(SE01-EP03)
isang matangkad at matipnunong babae na may pula at mahabang buhok ang nag lalakad sa kalsada na may dalang malaking bag na nag ngangalang si anna may dala rin itong baril at katana sa likuran na bigay sa kanya ng kanyang ama. masama ang timpla neto habang nag lalakad pabalik sa hardware na kasalukuyang tinitirahan nila, tulad ng mga nakaraang araw wala nanaman syang nakitang gamot para sa kapatid nyang may sakit na si ryan.
nung malapit na sya natanaw nya ang labas ng hardware, inaasahan nyang makikita nya sila jasmin at grace sa labas ng hardware na nag babantay pero wala ang mga ito, nag lakad si anna papalapit hanggang sa may narinig syang usapan ng mga boses na di pamilyar sa kanya. sumilip si anna sa bintana na tinakpan nila ng basang diyaryo.nakita nya ang dalawag kalalakihan sa loob na hindi nya naman kilala, pati narin ang isang babae na nakatayo sa gilid ng pinto at tila ba may tinitiggnan, nakita rin ni anna si jasmin at grace na naka gapos at walang malay, kinutuban na si anna na pinasok sila ng masasamnag tao, nakita nya na nagkatinginan sila ng babaeng nasa pinto kaya agad sya umalis dun.
inis na inis na binunot ni anna ang baril nya na nakalagay din sa tagiliran.
.
.
"nakatulog na si ryan, may nabanggit sya sa akin tungkol sa ate nya"
.
.
rinig na rinig ni anna yun mula sa labas at lalong nang init ang dugo nya nung narinig nya ang pangalan ng kapatid nya na iniingat ingatan nya. sa sobrang galit ay agad sinipa ni anna ang pinto na naka kadena at tinutukan ng baril si laxy sa ulo
.
.
"ako"-anna
.
.
hindi na naka galaw sila justin sa kinatatayuan nila lalo nas si laxy na halos manginig na sa takot nung naramdaman nya ang baril na nakadikit ng sobra sa likod ng ulo nya, nagising naman si jasmin at grace dahil sa ingay na yun
.
.
"anna"-grace
"salamat naman at andito kana"-jasmin
.
.
galit na galit na tinadyakan ni anna ang likod ng tuhod ni laxy para mapaluhod ito at muling tinutukan ng baril
.
.
"wa-wa-wag mo sya sasaktan"-justin
"SINO KAYO?!"-anna
.
.
malakas na pag kakasigaw neto na tila nag dulot sa lahat na tumahimik kahit pa sila grace at jasmin. hindi maka sagot sila justin dahil di naman nila alam ang sasabihin nila.
.
.
"SAGOT!!!!"-anna
"pinasok nila tayo"-jasmin
.
.
ikinasa ni anna ang gatilyo ng baril at nag akmang papasabugin na ang ulo ni laxy, nag simulang lumuha si laxy
.
.
"ate"-ryan
.
.
ani ni ryan na lumabas sa silid nya na tila nasa maayos na na kalagayan kumpara sa dati
.
.
"ryan"-anna
.
.
lumapit si ryan sa ate nya at sinalubong ng yakap.
.
.
"wag mo sila sasaktan parang awa mo na"-ryan
"pinasok nila tayo bobo kaba?!!"-anna
.
.
nanlaki ang mata ng lahat nung kinalabit ni anna ang gatilyo
.
.
"WAAAAGGG!!!!!"-justin
.
.
agad tinadyakan ni ryan si laxy padapa at hinataw ng malakas ang ate nya sa ulo gamit ang batuta na naka tago sa likod neto, tumama ang bala sa sahig at nabutas samantalang si anna naman ay bumagsak at nawalan ng malay.
.
.
"ryan!"-jasmin
"WALA NAMANG KAILANGAN MAMATAY!"-ryan
.
.
natahimik ang lahat.
.
."mas lalo lang tayo mahihirapan kung magiging makasarili tayo"-ryan
.
.
nag akmang bubuhatin ni ryan ang ate nya pero inunahan na sya ni joon
.
.
"ako na"-joon
"itali mo sya ng mahigpit at siguraduhin mong malayo ka sa kanya pag nagising sya"-ryan
.
.
tumungo si joon at binuhat si anna papunta sa silid na pinanggalingan nila ni ryan kanina lamang, inalalayan ni hobi si laxy patayo at pinaupo, tinanggal ni ryan ang tali ni grace at si justin naman ang nag tanggal sa tali ni jasmin
.
.
"ano bang ginagawa mo?"-jasmin
"lumalayo sa gulo"-ryan
.
.
tumayo ang dalawa, tinulak ni jasmin si ryan palayo sa sobrang inis, kinuha nya rin ang baril nya at kutsilyo sabay labas ng hardware na agad naman syang sinundan ng binata.
.
.
"pag pasensyahan nyo na sya, buhay rin kasi namin ang kapalit pag may nangyaring masama kay ryan"-grace
"bakit ano mangyayari pag may nangyaring masama sa kanya?"-justin
"papatayin nya kami"-grace
.
.
alam na nila justin kung sino ang tinutukoy ni grace na papatay sa kanila,walang iba kundi si anna
.
.
"pero hindi ba kaibigan nya kayo?"-hobi
"mapa kaibigan man o kaaway gagawin nya lahat para lang sa kapatid nya, pinag kakatiwala nya sa amin si ryan sa tuwing aalis sya para mag hanap ng gamot, kaya mananagot talaga kami pag may nangyaring masama sa kanya"-grace
.
.
inabutan ni justin ng tubig si grace.
.
.
"salamat,pero alam ko kahit ganun sya may puso parin yun,sana matanggap nya kayo pero mukhang malabo dahil sa pamamaraan ng pag papakita nyo"-grace
"hindi naman talaga namin kaya pumatay ng tao, sadyang wala lang talaga kami matuluyan saka makainan"-hobi
"alam ko, marami narin ang nag tangka sa amin pumasok pero kayo palang ang nakaabot ng ilang oras na buhay, sana makaalis rin kayo dito ng buhay"-grace
"may nakita akong maliit na simenteryo sa likod ng hardware"-laxy
"hindi yun simenteryo, yun yung mga pumasok dito nung mga nakaraang araw, madami dami rin sila"-grace
.
.
sabay kuha ni grace ng baril at kutsilyo nya at labas para mag bantay.hindi na nakasagot pa sila justin
.
.
.
sinundan ni ryan si jasmin
.
.
"itindihin mo ako"-ryan
"itindihin?"-jasmin
.
.
sabay hinto ni jasmin at lingon kay ryan
.
.
"alam mo kung ano puwede mangyari sa atin lalo na sayo pag nanatili pa sila dyan, sa dinadami ng mag nanakaw na nagtangka sa atin tingin mo may oras kapa para mag tiwala?"-jasmin
"bakit hindi? hindi naman lahat ng tao pareparehas, alam mo kung habang buhay ka lang mag papaka walang puso ng dahil dyan sa ex boyfriend mo napaka tanga mo kung ganun"-ryan
.
.
natahimik si jasmin sa sinabi ni ryan
.
.
"kalimutan mo na sya"-ryan
.
.
paulit ulit lang tumungo si Jasmin
.
.
"tama, tama ka"-jasmin
.
.
dahan dahan inangat ni jasmin ang baril nya at tinutok banda kay ryan, nanlaki ang mata ni ryan at di na naka galaw sa kinatatayuan nya
.
.
.
nagising si anna sa putok ng baril, nakita nya si joon na nakaupo sa gilid nya at may hawak na alcohol at bandages
balak sana atakihin ni anna si joon pero nakatali pala sya sa kama, tumayo si joon sa kinatatayuan nya at lumayo.
.
.
"gi-gi-ginamot lang kita"-joon
"di ko kailangan ng tulong mo, asan ang kapatid ko?"-anna
"maayos na kalagayan nya, pinainom ko na sya ng gamot kanina, siguro kailangan nya na lang ng isa o dalawa pang gamot para tuluyan na syang gumaling"-joon
.
.
natahimik si anna at humiga na lamang
.
.
"bakit ako nakagapos dito?"-anna
"utos sa akin yun ng kapatid mo"-joon
"eh paano pag ako naman nag utos sayo na tanggalin mo tong lubid na nakatali sa akin?"-anna
.
.
natahimik si joon at di alam ang sasabihin
.
.
"tatanggalin mo ba?"-anna
"hi-hi-hindi"-joon
"sigurado ka?"-anna
"pa-pa-papatayin mo kami"-joon
"hindi sa ngayon, kailangan ko humingi ng permiso sa kapatid ko"-anna
.
.
sinenyasan ni anna si joon na tanggalin ang lubid sa kabila nyang kamay, walang nagawa si joon kundi tanggalin ito gamit ang kutsilyo na hawak nya, pag katanggal na pagkatanggal nun ay ginamit na ni anna ang puwersa nya para tanggalin pa ang lubid sa isa nyang kamay. natahimik lang si joon
.
.
"hindi mahigpit ang pag kakatali mo, tinignan ko lang kung susunod ka"-anna
.
.
tinanggal ni anna ang tali nya sa paa at tumayo sabay hawak nya sa ulo nya na kumikirot pa
.
.
"kailangan mo pa magpahinga"-joon
"saka na pag walang gagapos sa akin"-anna
.
.
napayuko lang si joon sa hiya, lumapit si anna sa salamin at tinignan ang sarili nya, nakita nya ang benda sa noo nya.
.
.
"ilan kayo?"-anna
"apat lang kami"-joon
"wala ng ibang nasa labas?"-anna
"wala na, kami lang"-joon
"bakit kayo pumasok dito?"-anna
"wala kami masisilungan saka matutuluyan saka gutom at uhaw narin kami"-joon
"bakit naka gapos si jasmin at grace?"-anna
"kailangan"-joon
.
.
tinignan ni anna si joon
.
.
"eh bakit mo naman tinulungan kapatid ko?"
"kasi hindi ako sanay na nakakakita ng nahihirapan so--"-joon
"mali"-anna
"huh?"-joon
"kasi, kailangan"-anna
.
.
lumabas ng silid si anna at sinundan naman sya ni joon, agad napatayo sa kinauupuann nila sila justin,hobi,laxy at grace
.
.
"si ryan?"-anna
"lumabas sinundan si jasmin"-grace
"may narinig akog putok ng baril"-anna
.
.
lumabas si anna habang nakatigin ng masama kay justin
.
.
"welcome"-grace
.
.
ani ni grace kay justin bago sundan si anna palabas
.
.
"hindi nya tayo sinaktan"-hobi
"ibig sabihin ba nun puwede na tayo dito?"-laxy
"hindi natin masasabi"-justin
"hindi nya rin ako sinaktan"-joon
.
.
umupo ang apat
.
.
"ano mga sinabi nya sayo?"-justin
"halos tinanong nya lang ako tungkol sa pakay natin at ginawa natin, sinabi ko na yung totoo hirap naman pag nag sinungaling pa tayo"-joon
"nasabi sa amin ni grace na kilala sila sa gang na tinnatawag na vipers, lahat ng miyembro may tatoo sa leeg na ahas"-hobi
"bakit yung ate ni ryan wala?"-joon
"sya yung gang leader"-laxy
.
.
nanlaki ang mata ni joon at di inakala na nakipag usap sya sa gang leader ngayon ngayon lang
.
.
"pumapatay sila ng tao na may masamang ginagawa sa kanila"-hobi
"kaya kailangan natin mag ingat"-justin
"bukas sa pag alis natin, tingin nyo papayagan nya tayo kumuha ng pagkain bago umalis?"-laxy
"malabo"-joon
"mukhang kailangan natin umalis bukas ng maaga para makahanap ng sarili nating matutuluyan saka pagkain"-justin
"bakit di na lang tayo umuwi sa kanya kanya nating bahay?"-laxy
"hindi tayo puwede mag hiwahiwalay lalo na't delikado sa labas, wala pa tayong armas na puwede gamitin kung sakali na maka encounter tayo ng zombie na yan na akala ko sa the walking dead lang makikita"-hobi
.
.
namroblema ang apat
.
.
.
sa di kalayuan na pag hahanap ni anna at grace kay ryan at jasmin, nakita nila ang isang patay na zombie sa likod ni ryan na pinaputukan ni jasmin dahil muntik na lapain si ryan neto
.
.
"salamat"-anna
.
.
sabay lapit ni anna sa kapatid nya nag lakad naman si jasmin papalapit sa tatlo
.
.
"yung mga tao sa hardware--"-jasmin
"kailangan natin sila patirahin man lang diyan kahit ngayong gabi lang"-grace
"bakit?"-anna
"kasi kailangan"-grace
"tinulungan nila ako, lalo na yung nurse, si joon ata yun, tinulungan nya ako at inalagaan"-ryan
"saka halata naman na hindi sila marunong manakit o pumatay ng tao,gusto lang nila ng matitirahan pansamantala lalo nat mag gagabi na"-grace
.
.
tinignan ni anna si jasmin na para bang hinihintay ang pahayag neto
.
.
"isang hindi mo lang papaalisin ko sila"-anna
.
.
hinitay nila anna ang sasabihin ni jasmin dahil sa kanya naka salalay kung papanatiliin nya ba sila justin o hindi
.
.
"sige"-jasmin
.
.
napangiti si ryan saka grace.
.
.
"tara na"-anna
.
.
nag lakad na pabalik sila anna sa hardware
.
.
"kaya mo pala ako patumbahin"-anna
"kailangan eh"-ryan
.
.
sabay tawa ng apat na nag lalakad pabalik sa hardware, maya maya pa tuluyan ng kumagat ang dilim, tahimik at medyo awkward ang kaganapan sa loob ng hardware wala ni isa ang nag sasalita at tahimik lang na kumakain ang bawat isa, sakto lamang ang upuan sa lamesa para sa apat,si grace,jasmin,laxy at ryan ang nakaupo duon nginingitian lang ni grace at ryan si laxy at bumabawi rin si laxy ng ngiti, habang si jasmin naman ay masama ang tingin sa kanya kaya napapaiwas na lang sya ng tingin, habang si justin at hobi ay nakasandal sa pader habang nakayuko at may hawak na pagkain, iniiwasan din nila ang mga titig sa kanila ni anna na nakatayo lang rin at nakasandal sa gilid ng pinto na pinako na lamang upang hindi matumba at mabuksan dahil sa pag ka sira, habang si joon ay nakaupo sa sahig at nakasandal habang kumakain ng tinapay.
kumakain ang pito habang si anna ay nakatayo lang at may hawak na baril. lumapit si laxy kay grace at bumulong
.
.
"hindi ba sya kakain?"-laxy
.
.
narinig ni jasmin yun
.
.
"bakit di sya ang tanungin mo?"-jasmin
.
.
natahimik si laxy at nag aalinlangan na tumingin kay anna
.
.
"amm gust--"-laxy
"hindi"-anna
.
.
natahimik si laxy, natawa na lang sila grace , jasmin at ryan pati narin si hobi at justin na nag pipigil ng tawa. lumapit si grace kay laxy at bumulong
.
.
"ang lakas mo kasi bumulong"-grace
.
.
napa ngiting awkward lang si laxy
.
.
"di ko pa kayo kilala"-anna
.
.
napatingin sila justin kay anna
.
.
"amm sila si--"-grace
"gusto ko sila marinig"-anna
.
.
tumahimik lang si grace sabay kamot ulo at tinawanan sya ni ryan
.
.
"a-a-ako si laxy"-laxy
"kayang gawin saka position?"-anna
"amm, isa akong cheerleader sa school na pinag aaralan namin nila justin, hindi ko alam kung ano puwede kong gawin"-laxy
"of course alam mo, nahihiya ka lang sabihin"-jasmin
"look out? scavenger? fighter? shooter? and more? ano sa tingin mo? diretsong sagot wag ka mahiya"-anna
"amm look out siguro pero mahina akong tao"-laxy
"walang mahinang tao lahat tayo may taglay na ibat ibang lakas"-grace
"tama"-anna
.
.
napatungo lang si laxy, sunod na tinignan ni anna ay si hobi na agad naman napaiwas ng tingin
.
.
"ikaw"-anna
.
.
siniko ni justin si hobi na nag kunwaring walang narinig
.
.
"bakit?"-hobi
"alam mo na yung tanong"-anna
"amm hobi, computer gamer amm"-hobi
"PUBG? fortnite?"-anna
.
.
nanlaki ang mata ni hobi at justin
.
.
"PUBG"-hobi
.
.
napangiti lang si anna
.
.
"lagi kami nag lalaro ni ate nyan"-ryan
"scavenger?"-anna
"sa games"-hobi
"syempre pati sa personal naka pasok nga kayo dito eh"-jasmin
.
.
natahimik ang lahat
.
.
"ikaw?"-anna
.
.
sabay tingin naman ni anna kay joon
.
.
"huh?ahh"-joon
"joon?"-anna
"oo paano--"-joon
"nurse?"-anna
"oo"-joon
"maitutulong?"-anna
"amm, mangamot?"-joon
"tinatanong paba yan?"-grace
"nag dadalawang isip lang ako, kala ko kasi mang gapos"-anna
.
.
nag tawanan ang lahat except lang kay joon na napahiya
.
.
"salamat sa pag tulong mo"-anna
"walang anuman"-joon
"ikaw? tawa kapa dyan?"-anna
.
.
sunod naman si justin na agad nawala ang ngiti sa mukha
.
.
"ikaw ba namumuno sa kanila?"-anna
"huh?"-justin
"oo"-hobi
"adik"-justin
"sagot agad"-anna
"justin,tao lang"-justin
"bakit ba nahihiya kayo sabihin kung anong kaya nyo gawin?"-anna
"na nangangarate sya, mabilis syang tumakbo tapos nag champion rin sya sa wrestling ng school"-hobi
"uy dami mong sinabi"-justin
"saka kalaro ko sya"-hobi
.
.
napakamot ulo na lang si justin sa kadaldalan ni hobi
.
.
"tapos nung nag karoon ng dance contest sa school sumali sya, at alam morin ba? nanalo sya at eto pa ah alam mo ba yung sinabi sa kanya ng judges?--"-hob
"ok na"-anna
.
.
natahimik si hobi
.
.
"siguro naman di na namin masyado kailangan mag pakilala, kapatid ako ni ryan, kapatid ko si ryan, si grace at jasmin magaling sa pag hawak ng baril saka sa pakikipag laban, nagulat nga ako nung nakita ko sila na naka gapos kanina"-anna
"pinrotektahan lang nila ang kapatid mo"-justin
.
.
tumungo lang si anna at umalis, nakahinga na ng maluwag ang apat. maya maya pa hinipan na ni laxy ang kandila sa silid nila ryan at humiga sa kama katabi si grace at jasmin, habang ang mga kalalakihan naman ay nag latag ng banig sa pinag gapusan kanina nila jasmin at grace at duon natulog
.
.
"asan na kaya sya?"-hobi
"nandyan lang sya"-ryan
.
.
tumayo si joon para hipan ang kandila.
.
.
"iihi lang ako"-joon
.
.
lumabas si joon sa likod ng hardware at nag hanap na maiihian, pag katapos ni joon makaihi sa likod ng isang puno, nakita nya si anna sa gilid ng hardware na nakaupo at nakayuko.
dahan dahan lumapit si joon kay anna at nakita nya itong natutulog. di alam ni joon kung gigisingin nya ba toh at ililipat sa higaan o hindi dahil baka kung ano pa gawin sa kanya,umupo si joon sa gilid ni anna at hiniga ang ulo neto sa balikat nya, mahimbing lang ang tulog ni anna dahil maaga ito palaging nagigising para mag hanap ng gamot para sa kapatid nya.
nakatulog na lang rin si joon sa ulo ni anna na nakapatong sa balikat nya.
.
.
.
kinabukasan, nagising si joon na nakahiga na sya sa silid nila laxy. bumangon si joon at lumabas sa silid at nakita nyang wala si anna
.
.
"si anna?"-joon
"umalis"-grace
"kamusta naman tulog mo?"-laxy
"a-a-ayos lang naman"-joon
.
.
umupo si joon, tumayo si laxy para ipag timpla sya ng kape
.
.
"anong feeling ng buhatin?"-grace
"huh?"-joon
"kani kanina madaling araw lang nakita ka namin karga karga ka ni anna tapos hiniga ka nya sa higaan namin"-grace
"ano?!"-joon
.
.
halos mayanig ang mundo ni joon ng nalaman nya yun, hiyang hiya rin sya dahil dun.
.
.
"ano bang nangyari at karga karga ka nun?"-justin
"huh? amm di korin alam"-joon
.
.
binigyan ni laxy si joon ng kape
.
.
"bakit siya umalis?"-joon
"di ko alam"-ryan
.
.
tahimik lang na nag tatasa si ryan ng isang kahoy gamit ang kutsilyo
.
.
"para saan yan?"-justin
"eto? armas pag may nakakapasok na eaters"-ryan
"eaters?"-justin
"oo, di kapa ba nakaka encounter? sila yung kumakalat ngayon"-ryan
"pero akala ko zombie?"-justin
"malapit na pero medyo malayo, ang zombie sila yung mga patay na pero nabuhay pa,ang eaters sila yung apektado ng virus na walang hanggang kagutuman, kahit anong dumampi sa bunganga nila kakainin nila, halos lahat ng eaters tahimik kasi wala na silang dila"-ryan
"bakit?"-justin
"kinain nila"-ryan
"may idea kaba kung saan galing tong virus na toh?"-justin
"sa soda na patok ngayon"-ryan
"pop up soda?"-justin
.
.
tumungo si ryan
.
.
"paano nyo nasabi?"-justin
"nasaksihan namin at wala na ako balak mag kuwento tungkol dun"-ryan
"ok... so kung yung mga eaters na yan ay buhay pa at hindi patay it means pumapatay kayo ng tao?"-justin
.
.
natahimik panandalian si ryan
.
.
"kailangan eh, maiitindihan morin pag ikaw na yung nasa sitwasyon"-ryan
.
.
umupo naman si grace sa tabi ni justin
.
.
"gusto ni anna na manatili si joon dito"-grace
.
.
agad natahimik ang lahat at napatingin kay grace, laking gulat ni joon nung narinig nya ang pangalan nya
.
.
"a-a-ano?"-joon
"bakit?"-justin
"kailangan nya ng tao para kung sakaling may magasakit o may masugatan sa amin may gagamot"-grace
.
.
natahimik si justin at napatingin kay joon
.
.
"pero kasama ko sila"-joon
"sa ayaw nyo man o hindi wala na kayo magagawa, kapalit narin yun ng paninirahan nyo dito"-jasmin
.
.
wala ng ilan pa ang nakasagot, bakas sa mukha ni ryan ang lungkot pati narin kay hobi at laxy.
.
.
"baka naman puwede natin pag usapan toh."-justin
"teka teka, bakit di na lang si joon ang tanungin natin kung saan gusto nya?"-hobi
"joon?"-laxy
.
.
napatingin muli ang lahat kay joon
.
.
"di na mahalaga kung ano man ang sasabihin nya, hindi kayo puwede umalis dito ng walang kapalit"-jasmin
.
.
mula sa likod na pinto pumasok dun si anna na may dalang isang malaking leather bag na naka patong sa balikat nya
.
.
"kung wala kayo mabigay na kapalit puwede namang sarili nyo na lang din"-anna
.
.
napatingin lahat dun, linapag ni anna ang dala nyang bag sa lamesa at binuksan ito, sandamakmak na ibat ibang klaseng baril at armas ang makikita dito, pana, pocket knives, rifle, pistol, bullets, silencer at machine gun. halos kumorteng puso ang mata ni hobi sa nakita nya dahil halos sa games nya lang lahat nakikita yun dati
.
.
"wow"-hobi
"umuwi kaba sa bahay?"-ryan
"oo, wala narin namang gagamit kesa naman manakaw pa"-anna
"a-anong ibig mo sabihin na kami na lang?"-justin
"alam kong kakailanganin nyo yan lalo nat wala ng baranggay o police station ang buhay ngayon, wala ng ibang mag tatanggol sa inyo kundi sarili nyo din, nasabi na siguro sa inyo ni grace at jasmin na gusto ko manatili si joon dito kasi may silbi sya, pero kung mag kakaroon rin kayo ng silbi gamit ang mga yan papayag rin ako na manatili kayong lahat dito"-anna
.
.
malaking ngiti ang masisilayan mula sa mukha ni ryan,laxy,grace at hobi.
.
.
"anna? alam mo ba yang sinasabi mo?"-jasmin
"kahit na tatlo na tayo dito napapasok parin tayo ng mag nanakaw, hindi ko na hahayaan pa na mangyari ulit yun, delikado para sa kapatid ko... pati narin sa atin"-anna
"sandali, ano ang ibig mo sabihin? mag tatrabaho kami para sayo?"-justin
"brad"-hobi
.
.
ngumiti si anna at dahan dahan lumapit kay justin sabay hinto neto nung nakarating na sa harap ng binata
.
.
"hindi lang sa akin kundi para sayo, sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko..."-anna
.
.
nag liwanag ang mukha ni grace at jasmin nung narinig nila ang salitang kaibigan kay anna
.
.
"sa kaibigan mo pati narin sa girlfriend mo.."-anna
"hin--"-justin&laxy
"at kay joon, lahat tayo tulong tulong na mag tatrabaho para sa isat isa"-anna
.
.
sabay abot ni anna ng kamay nya kay justin para makipag sunduan. inabangan ng lahat ang moment na yun, inabot ni justin ang kamay nya kay anna at agad naman ito piniga ni anna sabay hatak kay justin papalapit sa kanya at bulong.
.
.
.
wala ni kahit sino ang nakakaalam ng binulong ni anna kay justin, naiwang nakangiti si anna habang si justin ay parang hindi mai-drawing ang mukha.
.
.
"laxy"-anna
.
.
sabay abot ni anna ng pana kay laxy. binigay nya naman ang isang pistol at pocket knives kay hobi
.
.
"wow"-hobi
.
.
isang rifle kay joon
.
.
"hindi ako marunong neto"-joon
"andyan si jasmin"-anna
"lahat ng mag papaturo bumaril sumunod sa akin"-jasmin
.
.
agad sumunnod si hobi at joon kay jasmin. atat naman na kumuha si ryan ng isa ring pocket knives
.
.
"ryan"-anna
"anna pagbigyan mo na"-grace
.
.
huminga ng malalim si anna at tumungo,niyaya ni grace si ryan para turuan. kinuha ni anna ang pistol at pocket knives nya na halos ilang taon nya ng ginagamit, lumapit sya kay justin at iniabot eto.
.
.
"ikaw na bahala"-anna
.
.
sabay yaya ni anna kay laxy paalis, naiwan si justin dun na tila lutang pa dahil sa binulong sa kanya ni anna, agad syang lumabas at pumunta sa kinaroroonan nila jasmin.
matinding pag sasanay ang ginawa nila justin sa tulong nila jasmin,anna at grace. ang grupo nila jasmin ay nag eensayo sa likod ng hardware samantalang sila grace ay nasa harap at dinala naman ni anna si laxy sa kakahuyan
.
.
"bakit ang layo na natin sa kanila?"-laxy
"hahanap tayo ng tatargetin mo"-anna
.
.
sa isang puno ng saging duon muna tinuruan ni anna si laxy.
.
.
"tigasan mo yung pag hawak, pakiramdaman mo yung bow saka arrow mo, siguraduhin mong yung mata mo ay konektado sa armas mo"-anna
.
.
sinubukan ni laxy itira ito at tulad ng inaasahan ng lahat ay pumalpak eto at dumaplis lamang sa puno
.
.
"hindi ko maitindihan yung mata na konektado sa armas"-laxy
"mahalin mo yung armas mo"-anna
"huh?"-laxy
"makipag sex ka sa kanya"-anna
.
.
natahimik si laxy at di alam ang irereact nya
.
.
"syempre biro lang wala namang ari yung pana"-anna
.
.
kinuha ni anna ang pana at tumigil sandali habang kinukuha ang target nya. seryosong nanunuod si laxy hanggang sa binitawan na ito ni anna at tumama ang arrow sa puso ng saging
.
.
"wag mo madaliin"-anna
.
.
sunod na tumira si laxy, medyo dumaplis pa hanggang sa ilang beses nya sinubukan at natamaan nya rin ang target nya na isang bunga na saging, ngumiti si laxy kay anna na sya ring sinukli ng dalagang may pulang buhok.
.
.
.
habang sa likod ng hardware naman ay sunod sunod na putok ng baril ang maririnig, mabilis na natuto si justin sa pag hawak ng baril.
sa di kalayuan habang masayang nag eensayo ang grupo nila jasmin at grace ay may nag man man sa kanila na tila may binabalak na masama.
.
.
.
gabi na nung masayang nag salo salo sa pagkain ang walo
.
.
"madami dami narin tayo mukhang kailangan natin mag hanap pa ng iba pang supply bukas"-grace
"ako gusto ko"-hobi
"ako din!!"-ryan
.
.
tila pag sasabihan pa sana ni anna ang kapatid nya pero agad rin sya pinigilan ni grace
.
.
"lahat ng may gusto sasama kay jasmin bukas"-grace
"so kaming tatlo lang?"-jasmin
"may maiwan rin dapat dito para mag bantay saka mag ensayo"-justin
.
.
tumungo si jasmin at grace. maya maya pa ay umakyat na si joon at laxy sa taas ng hardware para gawin ang ganap nila na look out samantalang ang ilan ay nakatulog na. sa taas ng hardware ay may maliit na rooftop na kasya lamang hanggang dalawa o tatlong tao na tila ba sinadya pang look out lamang
.
.
"tingin mo hardware talaga toh?"-laxy
"parang pinamukha lang nilang hardware pero hindi talaga"-joon
"kung papapiliin ka ano mas gusto mo? ang mag sarili o mag karoon ng kasama?"-laxy
"syempre mag karoon ng kasama,ikaw?"-joon
"gusto ko sana mag sarili"-laxy
"bakit naman?"-joon
"kasi madalas ako mag kamali,sa pag kakamali ko ayoko na may napapahamak ako na iba"-laxy
"ganun talaga sa umpisa pero katagalan ma rerealize mo na kailangan mo rin ng kasama lalo na sa mga oras na nalulungkot ka"-joon
.
.
ngumiti lang si laxy kay joon
.
.
"gusto mo ba si anna?"-laxy
.
.
gulat na gulat si joon sa tanong ni laxy
.
.
"huh?hindi noh"-joon
"bakit?"-laxy
"hindi sya yung tipo ko"-joon
"bakit naman?"-laxy
"ayoko sa babaeng walang puso at pumapatay ng tao"-joon
"ako kung magiging lalaki ako liligawan ko sya kasi yung pamamaraan nya na hindi nya na pinapahalagahan ang sarili nya basta ok lang ang kapatid nya nakaka taba ng puso yun, makikita mo na kahit iba ang ugali nya may puso parin sya"-laxy
.
.
hindi pinansin ni joon si laxy
.
.
"hoy nakikinig kaba?"-laxy
"kahit ano pang magagandang bagay ang sabihin mo sa kanya hindi mo parin maiaalis na kumuha sya ng buhay ng tao na alam nating bawal"-joon
.
.
natahimik na lang si laxy.
kinabukasan nagising na ang lahat at oras naman ng pagtulog nila joon at laxy, maaga umalis si jasmin,hobi at ryan para mag scavenge habang si anna ay nawawala nanaman. si justin ay nag eensayo ng pag baril sa likod ng hardware habang si grace ay nag babantay sa harap.
habang nag eensayo si justin ay may sumagi sa paningin nya na tila may nag tatago sa isang puno na agad din nawala, napuno ng pag tataka si justin at nag lakad sya papunta duon.
.
.
.
sa pag i-scavenge naman ng grupo nila jasmin nakakita sila ng isang sunog na bahay at pinasok yun
.
.
"dahan dahan marupok"-jasmin
.
.
pinauna na ni jasmin si hobi sunod ay si ryan at sya ang nasa huli, agad na may nakitang ref si hobi at sinenyasan nya ang dalawa na sumunod sa kanya. sa pag bukas ng ref na yun ay may nakita sila na dalawang de lata lamang ng cornedbeef at tatlong bote ng tubig, lubos sa mukha ng tatlo ang pagka dismaya, nilagay na yun ni ryan sa bag na dala nya,nag hiwahiwalay ang tatlo upang mag ikot sa sunog na bahay na iyon, dahan dahan umakyat si hobi sa hagdan na halos malapit na bumigay, nung nakarating sya sa taas ay pumasok sya sa isang silid kung saan may mga naka kalat na mga gamot na agad nya naman kinuha, may nakita rin syang isang dilaw na sumbrero na may tatak na NICE, napangiti si hobi at kinuha iyon sabay suot, binuksan ni hobi ang isang closet at may nakita sya dun na isang checkerd na polo na agad nya naman nagustuhan. nag bihis si hobi sa silid na yun.
.
.
.
habang si jasmin naman ay kasalukuyang nag hahalughog sa kubeta at nakakita sya ng gamot. si ryan naman ay nakarating sa likod ng bahay, open area na ito dahil sa sunog, nag halughog si ryan sa lugar na iyon at may nakita syang isang baul na naka lock, pinilit alamin ni ryan kung paano ito bubuksan. may nakita syang bato na malaki at hinampas ito duon.
.
.
.
isang eater ang mukhang nabulabog sa pag pukpok na iyon, agad ito nag lakad sa pinanggalingan ng tunog na yun, agad napatigil si ryan at dahan dahan napatingin sa gilid nya nung may nakita syang isang eater na bata at may dala pang laruan.
kaawa awa ang lagay neto at tila nakagat pa sa paa ng kung sino.
napabagsak sa sahig si ryan at napaupo at di na naka galaw pa. dahan dahan sya pinakiramdaman ng eater na yun at dahan dahan nya naman kinuha ang kutsilyo nya, di alam ni ryan kung paano nya ito papatayin lalo nat bata ito.
.
.
.
nung nakalapit na ang eater na iyon nag tangka ito na kakagatin na si ryan pero agad naman hiniwa ang ulo neto ni anna gamit ang isang katana na kanya namang dala.
sakto namang dumating dun si jasmin at hobi
.
.
"kaya mo ba talaga protektahan ang sarili mo?"-anna
.
.
tahimik lang si ryan na hindi makapag salita
.
.
"pasensya na hindi namin sya nabantayan"-jasmin
.
.
tinaktak ni anna ang katana nya upang alisin ang dugo duon na dumadaloy mula sa eater na yun..
.
.
"mauna na ako"-anna
.
.
sabay lakad ni anna paalis, nag lakad pabalik ang tatlo sa hardware na tinutuluyan nila, tumingin si jasmin sa paligid para hanapin si anna pero wala naman ito
.
.
"akala ko ba nauna na sya?"-hobi
"akala ko nga rin"-jasmin
.
.
lumapit si justin sa tatlo
.
.
"guys puwede ko ba kayo makausap sandali?"-justin
.
.
nagtipon tipon ang pito na mga nasa hardware na tila mag mi-meeting.
.
.
"may mahlaga sa akin sinabi si anna nung oras na binulungan nya ako
.
.
*****
inabot ni justin ang kamay nya kay anna at agad naman ito piniga ni anna sabay hatak kay justin papalapit sa kanya at bulong.
.
.
"ikaw na ang mamuno sa kanila"-anna
.
.
ngumiti si anna habang si justin ay parang hindi mai-drawing ang mukha.
*****
.
.
sinabi ni justin lahat yun sa anim, nanatiling natahimik ang ilan na tila di makapaniwala sa nangyari lalo na si grace at ryan
.
.
"hindi puwede"-jasmin
"bakit hindi?"-hobi
"ayoko sayo,eh hindi ko nga alam kung ano kaya mong gawin para protektahan mo kami"-jasmin
"saka ako?paano ako? hindi naba sya babalik ibig sabihin nun?"-ryan
.
.
hindi nasagot ni justin ang tanong ni ryan
.
.
"saka ano ng balak nya ngayon? mamuhay mag isa? iwan kami?pabayaan yung kapatid nya?"-jasmin
.
.
nanatiling natahimik ang lahat dahil dun
.
.
.
sa isang bahay na may basag na bintana dahil sa putok ng baril makikita sa loob neto ang makalat na sahig dahil sa dugo at mukhhang may nangyari na gulo.
sa loob pa ng isang silid makikita si anna na nakaupo sa gilid ng kama habang nakaharap sa isang malaking aparador na kumakalampag.
tulala sa sahig at tila wala sa sarili si anna, pinag papawisan ito ng sobra at tila nanginginig habang hinahawakan ng mahigpit ang katana nya.
tuloy tuloy lang ang pag kalampag ng aparador na iyon hanggang sa tumayo si anna at lumapit duon
.
.
"ma,pa, pasensya na hanggang dito lang ang kaya ko gawin"-anna
.
.
dahan dahan binuksan ni anna ang aparador at makikita dun ang kanyang ama at ina na nakagapos sa kadena at apektado ng virus, nag wawala ang mga ito na tila agresibong agresibo at gusto gusto kumain, tumulo ang mga luha ni anna habang tinitignan ang sinapit ng kanyang ama at ina. pinakawalan nya ang mga ito at hinayaan na lumapit sa kanya.
.
.
"isama nyo na ako"-anna
.
.
humagulhol na banggit ni anna, lumapit sa kanya ang ama at ina nya na isa ng eaters ng biglang pumasok sa isip nya ang kapatid nya na si ryan at ang mga pangakong binitawan nya dito, huminga ng malalim si anna at agad hiniwa ng sandata nya ang ulo ng kanyang ama at ina na agad naman natumba.
napaluhod si anna habang umiiyak at di makapaniwala sa nagawa nya sa kanyang ama at ina.
pumasok si ryan at jasmin sa silid na iyon at duon nila nakita ang lahat,lumapit si ryan sa ate nya at niyakap eto..
.
.
*****
kakagaling palang sa trabaho ng ama nila anna at ryan na mas kilalang mr.kim, bago pa man eto umuwi pumunta muna ito sa isang store para bumili ng iinumin sa biyahe, kinuha nya ang isang bote ng pop up soda at binayaran eto sa cashier, habang bumabyahe pauwi nasasarapang iniinom eto ni mr.kim.
mayamaya pa nakarating na sya sa bahay nila, agad pumasok eto sa loob at sinalubong ang kanyang asawa na si mrs.kim na nag hahain ng makakain sa kusina.
.
.
"asan ang mga bata?"-mr.kim
"naku nandun sa kuwarto ni ryan yung dalawa nag pipipindot nanaman ng kompyuter na yan"-mrs.kim
.
.
sa loob ng silid ni ryan nag tatawanan ang dalawang magkapatid na nag lalaro ng computer games at tuwang tuwa, kinatok sila ng ina nila at niyayang kumain
.
.
"wait"-anna
.
.
binuksan ng ina nila ang pinto
.
.
"wag na mag wait wait kain na,wag nyo pinag hihintay ang grasya"-mrs.kim
"eto na po"-ryan
"ano na anna?"-mrs.kim
"susunod ako"-anna
"jusko kababaeng tao ang tigas ng ulo,panganay kapa naman"-mrs.kim
.
.
binunot ni ryan bigla ang saksakan at tumatawang tumatakbo paalis
.
.
"uy gago"-anna
"PSST!OYY!! bunganga mo"-mrs.kim
.
.
tumakbo si anna palabas ng silid at hinabol si ryan, bumaba narin ang mama nya sa kusina
.
.
"susunod na yung mga yun"-mrs.kim
"naku honey, busog ata ako,di ko alam kung bakit parang ang bigat ng tiyan ko at kahit masarap yung ulam natin ngayon parang ayaw ng sitmura ko na kumain"-mr.kim
"aba baka naman kumain kana sa labas"-mrs.kim
.
.
sabay pamewang neto at sama ng tingin sa asawa nya
.
.
"hindi nag softdrinks lang ako"-mr.kim
"softdrinks?nag softdrinks ka eh wala pa ngang laman yang sitmura mo"-mrs.kim
.
.
dumating sa kusina ang magkapatid na iniipit ni anna sa braso nya si ryan at sinasakal habang si ryan ay nag pupumilit na makalawa.
.
.
"oh tama na harutan,kain na"-mrs.kim
"hon--"-mr.kim
"kumain ka"-mrs.kim
.
.
umupo na ang mag kapatid
.
.
"busog talaga ako"-mr.kim
"nag jobilee si papa"-ryan
"JOLLIBEE!"-anna
"pass muna ako hon"-mr.kim
.
.
napahinga ng malalim si mrs.kim sabay tungong napilitan, nakangiting tumayo sa kinauupuan nya si mr.kim sabay yakap dito at puntang sala at nuod.
kinabuksan ng tanghali ginising ni mrs.kim ang asawa nya na tulog parin kahit na tanghali na
.
.
"WOOY!KANINA KAPA!LATE KANA SA TRABAHO!nauna na yung mga bata sa school nila"-mrs.kim
.
.
hindi parin nagigising si mr.kim, hinawakan ni mrs.kim ang noo neto at naramdaman neto na nanlalamig eto
.
.
"jusko may sakit ka ata"-mrs.kim
.
.
agad lumabas si mrs.kim at bumaba papuntang kusina, inasikaso neto ang pag iinit ng tubig.
sa loob ng kuwarto ng mag asawa, nag umpisa ng bumakat ang ugat ni mr.kim sa kanyang balat, dumilat eto na puti na ang mata at wala ng nakikita, naging agresibo eto bigla at nag umpisang kumapa ng makakain, sa sobrang gutom neto ay nag umpisa na syang kagatin ang kanyang dila at kainin eto, hanggang sa mapuno na ng dugo ang bunganga neto, pag katapos neto ubusin ang ibang parte ng kanyang dila, tumahimik lamang ito.
.
.
.
maya maya pa lamang nag haharutang nag lalakad ng kalsada ang magkapatid habang umuulan
.
.
"walang kurutan ng utong"-ryan
.
.
nag bibirong nag dadrama habang kumakanta si anna habang nababasa ng ulan, tumatawa ang magkapatid na nakarating sa bahay nila, naisipan pa ng dalawa na sa likod ng bahay dumaan dahil panigurado na papagalitan sila ng nanay nila pag nakita sila na basang basa sa ulan lalo nat sakitin si ryan.
sa pag dating ng dalawa sa likod na parte ng bahay, piniga nila ang kanilang mga damit at nilalamig na pumasok sa bahay
.
.
"shhh"-anna
.
.
tahimik na nakatayo ang dalawa sa basahan na nasa paa nila, dahan dahan nila eto pinapadulas upang walang maiwang basa sa sahig, umakyat ng hagdan ang dalawa at pumunta sa sarisarili nilang kuwarto, si ryan na nasa kabilang kuwarto lang ng kanyang ama at ina ay nakarinig ng kalabog mula sa silid na iyon, natahimik sandali si ryan at inisip na baka wala lang yun, umubo ubo si ryan dahil sa lamig na nararamdaman, pumunta sya sa banyo sa silid nya para kumuha ng gamot pero wala na. sa pag labas nya ng banyo muli syang nakarinig ng malakas na kalabog sa kuwarto ng ama at ina nya, nag mamadali nya na itong pinuntahan at binuksan ang pinto.
.
.
.
nanigas at namutla si ryan sa nakita nya, nakita nya ang ama at ina nya na puro dugo na ang bunganga at kumakapa kapa sa paligid, nakita nya rin ang isang malaking kagat sa balikat ng kanyang ina na nanggaling sa kanyang ama, agresibo ang mga ito na nag hihintay ng ingay na maririnig at agad susugurin.
tapos ng mag banlaw si anna at mag bihis, lumapit sya sa pader ng kanyang silid kung saan may katanang naka display na lagi nya pinag mamasdan, sa pag kakataon na toh, unang beses etong pinakailaman ni anna at binuksan
.
.
"wow"-anna
.
.
may narinig si anna na malakas na kalabog mula sa labas, agad sya lumabas dala ang patalim na iyon, nakita nya si ryan na nakaupo sa sahig at nanginginig sa takot habang umiiyak
.
.
"uy ano nangyari sayo?"-anna
"ate"-ryan
.
.
agad lumapit si anna sa kapatid nya at nakita nya ng kina babahala neto, nag umpisang tumakbo papalapit sa kanila ang kanilang ama at ina na apektado na ng virus, agad hinatak ni anna ang kapatid nya paalis at pababa ng hagdan.
.
.
"anong nagyari sa kanila?"-anna
.
.
nakasulyap si anna at ryan sa taas ng hagdan kung saan pinag mamasdan nila ang kanilang ama at ina na wala na sa sarili, nanginginig si ryan dahil sa gulat at dahil narin sa sakit na dahan dahan kumakalat an sa kanyang katawan dahil sa lamig, tuluyan na eto nawalan ng malay dahil sa mahina netong resistensya
.
.
"ryan!ryan!"-anna
.
.
nag aalala si anna na ginigising ang kapatid nya pero agad nya rin eto binuhat nung nakita nya nang umpisang tumakbo ang ama at ina nya pababa sa hagdan para sugurin sila, tumakbo palabas si anna buhat buhat ang kapatid nya at naka sukbit sa balikat nya ang katana na pinakailaman nya, takot na takot at nag pipigil na umiyak si anna habang tumatakbo sa kalsada at sa gitna ng malakas na ulan, sa kalayuan ng pag takbo nya, bumagsak na sya sa kalsada at sumigaw ng tulong dahil hindi nya na kaya pa tumakbo dagdag pa ng pasanin nya na problema dahil sa nangyari sa kanyang pamilya, sa loob ng isang bahay tahimik lang na nakatingin sa telescope si grace at tumitingin sa paligid nakita nya ang mag kapatid at agad eto tinulungan, kinuha ni grace ang ilan sa mga naiwang damit ng kanyang ama na nasa probinsya at ipinalit sa suot ni ryan.
.
.
"anong nagyari?"-grace
.
.
tanong ni grace kay anna na nakataklob ng tuwalya at nakatulala sa sahig habang nakaupo
.
.
"anna"-grace
"si mama at papa--"-anna
"bakit?"-grace
"di ko na sila makilala"-anna
.
.
natahimik si grace at napaisip
.
.
"binalita yun sa TV, kumakalat na daw yung mga zombie dahil sa virus na hindi alam kung saan galing, nag pasa pasa na"-grace
"virus?"-anna
"oo,apektado ba ang mama at papa mo?"-grace
"oo siguro, may gamot ba doon?"-anna
.
.
dahan dahan umiling si grace habang nalulungkot, napa pikit si anna at napa hawak sa ulo nya dahil doon.
.
.
.
nung nag umpisa ng dumami ang apektado ng virus na iyon sa lugar nila, naisipan nila umalis na doon dahil hindi na ligtas doon, niyaya sila ni jasmin na nakatira lang malapit sa bahay nila grace na doon na manirahan sa hardware na iyon na dati narin nilang hideout ng gang nila. nagtulungan ang apat na hakutin ang mga natira nilang pagkain sa bahay bahay nila, itinali at ikinulong ni anna ang kanyang ama at ina sa loob ng isang aparador sa bahay nila upang di na makapahamak pa, marami na silang nahakot na pagkain at inayos nila ang lahat ng iyon sa hardware, simula noon sa tuwing madaling araw maaga nagigising ang tatlong babae, nariyan si grace at jasmin na nag babantay palagi sa labas ng hardware at si anna naman na nag hahanap ng gamot araw araw para sa kapatid nya, si ryan naman ay gumagawa ng mga lamesa at upuan pati narin ng iba pa nilang gagamitin.
dahil sa takot nila na mabawasan pa ay agad nila pinapatay ang mga mag nanakaw na pumapasok sa hardware nila at pinag tatangkaan ang buhay nila, pero kahit ganoon pa man buong lakas silang nag huhukay ng libingan para bigyan ng mapayapang pag kalibing ang mga ito.
.
.
*****
To be continued.....
BINABASA MO ANG
The lesson for today
ActionThis story was inspired by the series "The walking dead" and yes some of the characters was also inspired by that series. Before you start reading I want you to expand your imagination first and feel the flow of the story for the better impact.. Enj...