"Vipers"

43 5 0
                                    

(SE01-EP02)

*****
lunes nung iilan lang sa mga studyante ang pumasok sa skwelahan na pinag aaralan ni justin at hobi pati narin si laxy,  iilan sa mga ito ay tila nahihilo na at nawawala sa sarili, samantalang ang ilan naman na halos kakapasok lang ay nasa maayos na kalagayan. sa kalagitnaan ng masayang pag uusap ng iilang studyante sa hallway ng school tatlo sa mga studyante ang biglaan na lamang natumba at nawalan ng malay, nataranta ang ibang studyante na nasa maayos na kalagayan pinalibutan  nila ang mga ito hanggang sa sunod sunod na nawalan ng malay at natumba ang ilan pa sa mga studyante, nanatiling nag tataka ang mga studyante duon at ang ilan ay umaliis para humingi ng tulong.
.
.
.
makatapos lamang ng ilang minuto isa sa mga studyante ang sumigaw at lahat ay napatingin, nag sigawan ang lahat nung nakita nila na nilalapa na ito ng isa pang studyante ang babaeng studyante na sumigaw, hanggang sa nagkagulo na ang lahat,inatake ng mga studyanteng nawalan ng malay kanina lamang ang ilan sa mga studyante at ang ilan ay nag takbuhan na paalis.
.
.
*****
.
.
kinuha ng malakas na pag katok ni hobi and attention ng mga studyante na iyon
.
.
"tumakbo na kayo!!!"-hobi
.
.
sigaw ni hobi at hinabol sya ng mga studyante, agad lumapit si justin kay laxy at inalalayan ito patayo
.
.
"umalis na tayo"-laxy
"hindi natin puwede iwan kaibigan ko dito"-justin
.
.
inalalayan ni justin si laxy paakyat ng hagdan,natagalan ang dalawa sa pag akyat ng hagdan, umabot sila sa  pangatlong palapag
.
.
"di ko na kaya ang sakit na nang pag kakatapilok ko"-laxy
.
.
walang ibang nagawa si justin kundi buhatin si laxy, nag  ikot sila sa 3rd floor para humingi ng tulong, sa pag lalakad nila may isang janitor na apektado din ng mga kaganapan sa mga tao ngayon ang lumabas sa cr sa 3rd floor at di alam kung saan pupunta
.
.
.
patakbo na si justin ng biglang may humatak sa kanila ni laxy papasok sa isang silid.
sa pag pasok nila sa silid na iyon agad ni lock ni hobi  ang pinto
.
.
"brad"-hobi
.
.
nag  yakapan ang dalawang mag kaibigan, sa isa pang maliit na silid ng silid na iyon, isang matangkad na lalaki ang lumabas na  nag ngangalang joon, isa sya sa mga  nurse ng school.
.
.
"nakagat ba kayo?"-joon
.
.
umiling si justin at laxy
.
.
"paano tayo makakatakas dito?"-hobi
"wala akong idea, halos sa tv ko na nga lang nalaman na kumakalat na yung mga zombie na yan"-joon
"zombie?"-justin,hobi&laxy
"oo, nanunuod ba kayo ng tv? sila yung mga tao na apektado ng virus na ewan ba kung saan galing"-joon
"virus?"-justin
"oo, buti naman at wala kayo"-joon
"di-di-di namin alam"-hobi
"nahihilo ba kayo? nagugutom? lumalabo ang paningin?"-joon
"gutom lang"-hobi
.
.
napakamot ulo si joon saka laxy
.
.
"ako rin di pa ako nag aalmusal"-justin
"haay"-joon
.
.
kinuha ni joon ang apat na natitirang cup noodles sa aparador nya at nag pakulo ng tubig pag katapos neto ay nilagyan nya na ng ininit ang cup noodles at hinintay eto maluto
.
.
"ano sa tingin mo? saan galing yung virus na yun?"-hobi
"oo nga bakit hindi tayo apektado?"-laxy
.
.
tahimik lang na nakatulala si justin habang nag iisip at inaalala ang senaryo nanasaksihan nya kasama ag mama nya
.
.
*****
"eto naba lahat?"-justin
"oo dalawa lang yan,bigay ng kumare ko para sa ating dalawa,sabi nya nakakawala daw ng gutom yan sa loob ng isang araw,sige una muna ako"-mom
*****
.
.
"wooy!"-hobi
.
.
paulit ulit na pala na tawag sa kanya yun ni hobi kaya bumalik na sya sa diwa nya
.
.
"bakit?"-justin
.
.
inabot ni hobi sa kanya ang isang cup noodles
.
.
"last na yang mga yan"-joon
"paano na pag di pa tayo nakalabas dito tapos nagutom tayo ulit?"-laxy
.
.
natahimik lang ang lahat at napaisip.. umabot na ng hapon at gutom na gutom na ang apat, naisipan na lang nila itulog yun. nagising ang lahat nung saktong pumatak na ng ala siete ng umaga, isang malakas na pag ring ng bell ang tumunog na madalas nangyayari sa tuwing mag aala siete na sa iskwelahan at oras na ng  pag pasok.
bumangon ang apat at bahagyang binuksan ni joon ang pintuan at sumilip. nakita nya ang mga zombie na mga studyante at iba pang staff na mabilis na nagtatakbuhan paakyat sa pinaka mataas na palapag kung nasaan ang bell.
.
.
"ano nangyayari?"-laxy
"shhh"-joon
.
.
naubos na ang mga zombie sa labas.
.
.
"20 seconds tara na!"-joon
.
.
agad kinuha ni joon ang mga gamot at bandages nya sabay lagay sa bag, habang ginagawa nya yun ay nakatanggap siya ng tanong kina justin
.
.
"bakit?anong nagyari?"-justin
"kinuha ng bell ang attention ng lahat nang zombie na yan kaya ngayon ilang segundo na lang ang meron tayo para tumakbo at makatakas dito"-joon
.
.
agad sinara ni joon ang bag nya at tumakbo palabas, sumunod ang tatlo at nauna si justin sa apat dahil sa bilis neto tumakbo, tinanggal  na  ni  laxy ang sapatos nya at tumako sa bilis ng makakaya nya.
.
.
.
sa pangalawang palapag may iilang zombie dun na hindi naka abot sa pag ring ng bell at narinig ang mga yapak nila justin, agad sila hinabol  ng mga ito, lalo pang binilisan ng apat ang pag takbo hanggang sa nakarating  na sila sa labas na pinaka pinto ng hallway ng school. agad ito sinara ni hobi at matagumpay sila na naka labas sa skwelahan
.
.
"saan na tayo ngayon pupunta?"-laxy
"wala akong idea"-justin
.
.
hinihingal at kumakalam ang sitmura ng apat habang nag lalakad,di na nila alam kung saan sila nakarating
.
.
"di kona kaya"-laxy
.
.
napa  upo na lang si laxy sa lupa sabay  sandal sa gulong ng isang malaking truck,sunod din na bumagsak si joon at hobi na di narin kinaya ang pagod at gutom na nadarama
.
.
"kahit tubig man lang"-hobi
.
.
nag ikot ikot si justin sa paligid at nag hanap ng maiinom, nakakita sya ng isang bote ng tubig sa kalsada na naka kalat at agad nya ito dinampot sabay inom ng konti at tinirhan ang mga kasama nya. bumalik si justin dun at nakita nya na lang ang tatlo na binuksan ang truck at halos tuwang tuwa,
.
.
"justin tignan moto"-hobi
.
.
tumakbo si justin papunta dun at nakita nya ang isang bundok ng pop up soda na naka packaging  pa at mukhang ihahatid para sa delivery
.
.
"salamat sa diyos"-joon
.
.
isa isa kumuha ang tatlo dun at tinanggal ang packaging, napuno ng pag tataka si justin at pag  aalala, iba ang kutob nya sa soda na yun, ng tangkang iinumin na ng tatlo ang soda isa isa nya rin ito hinampas paalis sa kamay nila at natapon ito sa lupa
.
.
"brad!"-hobi
"ano bang problema mo?"-laxy
"uhaw na uhaw na kami"-joon
.
.
inabot ni justin ang isang bote ng tubig kay hobi
.
.
"hati hatiin nyo na lang at mag  hanap tayo ng ibang maiinom at makakain wag lang yan"-justin
"seryoso?"-laxy
.
.
natahimik lang si joon at hobi na tila ba naiitindihan na ang punto ni justin
.
.
"guys ano? nasa harap nyo na yung grasya sasayangin nyo pa?"-laxy
"yung kapit bahay namin na  nag bigay  sa amin nyan hindi na nag paramdam"-justin
"simula nung nag karoon ng ganyang stock sa school dumami na ang mga zombie na yun"-joon
"pop up soda ang dala dala ng mga nawawala sa sarili kahapon sa labas ng inuupahan ko"-hobi
.
.
natahimik na lang si laxy at kinuha ang bote ng tubig sa kamay ni hobi sabay inom
.
.
"tara na"-justin
.
.
sinara ni hobi ang truck na iyon at muling nag lakad lakad ang apat, sa bawat restaurant na tinatangka nila pasukin ay may mga  zombie sa loob.
sa kalayuan ng paglalakad nila tumirik na ang araw at sobra na ang init, nag hanap ng masisilungan ang apat, sa di kalayuan may nakita silang isang  hardware
.
.
"tara duon--"-joon
.
.
agad  tinakpan ni justin ang bibig ni joon at hinatak ang mga kasama nya sa isang malakig puno para magtago
.
.
"puwede tayo sumilong dun?"-joon
"oo pero mukhang malabo"-justin
.
.
sabay turo ni justin sa isang banda. may dalawang babae ang nag lalakad at nag iikot ikot sa labas ng hardware na tila ba may binabantayan, may dala itong mga rifle at may mga pocket knife pa na nakasuksuk sa kanilang tagiliran. sila si jasmin at  grace mga babaeng miyembro ng isang gang na madalas nasasangkot sa mga gulo sa lugar tulad ng pag patay at mga rambol, walang nakakahuli sa kanila dahil magagaling sila pag dating sa pakikipag laban at pagtatago. makikita rin sa mga leeg nila ang isang tatoo ng ahas dahil kilala sila sa tawag na vipers.
.
.
"asan na kaya sya?"-jasmin
"mukhang gagabihin pa ata yun ng uwi"-grace
"nag aalala ako baka kung ano na nangyari sa kanya"-jasmin
.
.
natawa si grace
.
.
"tss, yung babae paba na yun? gago yun eh"-grace
.
.
natawa lang ang dalawa.
.
.
"hindi sila mag babantay dyan kung walang mahalagang bagay sa loob"-laxy
"oo,pero alam nating delikado may mga baril sila"-joon
"pero baka puwede sila madaan sa magandang usapan"-hobi
"tignan natin kung ano mangyayari pag nalaman nilang may tao"-justin
.
.
kumuha ng bato si justin at agad binato ang isang bush ng halaman malapit kila jasmin at grace, pag bato na pag bato neto at sa pag  tunog ng halaman agad pinaputukan ni grace ang halaman na yun.
.
.
"ano yun?"-jasmin
"di ko alam,bigla na lang may tumunog"-grace
.
.
tinignan ng dalawa ang bush ng halaman na yun
.
.
"grabe"-laxy
"ngayon alam nyo na mangyayari sa konting ingay lang natin"-justin
"mag hanap na lang tayo ng ibang masisilungan, gusto ko pa mabuhay"-joon
"may idea ako, sumunod kayo sa akin,sunod lang huh walang mag iingay"-hobi
"brad"-justin
"shhh"-hobi
"delikado"-justin
"delikado pag di pa kayo tumahimik"-hobi
.
.
tahimik at dahan dahan umikot si hobi sa hardware, may nakita silang daan dun papasok, sumenyas si hobi na dahan dahan lang at walang mag iingay, pumasok sila dun at walang katao tao, sarado ang mga bintana at may isang silid na naka lock,  hinayaan na lang nila yun, sa pinaka main spot ng hardware na yun may nakita silang isang drawer ng mga delata,chichirya,tubig,kape,biscuit at tinapay.
.
.
"holyshit"-justin,hobi,joon&laxy
.
.
tila nakakita ng anghel ang apat dahil dun at dahil narin sa gutom nila,inalis ni justin,hobi at laxy ang mga gamit nila sa bag nila at nag simulang manguha ng mga pagkain at tubig sa halos isang malaking drawer  na iyon na punong puno ng panlamang tiyan.
.
.
"sino kayo?"
.
.
isang mahinhin na boses ng isang lalaki mula sa likod, agad napalingon ang apat at nanlaki ang mata sa gulat, mula sa naka lock na silid, lumabas ang isang binata dun na nag ngangalang si ryan,hindi tulad ng mga babae sa labas ay wala itong tatoo na ahas  sa leeg, maamo ang mukha neto at nakasuot lamang ng blue na tshirt sa loob at naka bukas ang kanyang red,blue and white na checkerd na blouse, naka maong lamang ito na asul at makikitang malaki pa ito sa kanya dahil sa nakatuping parte ng kanyang maong sa baba. may hawak itong screwdriver at isang blender na tila pinag kakaabalahan nya ayusin
.
.
"a-a-anong ginagawa nyo dito?"-ryan
.
.
takot at naginginig na pananalita ni ryan.agad kumatok ang dalawang babae sa labas mula sa pinaka pinto
.
.
"ryan? ayos ka lang ba?"-grace
"sinong kausap mo dyan?"-jasmin
.
.
agad gumawa ng aksiyon ang apat
.
.
.
sa pag bukas ng pinto ni  grace kasunod si jasmin, agad silang napatutok ng baril kila justin, kalabitin na sana  ni jasmin ang gatilyo ng baril pero agad sya pinigilan ni grace, makikitang hawak hawak ni hobi ang dalawang kamay ni ryan na nasa likod neto, nakaluhod lang si  ryan habang pinapalibutan ng apat at ang screw driver na dala lang ni ryan kanina pero nasa kamay na ni justin ay nakatutok na sa leeg ng binatang si ryan.
.
.
"sino kayo?"-jasmin
"gawin nyo na lahat ng gusto nyo wag nyo lang sya sasaktan"-grace
"ibaba nyo yang mga baril nyo"-justin
.
.
dahan dahan binaba ng dalawang babae ang mga baril nila at tinaas ang kamay
.
.
"sipain nyo papunta dito"-justin
.
.
agad sinipa ni grace ang baril papunta kila justin at agad naman ito dinampot ni laxy sabay tutok sa kanila, nag aalinlangan pa si jasmin na gawin iyon
.
.
"walang masasaktan kung susunod kayo"-justin
"jasmin"-grace
.
.
napipilitang sinipa yun ni jasmin palapit kila justin at agad naman ito dinampot ni joon at tutok muli sa kanila.
.
.
"kung kailangan nyo ng pagkain, kumuha na kayo dyan at umalis na kayo"-jasmin
"hindi lang pagkain ang kailangan namin"-justin
"kailangan namin lahat ng ito"-hobi
.
.
agad sinara ni namjoon ang pinto sa harap at likod
.
.
"di natin nabantayan"-grace
.
.
binitawan ni justin ang screwdriver at kinuha ang baril sa kamay ni laxy sabay tutok neto kay ryan na halos naginginig na sa kaba at takot na paputukan sya neto sa ulo
.
.
"huwag!"-grace
"wag na wag nyo syang sasaktan"-jasmin
.
.
nag ikot ikot si joon at nag hanap ng lubid, una nilang tinalian ang mga kamay at paa ni  ryan, sunod si jasmin at grace, isinandal sila sa sulok at kinuha ni hobi ang mga kutsilyo ng dalawang babae sa tagiliran.
.
.
"papalipas lang kami ng gabi dito pangako yan"-justin
.
.
nag katinginan si jasmin at grace sabay tawa ng malakas, nabalot ng pag tataka ang apat mula sa kinatatayuan nila
.
.
"sige sige lang, sana makaabot pa kayo ng umaga"-jasmin
"bakit?"-laxy
"u-u-umalis na kayo parang awa nyo na"-ryan
"puwede ba itigil mo yang pagiging maawain mo? sa panahon ngayon, di na uso yan, nakita mo na nga diba? pinasok nila  tayo, ninakawan, tinutukan ka ng baril sa ulo at ngayon ay nakagapos na tayo habang sila nakikinabang sa lahat ng pinag hirapan natin"-jasmin
"jasmin tama na"-grace
"at bakit--"-jasmin
"MANAHIMIK KA!!"-justin
.
.
natahimik ang lahat
.
.
"hindi kami mag dadalawang isip na pasabugin yang ulo ng kasama nyong lalaki at isusunod namin kayo"-justin
.
.
natahimik lang ang tatlong naka gapos, kumain na ang apat at siniguradong naka sarado ang lahat ng puwedeng madaanan.
.
.
"bukas ng umaga saan tayo?"-hobi
"di ko alam"-justin
"pero puwede naman na dito na lang tayo"-laxy
"hindi, baka mamaya kung sino pa ang  dumating baka mas marami pa sila"-justin
"kukuha tayo ng maraming pagkain at aalis na tayo"-hobi
"hindi ba parang ninakawan na natin sila?"-joon
.
.
natahimik ang apat dahil totoo naman talaga
.
.
"yung sinabi mo kanina na papasabuginn mo yung ulo nila, totoo ba yun?"-laxy
"anak ng-- syempre hindi, hindi ako pumapatay ng tao"-justin
"sa PUBG lang"-hobi
.
.
sabay apir ng dalawang magkaibigan, pumasok na ang apat sa loob ng hardware at  nakita nila na nakatulog na ang dalawang mga babae habang si ryan ay tila namumutla na at nanginginiig habang nakayuko
.
.
"mukhang puyat sila sa pag babantay"-hobi
.
.
lumapit si joon kay ryan at hinawakan eto sa noo, halos nag aapoy na ito sa init at namumutla na, agad pinutol ni joon ang tali ni ryan sa kamay at paa at inalalayan ito patayo
.
.
"anong ginagawa mo?"-justin
"mataas ang lagnat nya"-joon
.
.
nagising ang dalawang babae at nakita nila si joon na inaalalayan si ryan papasok sa silid neto para ihiga
.
.
"baka apektado sya nung virus"-laxy
"ano ginagawa nyo sa kanya?"-grace
"yung kasama nyo bakit namumutla yun?"-justin
"si  ryan? naku mukhang nabinat sya"-jasmin
"malala na ang sakit nya dahil sa ubo at sipon simula nung pumunta kami dito, wala kaming gamot para sa kanya kaya--"-grace
"tama na"-jasmin
"sana tulungan nyo kami"-grace
"grace ano ba? binihag nila tayo"-jasmin
"pero--"-grace
"ako na bahala"-joon
.
.
ani ni joon pag katapos ihiga si ryan sa kama sa kuwarto neto.
.
.
"kumuha kayo ng tubig saka tinapay"-joon
.
.
tumingin pa si joon sa drawer at sa kalan sa gilid neto
.
.
"mag pakulo narin kayo ng tubig at mag timpla ng gatas para may lakas sya pag gising, nawalan sya ng malay"-joon
"ano???"-grace
.
.
agad inasikaso ni laxy ang pag papakulo ng tubig, kumuha naman si hobi ng isang mangkok ng tubig at bimpo sabay bigay kay joon
.
.
.
pumasok si joon sa loob kasama si justin
.
.
"tingin mo magiging ok lang siya?"-justin
"hindi naagapan ang sakit nya at di pa sya umiinom ng gamot simula nun kaya sigurado ako na nahihirapan sya ng sobra"-joon
.
.
sabay basa ng joon ng bimpo at punas sa mga braso neto upang mahimasmasan
.
.
"nakokonsensya na ako sa mga ginawa natin"-justin
"pero kung wala tayo dito baka hindi na sya mag tagal ngayon"-joon
.
.
kinuha ni joon ang bag nya at inilabas ang gamot para sa ubo at sipon. pinunasan ni joon ang mukha ni ryan para magising ito
.
.
"mukhang mahalaga sya sa mga babae na nasa labas"-joon
"sobra, parang katapusan na nila pag may nangyaring masama sa kanya"-justin
"bago tayo umalis dito gusto ko makasigurado na ok sya"-joon
.
.
napangiti lang si justin nagising si ryan sa pag uusap ng dalawa at dahil narin sa basang bimpo na dumadampi sa mukha nya.
.
.
"a-a-ate"-ryan
.
.
bulong neto
.
.
"isa ata yung ate nya sa nasa labas"-joon
"yung grace ata yun halata naman"-justin
.
.
inalalayan ni joon si ryan paupo  ng bahagya
.
.
"wag ka mag alala di ka namin sasaktan"-joon
"pareparehas lang talaga tayo sa ngayon na nangangailangan ng tulong kaya sana wag mo kami itrato na masasamang tao, di naman namin ginusto yung ginawa namin sa inyo sadyang may mga araw lang talagang kailangan mo gumawa ng paraan para sa ikabubuti mo"-justin
.
.
sinuklian lang ni ryan si justin at joon ng ngiti, pinainom ni joon si ryan ng gamot at tubig, sakto namang dumating si laxy dala ang gatas na nasa tasa
.
.
"mag pagaling ka"-laxy
"salamat ng marami sa inyo"-ryan
.
.
ngumiti lang si laxy at lumabas, sumunod din si justin kay laxy
.
.
"laxy"-justin
.
.
lumingon si laxy kay justin habang nakangiti
.
.
"bakit??"-laxy
"amm"-justin
.
.
nawala sa sasabihin nya si justin
.
.
"gusto morin ba mag gatas?"-laxy
"huh?hindi"-justin
"andun yung kaibigan mo pinag timpla korin ng gatas tara na"-laxy
.
.
sabay hawak neto sa kamay ni justin at hila papunta kila hobi. habang nag gagatas ang tatlo, napansin ni laxy na kinakaskas ni jasmin ang tali sa kamay nya sa likuran neto
.
.
"at ano sa tingin mo yang ginagawa mo?"-laxy
.
.
sabay tayo ni laxy sa harap ni jasmin
.
.
"gusto mo specific na sagot? tumatakas"-jasmin
"tingin mo hahayaan kita sa ginagawa mong yan??"-laxy
.
.
kumuha pa ng lubid si laxy at muling hinigpitan ang tali sa kamay ni jasmin
.
.
"papatayin kita pag nakawala ako dito"-jasmin
"good luck"-laxy
"ikaw ang uunahin ko bago yang mga kasama mo"-jasmin
.
.
biglang inuntog ni jasmin ng malakas ang ulo nya sa ulo ni laxy, agad napalayo at natumba si laxy sa lakas neto, agad naman lumapit si justin at hobi kay laxy at inalalayan ito patayo
.
.
"jasmin ano ba?sinasaktan mo lang ang sarili mo"-grace
"sanay na akong masaktan"-jasmin
.
.
natahimik lang ang lahat
.
.
"ayos lang ako,ayos lang"-laxy
.
.
sabay upo ni laxy sa upuan sa gilid ng lamesa
.
.
"hindi man ako makawala dito para patayin kayo, pag dating nya hindi na kayo makakatakas"-jasmin
"sino?"-hobi
"dapat inalam nyo muna bago nyo kami naisipan sugurin"-jasmin
"jasmin tama na nga sabi!"-grace
"KANINA MO PA AKO INAAWAT!"-jasmin
"KANINA KAPA PUTAK NG PUTAK!"-grace
.
.
at ginawa rin ni grace ang ginawa ni jasmin kay laxy. nawalan ng malay ang dalawa dahil sa untugan na naganap  na parehas nila hindi kinaya
natahimik lang sila justin
.
.
"ang titindi nila"-hobi
"di nga dapat sila makawala"-justin
"sino sa tingin nyo yung tinutukoy nung jasmin?"-laxy
"di ko alam pero kung sino man yun mukhang kailangan natin mag ingat"-justin
.
.
isang malalaking kadena ang naka tali sa pinto na senyales ng tindi ng pag ka lock neto, ganun narin sa pinto sa likod, mag gagabi na nung inaayos ni justin at hobi ang mahihigaan nila, habang si laxy ay naka tayo sa gilid ng pinto at tinitignan ang dalawang babae na wala paring malay dahil sa nangyari kanina, habang si joon ay nasa silid parin ni ryan at inaalagaan ito.
.
.
******
"hindi man ako makawala dito para patayin kayo, pag dating nya hindi na kayo makakatakas"-jasmin
******
.
.
paulit ulit na tumatakbo yun sa isip ni laxy habang tinitignan ang dalawang babae. sa bintana na nakataklob ng mga basang diyaryo malapit kila jasmin nakita ni laxy ang matang naka silip duon na bigla na lang umalis
.
.
"sino yun?"-laxy
"bakit?"-justin
"pa-pa-parang may nakita ako"-laxy
"anong nakita mo?"-hobi
.
.
natahimik sandali si laxy at huminga ng malalim
.
.
"wala,imahinasyon ko lang ata yun"-laxy
.
.
lumabas sa silid si joon
.
.
"nakatulog na si ryan, may nabanggit sya sa akin tungkol sa ate nya"-joon
"si grace?"-justin
"hindi"-joon
.
.
nanlaki ang mata ng lahat at nagulat nung may isang malakas na puwersa ang tumadyak sa nakasaradong pinto na nag dulot ng pag kabaklas ng malalaking kadena na nawalan ng silbi dahil sa lakas, isang matangkad at matipnunong babae na may pula at mahabang buhok ang galit na galit na pumasok at agad tinutukan ng baril si laxy sa ulo..
.
.
"ako"
.
.
To be continued.....

The lesson for todayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon