Chapter 12

7 0 0
                                    


We can hide things away, but we can't forget


Nagising ako sa malakas na tunog ng doorbell. Tinatamad man tumayo na ako dahil hindi matapos tapos ang tunog na yun na parang may pinang huhugutang sama ng loob at sa doorbell na buhos lahat. 

Bwesit na bwesit na talaga ako. Kagabi nakaka bwesit nanga pati ba naman ngayon. Talagang gagatungan ko kung sino ang taong to!

Hindi na ako nag abala na tingnan ang screen intercom at binuksan ang pintuan.

"Tagal tagal mo naman Ash!" Wow ha! Ako pa talaga yung matagal! Tingnan muna! Ang mahadirang Ira lang naman kasi ang umistorbo sa beauty sleep ko.

Ang mas nakaka gulat pa pumasok nalang siya agad agad na parang wala yung may ari sa harapan niya at pumunta ng kusina. Napa iling nalang ako at sinirado ang pintuan. 

Sinundan ko siya at humalukipkip at sumandal sa may wall. Lumingon lang ito saglit sakin at binalik naman agad sa pag lalagay ng mga pagkain na binili niya. Napa taas ang kilay ko dun ha hmm siguradong may iniisip to ngayon at hindi ma pakali at ako ang inisturbo.

"Why a sudden rush Zaria?"

"Wala, gusto kulang pumunta dito. Masama ba yun? Tiyaka ano kaba ayaw mo yun may instant alarm clock ka dapat nga you must be thankful to me."

Abat ako pa talaga ang dapat magpa salamat ha. Hmm confirm nga may problema to ngayon hindi hilig ng babaeng to mag salita ng tuloy tuloy at mahaba pa take note, unless may buma bagabag sakaniya. Thats why I sigh and sit in the chair. Alam ko namang may prinoproblema tung mahadirang to, hindi pupunta ang isang Marie Zaria Vasque sa poder ko kung walang gustong sabihin. Pinag masdan kulang siya habang nag lalagay ng pinggan.

"Don't stare at me like that. Na ah. I know that your reading my mind." Sabi nito bago umupo.

"I know you Ira, but I will not force you to tell me." Hindi ko mapipilit ito pero alam kung sasabihin niya sakin. Useless lang na inisturbo niya ako ng alas singko ng madaling araw kung hindi, at talagang babatukan kuna tong kaibigan ko.

Kumain muna kami at napansin ko na may naka tulala pa minsan minsan o di kaya bumu buntong hininga. 

Pagkatapos naming kumain sinamahan niya akong mag hugas ng pinagkainan namin ng bigla siyang nag salita.

"Ash, sa tingin mo kailangan kunang harapin yung mga taong dapat noon kupa hinarap?"

Napa hinto ako sa pag babanlaw at tiningnan siya ng maigi.

"As what your grandpa said a long time ago na kailangan mo silang harapin para mailabas mo yung mga hinanakit na nasa puso mo. Tiyaka para naman ma sagot mo din yung mga matagal munang tanong sa isipan mo mula nung bata kapa. Alam ko na mahirap magpatawad pero unti untiin mo, don't rush yourself. Hindi magiging masaya ang lolo mo kung saan man siya ngayon kasi malungkot ka, lalong hindi mapapanatag ang lola mo sa ibang bansa pag nalaman niyang nagkaka ganiyan ang pinaka mamahal nilang apo."

I reach her hands and look at her with sympathy. Na iintindihan ko naman si Ira, hindi madali yung nangyari sa buhay niya. Kaya ganiyan siya sa ibang tao, walang emotion, walang pakialam at untouchable. Samin lang niya napapakita yung totoong siya, kaya nasasabi ng mga empleyado niya na malupit daw ito. Hindi naman kasi nila alam kung bakit siya nagka ganiyan kaya pinag tatanggol namin siya sa tuwing nakakarinig kami ng hindi magagandang salita na binabato dito.

"Thank you, Ash, hindi nga talaga ako nagkamali na dito pumunta. Kung nagkataon na pumunta ako ni isa sa lima siguradong sasabihin lang nun na pumunta sa resto bar para uminom." Napatawa ako sa sinabi niya. talagang may gana pang mag biro kahit may bumabagabag sa loob niya.

The Blanche Ladies: Gambled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon