(SE07-EP01)
lumipas na ang ilang taon at tumungtong na sina ryan,grace,jimin at anna sa unang baitang ng highschool, napansin ni ryan na parang dumadami na ang manliligaw ni grace kaya nangangamba narin ito na baka maunahan siya
.
.
"uyy ryan tignan mo may nag bigay sa akin ng chocolates
.
.
sabay pakita ni grace ng chocolate kay ryan
.
.
"flattops?sus mumurahin"-ryan
"wooy, para sabihin ko sayo hindi mahalaga kung ano man ang presyo ng pagkain ang mahalaga alam mong mahal ka ng tao na yun"-grace
"porket may chocolate mahal kana"-ryan
"puwede ba wag ka nga kj"-grace
"edi mag pakalulong ka diyan sa chocolate mo"-ryan
.
.
sabay walk out ni ryan, kinabukasan sa lamesa kung saan nakaupo si ryan at grace may nakita si grace na isang box ng chocolate na nakapatong sa upuan niya
.
.
"woooooooooow omg!"-grace
.
.
sabay upo ni grace sa upuan niya at tingin dun isa isa
.
.
"omg ang dami kanino galing toh?"-grace
"aba di ko alam malamang sa manliligaw mo"-ryan
"wow ang sweet naman"-grace
"mas sweet pa sa manliligaw mo kahapon"-ryan
"hoy hindi ah ang bad mo naman diba sabi ko naman sayo hindi na mahalaga kung gaano man kamahal ang pagkain basta ang importante alam mong mahalaga ka sa tao nayun"-grace
.
.
napataray si ryan sabay bulong
.
.
"mahal mahal ng bili ko diyan eh"-ryan
"ano?"-grace
"WALA SABI KO MAG KA DIABETICS KA SANA"-ryan
.
.
kinagabihan
.
.
"waaaaaaaah buchingina nawawala ipon ko! HOY RYAN"-anna
"inaano kaya toh?"-ryan
.
.
galit na galit na naka pamewang si anna kay ryan
.
.
"ikaw ba kumuha ng ipon ko?"-anna
"regalo mo na sa akin yun"-ryan
"walang hiya ka pambili ko yun ng comics para sa inaabangan ko na story"-anna
"mas mahal mo pa ako kesa sa comics?"-ryan
"OO!"-anna
"aray, regaluhan na lang kita nun"-ryan
"regaluhan eh yung pinang reregalo mo galing din naman sa pera nila mama"-anna
"ang importante napalitan diba saka may mahalaga kasi akong binayaran sa school"-ryan
"edi sana kila mama kana lang nanghingi"-anna
"sorry na, pero ate maiba tayo, ano gagawin mo pag type mo ang isang tao? liligawan mo ba?"-ryan
"para kay grace ba yan?"-anna
"oo sana eh"-ryan
.
.
umupo si anna sa tabi ni ryan na nasa kama
.
.
"alam mo kung ako sayo aamin na ako agad bago pa ako maunahan ng iba, madali lang naman yun eh lalapit ka lang tapos sabihin mo nararamdaman mo"-anna
"eh ate alam mo namang nakakatakot eh"-ryan
"oo alam ko nakakatakot kasi baka mamaya masaktan kapa pag nalaman mo na hindi ka pala niya gusto, pero alam mo ang mas masakit? yun ay yung may nauna na sayo tapos naiwan kang nganga kaya ngayon palang unahan mo na atlis may chansa kapa"-anna
"oo nga noh? wow expert"-ryan
"syempre naman ako pa?"-anna
.
.
sabay ngiting proud ni anna, nakalimutan na ninakawan siya ng pera ni ryan
kinabukasan, may dala dalang bulaklak na pumasok si ryan sa school at hinanap si grace nakita niya si grace na nakatalikod at nakaupo sa isang bench, lumapit si ryan kay grace sa likod neto at duon na nag umpisa umamin
.
.
"wait wait, wag ka haharap,ayoko makita yung magiging reaction mo, gusto ko lang sabihin na gusto kita matagal na at sa matagal na nakalipas na panahon ngayon ko lang lalakasan ang loob ko na umamin sayo, mahal kita grace di na mahalaga sa akin kung ano man ang sasabihin mo pabalik ang mahalaga nasabi ko na yung nararamdaman ko, di na kita pipilitin na mahalin morin ako at sana hindi masira yung pag kakaibigan natin"-ryan
.
.
iaabot na sana ni ryan ang bulaklak kay grace pero napatigil ito nung nakita niya ito na tinanggal ang earphone sa tenga sabay tayo at kaway sa lalaki na paparating na sa harap niya
.
.
"andiyan kana pala"-grace
.
.
nabitawan ni ryan ang bulaklak sa gulat,tumalikod si grace para kunin ang bag niya at nakita niya si ryan na nakatayo duon at di maipinta ang mukha
.
.
"oh ryan andiyan ka pala,siya nga pala yung manliligaw ko niyaya niya ako makipag date ngayon"-grace
.
.
sabay kapit ni grace sa lalaki na yun habang nakangiti
.
.
"hello"-boy
"siya rin daw pala yung nag bigay sa akin ng isang box ng chocolate kahapon"-grace
"ANO?!"-ryan
.
.
agad sinapak ni ryan sa mukha ang lalaking yun dahil sa galit, natumba ang lalaking yun at nagulat si grace sa pangyayari
.
.
"sigurado kang sayo galing yun?"-ryan
"tarantado ka ah"-boy
.
.
agad bumangon ang lalaki na yun para suntukin si ryan pabalik pero agad naman pinrotektahan ni grace si ryan
.
.
"waag"-grace
.
.
may isang kamay na sumalubong sa mukha ng lalaking yun na agad natumba at nawalan ng malay
.
.
"tigas ng mukha nun ah"-jimin
.
.
sabay hilot ni jimin sa kamay niya na pinang suntok niya, sinundan pa yun ni anna na tinapakan ang ulo ng lalaki na walang malay
.
.
"iisa kapa?"-anna
"ryan ano ba yung ginawa mo?"-grace
.
.
galit na galit na umalis si ryan ng hindi nag sasalita
.
.
"uy brad"-jimin
.
.
sabay sunod ni jimin kay ryan
.
.
"anna"-grace
"wag kana lang muna lumapit sa kanya"-anna
.
.
sabay alis din ni anna at sunod sa dalawa, naiwan si grace dun na nag tataka at nag aalala dahil sa nangyari
*****
To be continued.....
BINABASA MO ANG
The lesson for today
AçãoThis story was inspired by the series "The walking dead" and yes some of the characters was also inspired by that series. Before you start reading I want you to expand your imagination first and feel the flow of the story for the better impact.. Enj...
