. Siguradong instant reunion na naman kaming magkakaibigan nito.
Itinoon ko nalang ang sarili ko sa pag tratrabaho at sa bawat surgeries na naka schedule sakin.
Hanggang sa kinabukasan day off ko kaya nag aya ako sa mga kaibigan ko na lumabas kami pero mga busy ang mga bruha kaya solo flight ang lola niyo ngayon. Nag sout ako ng skinny jeans at pinarisan ko ng denim shirt at nag flat shoes. Kinuha ko yung black secosana hand bag ko, aba naman syempre magpapa huli ba ako sa uso. Lumabas na ako sa condo unit ko at siniguradong naka lock ito ng mabuti, sumakay ako ng elevator at bumaba papuntang parking lot. Sumakay ako ka agad sa kotse at nag maneho papuntang LM mall. Siguro mag sisine nalang ako tapos pupunta sa hotel nila Farah magpapa spa at magpapa manicure at pedicure na din.
Ilang minuto lang naman naka dating ako ka agad ng mall hindi naman kasi sobrang layo ng mall sa condominium ko. Pagka tapos kung mag park lumabas ako ka agad at pumasok na sa loob. Ilang months na din akong hindi naka pasyal dahil sa hectic talaga ang sched ko sa ospital.
Nag libot libot muna ako nang may nakita akong toy store. Na alala ko na wala pa pala akong gift para sa pamangkin ko kaya pumasok ako at tumingin tingin sa mga laruan, jaz was turning 6 years old tomorrow and alam ko naman na mga helicopter ang gusto niya. Pagka pili ko ng remote control na helicopter binili ko ka agad ito.
Nag hanap din ako ng jewelry store para sa gift ko kila mama. Pagka pasok ko doon tumingin tingin ako sa mga bracelets, pero mas nagustuhan ko yung gold necklace na hugis medical sign ang pendant at may emerald sa gitna, nakaka windang man yung presyo ipinikit ko nalang yung mga mata ko at binili tiyaka minsan lang naman to. Bumili din ako ng gold necklace para kay papa na may cross pendant with silver dots sa bawat gilid.
Nakaka iyak man yung nagatos okay lang, galing naman yun sa pinag hirapan ko ng ilang taon sa pag tratrabaho. Mababawi ko din yun pag ako na may ari ng ospital. joke lang baka bumangon at batukan pa ako ng Lolo ko pagka ganun. Papalabas na ako shop ng biglang may bumunggo sakin. Haharapin kuna sana para pag sabihan na mag ingat ng biglang tumalikod na ito at lumapit sa display table. Pinag masdan ko ng mabuti ang likod ng taong yun pamilyar kasi eh pero impossible naman na kilala ko yun kaya iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang nangyari at lumabas na.
BINABASA MO ANG
The Blanche Ladies: Gambled Love
Ficción GeneralAstrid Ash Alvaro has everything- beauty, brains, a loving family and supportive bestfriends. Pero meron paring kulang- the man of her dreams, Mikel Androe Saavedra. But one day napansin din siya nito at napalapit pa sa kanya. Her world stopped nang...