"Rivalry"

12 2 0
                                    


(SE08-EP05)
ilang araw na ang lumipas at naging maayos at marangya ang pamumuhay ng grupo nila justin sa komyunidad na yun,walang problema at madali nila nakasunduan ang lahat ng tao sa paligid na mababait at palakaibigan, naging mabuting magkaibigan si justin at claud dahil sa palagi nilang magkasamang pag labas sa komyunidad, habang si laxy naman ay tuluyan ng lumayo ang loob kay justin, inamin rin ni gab na nagugustuhan niya si laxy at tinanggap naman ito ni laxy bilang papuri kaya naging mag kaibigan ang dalawa,habang si anna at joon naman ay palaging magksama sa labas ng komyunidad at nag babantay,si jane ay walang tigil parin na nag sasasama kina suga at hobi sa labas din ng komyunidad para mag bantay at ganun narin si jimin na lumalabas na lang minsan mag isa para mag hanap ng tauhan
.
.
.
umaga noon pero mag isa si rain sa loob ng silid nila at nag babasa ng libro, pumasok si shane sa loob at umupo sa tabi neto
.
.
"pasensiya na kung di ko agad sinabi na may naisalba akong gamot"-shane
"ayos lang"-rain
.
.
inabot iyon ni shane kay rain
.
.
"bakit?"-rain
"ikaw na mag hawak,ikaw na mag tago,gamitin mo kung kailangan mo"-shane
.
.
ngumiti si rain at umupo ng maayos sa tabi ni shane
.
.
"hindi na,ayos lang, mas maganda kung ikaw na ang mag tatago niyan dahil maingat kang tao, ikaw ang mag desisyon kung saan mo gagamitin yan dahil tiwala ako sayo at sa desisyon mo"-rain
.
.
napangiti rin si shane
.
.
"salamat huh, sa dinadami ng mga kagaguhan na ginawa ko sayo nagagawa mo parin mag tiwala sa akin"-shane
"kasi alam ko na ginagawa mo lang yun para sa ikabubuti mo at mahalaga ka naman sa akin kaya ayos lang yun, kaibigan parin kita, nananalaytay parin ang dugo ng pag kakaibigan sa ating dalawa"-rain
.
.
nag yakapan ang dalawang mag kaibigan
.
.
"angat tapos pag pakiramdam mo na nakatutok na dun yung pana i-release mo agad"-laxy
.
.
magana namang tinuturo ni laxy ang pag gamit ng pana kay gab na intersado rin matuto
.
.
"paano ko mararamdaman kung nakatutok na nga talaga?"-gab
"mahalin mo yung pana mo"-laxy
"huh?"-gab
.
.
nag taka si gab sa sinabi ni laxy
.
.
*****
"hindi ko maitindihan yung mata na konektado sa armas"-laxy
"mahalin mo yung armas mo"-anna
"huh?"-laxy
"makipag sex ka sa kanya"-anna
*****
.
.
natawa bigla si laxy sa naalala niya, napangiti si gab nung nakita niyang tumatawa mag isa si laxy
.
.
"oh di na normal yan"-gab
.
.
agad bumalik sa katinuan si laxy at nahiya sa nagawa niya na biglaang pag tawa, natawa namin si gab sa naging reaksiyon ni laxy
.
.
"may naalala ka noh?"-gab
"huh? amm oo eh,basta hayaan mo na yun ituloy na natin, ganito ang gawin mo, yung mata at pakiramdam mo ikonek mo sa armas, oo alam ko mahirap itindihin pero ganun yun"-laxy
.
.
lumapit pa si laxy kay gab at inalalayan ito,tinitigan lang ni gab si laxy habang si laxy ay inaayos ang pana na hawak ni gab, sa isang banda, nag lalakad na si justin pabalik sa bahay nila pero agad siya napatigil nung nakita niya si gab at laxy na mag kasama at sobrang lapit ng mukha neto sa isat isa, mabilis na nakaramdam ng selos si justin at dahan dahan nag lakad papalapit sa dalawa mula sa likod
.
.
.
kitang kita ni justin ang pag halik ni gab sa pisngi ni laxy, nanlaki ang mata ni laxy at namula habang nakatingin kay gab
.
.
"sorry"-gab
.
.
nailang si laxy dahil dun galit na galit na lumapit si justin sa dalawa at agad sinapak sa mukha si gab na agad naman natumba
.
.
"LAYUAN MO SI LAXY"-justin
"justin ano ba?"-laxy
.
.
hinawakan ni justin ang kamay ni laxy at hinila papalapit sa kanya
.
.
"kayo naba huh? kayo naba?"-justin
"hindi"-laxy
"eh kung ganun bakit bigla bigla kana lang nag papahalik sa pisngi huh?"-justin
"eh ano?"-laxy
"anong eh ano ka diyan?"-justin
.
.
mabilis na bumangon si gab para sapakin pabalik si justin pero agad tinulak ni laxy si justin palayo kaya sa mukha ni laxy tumama ang sapak neto
.
.
"LAXY"-justin&gab
"laxy sorry"-gab
.
.
lalapit pa sana si gab kay laxy pero agad siya tinulak ni justin palayo at pinag bantaan pa na babarilin
.
.
"TAMA NA!"-sister lucy
.
.
lumapit si anna kay justin at ibinaba ang baril neto, lumapit naman si joon at hobi kay laxy at inalalayan ito sa pag tayo
.
.
"MGA KABATAAN! mga nag dudulot ng gulo sa panahon ngayon! ganyan naba kayo kawalang respeto sa isat isa ngayon huh?"-sister lucy
"sorry po sister--"-gab
"GAB UMUWI KANA"-sister lucy
.
.
nakayuko na umalis si gab na agad sinundan ni claud
.
.
"ano bang nangyari?ayusin natin toh"-sister beel
.
.
hindi nakasagot si justin at laxy
.
.
"iho ibaba mo ang baril mo delikado yan"-sister wen
.
.
inabot ni justin ang baril niya kay anna
.
.
"anong pumasok sa isip mo at naisipan mong patayin ang kapwa mo? masama iyon"-sister wen
.
.
napayuko si justin at napatingin kay laxy na nakatingin din sa kanya at nag aalala
.
.
"hindi porket naging magaan na ang kalooban namin sa inyo ay puwede niyo na gamitin iyon na dahilan para makapanakit"-sister paz
"bago parin kayo dito kahit papaano, mukhang kulang kayo sa leksiyon,hindi ba kayo naturuan ng magulang niyo na rumispeto?"-sister meph
"pasensiya na po kasalanan ko"-laxy
"hindi,kasalanan ko"-justin
"hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan, sister beel, ipatawag lahat ng mga kabataan sa lugar na ito para sa isang leksiyon lahat sila ay dapat mapag sabihan"-sister lucy
"sige"-sister beel
.
.
umalis si sister lucy na sinundan naman ng apat pa na madre
.
.
"brad"-hobi
.
.
inalalayan nina hobi si justin pabalik sa bahay neto pati narin si laxy, kinagabihan nag tipon tipon ang lahat sa plaza ng komyunidad
.
.
"magandang gabi mga kabataan at sa aking mga kapwa anak ng diyos, pasensiya na sa gambala sa inyong mga ginagawa, andito ako,kaming mga alagad ng diyos sa harapan ninyo para mag bigay ng leksiyon"-sister paz
.
.
tahimik lang ang lahat na nakatingin sa anim na madre sa itaas
.
.
"muli, ang bawat tao ay may kanya kanyang tungkulin sa ibabaw ng lupa, bawat tao ay may misyon, at bawat tao ay nakalaan para sa iba pang tao sa mundo, tao tayo na nilikha ng diyos na may puso at diwa, saan natin gagamitin ang puso at diwa na iyon?walang iba kundi sa sa pag mamahal at pag tulong sa kapwa... ikaw na may kamay, ikaw na may paa,ikaw na may utak,puso at diwa gamitin mo ang lahat ng yan upang makatulong, ang kamay mo gamitin mo sa pag buhat sa isang tao na nadadapa, ang paa mo palakarin mo sa isang taong nasusunugan na kailangan ng tulong, ang utak mo gamitin mo para utusan ang kamay at paa mo at ang puso at diwa mo ang pairalin mo sa oras ng may nangangailangan, lahat tayo may angking lakas na ibat iba ang antas, may mahina,hindi ganun kalakas, at sobrang lakas.... ikaw ba na napakalakas ay mang aapi ng taong mahina? siyempre hindi pero sabi ng utak mong madumi OO , sige mang api ka,sige mang abuso ka,sige gamitin mo sa kasamaan ang lakas mo, patunayan mo na di nila kaya lumaban sayo, ganyan tayo eh, ganyan tayong mga tao ngayon, mapang abuso...."-sister aby
.
.
tinamaan sina justin sa sinabi ni sister aby, tinuloy ng mga madre ang pag sasalita at bawat isa sa kanila ay nag bigay ng sanaysay para sa kanilang nararamdaman

To be continue.....

The lesson for todayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon