"Betrayal"

25 4 0
                                    

(SE01-EP05)
*****
unang araw ng mga studyante sa school nagsigilid ang ilan sa mga studyante nung nag umpisang dumaan sa gitna ng hallway ng school ang gang na tinatawag na vipers pinamumunuan eto ng leader na si anna at ang kanang kamay na si jimin, nasa likod ang mga miyembro na pinangungunahan ni jasmin at grace, marami sila at ang bawat miyembro ay may tatoo na ahas sa leeg puwera lang sa leader at kay Jimin.
.
.
"ano bang meron sa kanila at bakit parang takot na takot sila sa atin?"-jimin
"masasamang tao tingin nila sa atin kaya ganun"-anna
"hindi ba?"-jasmin
.
.
tumingin lahat kay jasmin
.
.
"oo"-anna
.
.
mayamaya pa mula sa likod nila may lalaking tumatakbo at nabunggo neto si jimin,sya si suga
.
.
"excuse me?"-jimin
"nakaharang harang kasi eh"-suga
.
.
sabay takbo ni suga paalis
.
.
"aba,huwaw"-grace
.
.
pinag tawanan ng mga ka miyembro nya si jimin
.
.
"tarantado yun ah"-jimin
.
.
maya maya pa nag si punta na ang mag kakamiyembro sa kanya kanya nilang room, mag kaklase si jimin saka jasmin at kasama rin nila sa classroom si ryan.
.
.
"dito kayo sa likod ko dali"-ryan
.
.
umupo ang dalawa sa dalawang bakanteng upuan sa likod ni ryan
.
.
"buti naman at mag kaklase tayo"-ryan
"pakopya ah"-jimin
"hay naku"-jasmin
.
.
tumingin si jimin kay jasmin
.
.
"galit ka nanaman?"-jimin
.
.
sabay haort ni jimin kay jasmin
.
.
"tantanan mo nga ako"-jasmin
"lambingin mo kasi"-ryan
.
.
sabay tawa ng dalawang lalaki na inirapan lang ni jasmin
.
.
"saan tayo mamaya?"-jimin
.
.
nag suot lang ng earphone si jasmin
.
.
"owww, seen zone"-ryan
"hayyst hanggang sa personal ba naman?"-jimin
.
.
agad napatingin si jimin sa pinto nung nakita nya si suga na pumasok doon at umupo sa bakanteng upuan sa likuran nila. tumayo si jimin at lumapit kay suga.
.
.
"anong pangalan mo?"-jimin
.
.
tinanggal ni jasmin ang earphone nya at tumingin kila jimin.
.
.
"umupo ka nga dito"-jasmin
"transfer?"-ryan
"bakit interisado ka sa akin?"-suga
"owwwww"-students
.
.
napahiya si jimin ng bahagya pero dinaan nya lamang sa ngiti
.
.
"papatulan mo ba ako kung oo?"-jimin
.
.
nag tawanan ang lahat sa room
.
.
"jimin umupo kana nga"-jasmin
"wag ka makikipag away"-ryan
"dude di ako bakla"-suga
"bakit tingin mo ba yun ang ibig ko sabihin?"-jimin
.
.
natahimik ang lahat at hinila ni jasmin si jimin pabalik sa upuan nya
.
.
"first day of school simula ka nanaman? kaya tayo palipat lipat eh"-jasmin
.
.
kinuha ni jimin ang bag nya at inilagay sa tabi ni suga at duon sya umupo
.
.
"seriously?"-jasmin
"ahh kawawa walang katabi"-ryan
.
.
naasar si jasmin kay jimin at ryan. maya maya pa nag umpisa na ang klase, habang tahimik na nag tuturo ang literature teacher na first subject nila ay tinadyakan ni jimin ang paa ni suga sa ilalim ng lamesa. tinignan ni suga ng masama si jimin, habang si jimin ay naka upo lang na parang walang nangyari. hinayaan yun ni suga at maya maya pa ay inulit ulit ni jimin na agad naman ginantihan ni suga, nag sipaan sa ilalim ng lamesa ang dalawa hanggang sa nagtinginan na ang lahat at napansin na yun ng guro.
.
.
"yes gentlemens?"-l.teacher
.
.
dahan dahan lumapit ang literature teacher sa dalawa na agad naman napaupo ng tuwid
.
.
"any problem?"-l.teacher
"maam sya po ang nauna"-suga
"maam hindi po"-jimin
"sinungaling"-suga
"nananahimik ako dito"-jimin
"sino nag simula?"-l.teacher
"SIYA!"-suga&jimin
.
.
sabay turuan ng dalawa, hanggang sa pinalabas ng teacher ang dalawa at pinaluhod sa labas habang nakaharap sa pader.
.
.
"gago ka kasi eh"-suga
"kung di mo ako inangasan kanina sa hallway"-jimin
"eh bakit nakaharang ka naman talaga eh"-suga
"edi sana nag excuse ka"-jimin
"nag mamadali ako eh,bakit ba?"-suga
"well sorry ka inuna mo pagiging gago mo"-jimin
.
.
kinalampag ang pinto ng teacher mula sa loob dahil rinig na rinig ang usapan nila. tumahimik ang dalawa.
.
.
"tapusin na natin toh,pumasok tayo sa loob at sabihin natin na bati na tayo"-suga
"ayoko"-jimin
"baliw kaba?"-suga
"ayoko mag klase"-jimin
.
.
tumingin si suga kay jimin at napangisi
.
.
"parehas lang pala tayo eh"-suga
.
.
tumingin naman si jimin kay suga.
.
.
"jimin"-jimin
"suga"-suga
.
.
napangiti ang dalawa at natawa na lang sa naganap sa kanila
.
.
"tara"-jimin
"saan"-suga
"basta"-jimin
.
.
tumakbo paalis si jimin na agad naman sinundan ni suga, agad yun nakita ng teacher sa loob sa bintana, tumakbo eto palabas ng room at sinigawan ang dalawa
.
.
"HOY SAAN KAYO PUPUNTA?"-L.teacher
.
.
pumunta ang dalawa sa court ng school at agad kumuha si jimin ng bola sabay bato kay suga
.
.
"marunong ka?"-jimin
.
.
nag drible  si suga sabay shoot ng bola mula sa kinatatayuan nya
.
.
"nice one"-jimin
.
.
nag umpisa na mag laro ng basketball ang dalawa, mabilis na naging magkaibigan ang dalawa simula nun, kada pasukan ay sa tabi na ni suga umuupo si jimin kaya lagi sila nag kakaproblema ni jasmin, minsan ay tumatakas pa sa klase ang dalawa para lang mag gala o mag laro ng basketball.
.
.
.
kasalukuyang nakahiga sa court ang dalawa habang namamahinga
.
.
"pulis pala tatay mo"-suga
"oo"-jimin
"ano pakiramdam na may pulis na tatay?"-suga
"wala normal lang naman, tulad ng ibang tatay"-jimin
"lagi ba syang may hawak na baril?"-suga
"syempre lalo na pag papasok sya sa trabaho"-jimin
"marami naba syang napatay?"-suga
.
.
napatingin si jimin kay suga
.
.
"bakit?ikaw? ano trabaho ng tatay mo?"-jimin
"wala na akong tatay.....patay na"-suga
.
.
natahimik ang dalawa sandali
.
.
"bakit namatay?"-jimin
"binaril"-suga
"huh?"-jimin
.
.
dina alam ni jimin ang sasabihin pa nya
.
.
"di ko makakalimutan yung araw na yun na namatay sya sa harap ko para lang iligtas ako, kaya simula nun pag nakakakita na ako ng baril natatakot ako saka pag pinapaputok na bumabalik lahat sa alaala ko yung pag kamatay ng papa ko"-suga
.
.
nalungkot si jimin sa sinabi ni suga
.
.
"sino pumatay?"-jimin
"katulad ng tatay mo,pulis din"-suga
.
.
simula nung kinwento yun ni suga lagi ng napapaisip si jimin kung bakit nga ba pinatay ng isang pulis ang tatay nya. at sa tuwing nag eensayo ang gang nila ng pag babaril ay lagi na syang pumapass dito at umiiwas narin sya sa baril.
.
.
"ano bang problema mo?"-jasmin
"kaya ko naman ipaglaban ang sarili ko kahit na walang baril"-jimin
"huh? teka ano ba nagaganap sayo huh?"-jasmin
.
.
umupo si jasmin sa tabi ni jimin
.
.
"wala"-jimin
"bakit di kana humahawak ng baril simula nung napakaibigan ka dyan sa suga na yan huh?"-jasmin
"wala syang kinalaman"-jimin
"anong wala?"-jasmin
"a-a-ayaw ko lang talaga humawak ng baril"-jimin
"di kita titigilan hanggat di mo sinasabi kung bakit"-jasmin
"ayoko maging katulad ng tatay ko"-jimin
.
.
natahimik si jasmin
.
.
"ayoko na pumatay ng tao"-jimin
"hindi naman tayo pumapatay ng walang dahilan"-jasmin
"oo alam ko pero naisip mo na kada taong pinapatay natin ay may mga tao rin silang naiiwan?"-jimin
.
.
niyakap ni jasmin si jimin
.
.
"kung oras nya na oras nya na puwedeng mawala sayo yung taong yun kasi binibigyan ng chansa yung ibang tao para pumalit sa taong nawala sayo"-jasmin
.
.
nagngitian ang dalawa
.
.
"pero paano kung walang dumating?"-jimin
"imposible yun minsan di mo alam nasa tabi o kasama mo na pala yung taong papalit sa taong nawala sayo tapos sya na yung kukumpleto sa buhay mo"-jasmin
"huh?parang mali"-jimin
"bakit?"-jasmin
"bakit ikaw?"-jimin
"huh?"-jasmin
"wala pa nga nawawala sa akin dumating kana para kumpletuhin buhay ko"-jimin
.
.
sabay ngiti ni jimin kay jasmin, pero agad naman sya sinuklian ng pag tulak neto palayo sabay sama ng tingin
.
.
"ang corny huh"-jasmin
"ano ba naman klaseng girlfriend toh"-jimin
"bakit may problema?"-jasmin
"syempre boss wala"-jimin
.
.
sabay yakap ni jimin kay jasmin
.
.
"2nd anniversary na natin next week ah"-jimin
"hayaan mo lang"-jasmin
"ay grabe"-jimin
"basta nag mamahalan tayo araw araw anniversary"-jasmin
.
.
nag harutan ang dalawa sa gilid kaya napatingin ang iba na ka miyembro nila
.
.
"eww"-anna
"kung pede lang pumatay ng couple eh"-grace
.
.
lumapit si ryan kay grace
.
.
"crush mo lang kapatid ko eh"-anna
"psst uy"-grace
"huh?"-ryan
"wala hehe"-grace
.
.
kinabukasan sa skwelahan, tahimik ang lahat sa room nila jasmin nung nagalit ang kanilang adviser sa lahat dahil nawawala ang wallet neto
.
.
"ayoko kayo pahiyain kaya ngayon palang sinasabi ko na sa nag nakaw dito sa classroom na ito ng wallet ko, please lang makonsensya ka, suweldo ko yan wala ako ipang gagastos para sa mga anak ko maawa ka, mamayang uwian didiretso ako sa canteen para kumain,pag kakataon mo na yun para ibalik ang wallet ko sa desk ko tapos ok na tayo hindi ko na kailangan malaman kung sino ka"-adviser
.
.
nag ring na ang bell na senyales na ng break time umalis ang adviser at nag simulang mag usap usap ang mga studyante
.
.
"kawawa naman si maam"-jimin
"wow huh naawa ka?"-jasmin
"naman"-jimin
"sino kaya yung mag nanakaw?"-ryan
.
.
tumayo si jimin at pumunta sa harap ng room
.
.
"GUYS GUYS WAG NYO SANA IMASAMA PERO BAGO KAYO MAG BREAKTIME AT GUMASTOS NG PERA PUWEDE BA NA KAPKAPAN KO ISA ISA MGA BAG NYO?"-jimin
.
.
nag agree ang lahat ng mga studyante, isa isa kinapkapan ni jimin ang mga bag ng studyante.
maya maya pa nag uwian na sabay na nag lakad pauwi si jimin saka si suga
.
.
"binalik mo ba?"-jimin
"hindi"-suga
"brad naman bakit mo ginawa yun?"-jimin
"kailangan ko ng pera"-suga
"huh?kung kailangan mo ng pera sabihin mo na lang sa akin papahiramin naman kita"-jimin
"ayoko mag karoon ng utang na loob sa iba"-suga
"kaibigan mo ako,saka hindi kaba nakokonsensya? pinalampas ko na nga yung bag mo kanina kahit na nakita ko agad wallet ni maam dun eh"-jimin
"alam ko na nakita mo yun at kampante ako na hindi mo ako isusumbong"-suga
"brad naman wag mo naman gawin yan sa sarili mo, may pag kakataon pa, bukas maaga tayo pumasok tapos sasamahan kita ibalik yan sa desk ni maam"-jimin
.
.
tumigil sa pag lalakad si suga at tumingin kay jimin
.
.
"pumapatay ka ng tao, nag nanakaw ako,sino sa tingin mo mas malaki kasalanan sa atin? pulis tatay mo at di nya alam yun, may mga pulis sa paligid pero kahit kelan ba sinumbong kita? sinumbong ko ba kayo ng tropa mo? hindi diba? bakit? kasi kaibigan kita at alam ko na may mga kasalanan din ako na ayaw ko aminin, ngayon kung gusto mo na isumbong ako at ibalik ko tong wallet ni maam sa kanya edi mag sumbong ka, ibuko mo ako tapos yung sikreto mo at ng tropa mo itatago ko lang para di ka mapahamak kasi nga kaibigan kita"-suga
.
.
sabay alis ni suga at iniwan na si jimin na nakatayo dun at di makapag salita.
kinabukasan hindi pumasok si suga sa skwelahan at nabalot ng pag tataka ang buong room
.
.
"siguro sya yung mag nanakaw kaya sya hindi pumasok"-student1
"sayang gwapo pa naman"-student2
"bakit sigurado naba kayo?"-ryan
.
.
natahimik ang ilang studyante
.
.
"lakas nyo mang husga di nyo pa nga kilala yung tao"-ryan
"tama"-jasmin
.
.
kasalukuyang nakaupo si jimin sa tabi ni jasmin dahil wala si suga
.
.
"asan ba sya?"-jasmin
"hi-hi-hindi ko alam"-jimin
"alam mo ba kung saan sya nakatira?puntahan mo at sabihin mo na dumudumi yung pangalan nya dito sa room dahil sa pag absent nya"-jasmin
.
.
tahimik lang si jimin maya maya nag uwian na pumunta si jimin sa tinutuluyan ni suga na isang apartment, kumatok sya sa pinto neto na agad naman binuksan ni suga.
.
.
"paano mo nalaman na nandito ako?"-suga
"nasabi mo sa akin na taga dito ka nakalimutan mo naba?"-jimin
.
.
pumasok si jimin sa loob at umupo sinara naman ni suga yung pinto
.
.
"bakit ka naparito?"-suga
"kinakamusta ka, bakit di ka pumasok?"-jimin
"bakit pinag hihinalaan naba nila ako?"-suga
"oo,pinag tatakpan ka nila ryan"-jimin
"hayaan mo ganun talaga ako gusto ko na pinag hihinalaan ako para di ko na kailangan umamin"-suga
.
.
umupo si suga sa tabi ni jimin at binuksan ang tv
.
.
"kelan mo pa ginagawa yan?"-jimin
"simula nung bata pa ako normal na lang sa akin yun"-suga
"saan mo naman ginagamit yung mga nakukuha mo?"-jimin
"para sa akin din,wala narin naman akong nanay saka tatay eh saka iisang anak lang ako"-suga
"huh?akala ko tatay mo lang nawala?"-jimin
"di ko nakilala mama ko"-suga
.
.
tumahimik na lang si jimin
.
.
"bakit di mo ako sinumbong?"-suga
"kasalanan mo yun wala na akong kinalaman dyan"-jimin
.
.
ngumisi si suga at nag apir ang dalawa
.
.
"alam narin naman ng lahat kung ano meron sa atin kaya di na natin kailangan umamin"-suga
"tama saka may mga araw rin naman na makakarma tayo sa pinag gagawa natin,hintayin na lang natin"-jimin
.
.
tumawa ang dalawang magkaibigan, lumipas ang ilang araw kinabukasan bago ang anniversary nila jimin bumisita si jimin sa papa nya sa police station.
.
.
"hi pa"-jimin
"oh anak,kamusta pag aaral?"-mr.park
"ayos lang si mama?bakit wala sa bahay?"-jimin
"naku nag outing kasama mga kaibigan nya next week pa ata ang balik"-mr.park
"eh ikaw kelan ka uuwi?"-jimin
"jusko naman anak siguro pag wala ng krimen sa bansa"-mr.park
.
.
sabay tawa ng mag ama, lumapit si mr.kim na ama nila anna at ryan na kaibigan din ng ama ni jimin
.
.
"oh jimin, sina ryan?"-mr.kim
"nakauwi na po ata"-jimin
"anak punta muna kami sa meeting namin ah mabilis lang toh hintayin mo ako"-mr.park
"sige lang pa"-jimin
"umupo ka muna dyan at mag paka pulis"-mr.kim
.
.
sabay tawa ng tatlo. umalis ang ama ni jimin at ama nina ryan. umupo si jimin sa desk ng papa nya at tinignan ang mga gamit neto.
"case record" napangiti si jimin nung nabasa nya yun agad nya kinuha ang folder na yun at pinakailaman, nakalagay dun ang mga taong nahuli na ng kanyang ama.
.
.
"aba ang dami ah"-jimin
.
.
tinignan yun ni jimin at binasa isa isa,ilan dun ay namatay sa kalagitnaan ng raid.
"min yoon joo" isang pangalan na nag patigil kay jimin sa pag lilipat ng mga pahina sa folder na yun, tinitigan yun ni jimin at binasa.

The lesson for todayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon