"Memory"

16 3 0
                                    

(SE04-EP01)
pumunta muli sina justin sa likod ng hospital para ilibing ang bangkay ni jasmin sa tabi ng puntod ni jin
.
.
"dalawa na ang nawala sa atin, di na ako makakapayag pa na mabawasan pa tayo,simula ngayon wala na ni kahit sino ang aalis mag isa, wala ng hihiwalay, walang lalabas ng walang dalang armas, at kung di mo alam ipag laban ang sarili mo...parang awa mo na kahit para kina jin at jasmin na lang wag matigas ang ulo"-justin
.
.
natahimik ang lahat at wala ni kahit sino ang nakapag salita,nakaupo lamang si jimin sa harap ng puntod ni jasmin at tinititigan ito
.
.
"tara na"-justin
.
.
nag simula na umalis si justin at ang iba
.
.
"jimin tara na"-grace
.
.
dahan dahan umalis si jimin at nag lakad narin paalis, tahimik lang ang lahat na dumating sa hotel,wala ni kahit sino ang nag papansinan dahil pareparehas lang nagulat ang lahat sa pangyayari. mag isa si jimin sa room nila ni jasmin, nakaupo lang eto sa kama habang nakatulala sa sulok at di umiimik
.
.
*****
"kung oras nya na oras nya na puwedeng mawala sayo yung taong yun kasi binibigyan ng chansa yung ibang tao para pumalit sa taong nawala sayo"-jasmin
.
.
*****
"pero paano kung walang dumating?"-jimin
"imposible yun minsan di mo alam nasa tabi o kasama mo na pala yung taong papalit sa taong nawala sayo tapos sya na yung kukumpleto sa buhay mo"-jasmin
"huh?parang mali"-jimin
"bakit?"-jasmin
"bakit ikaw?"-jimin
"huh?"-jasmin
"wala pa nga nawawala sa akin dumating kana para kumpletuhin buhay ko"-jimin
.
.
*****
"2nd anniversary na natin next week ah"-jimin
"hayaan mo lang"-jasmin
"ay grabe"-jimin
"basta nag mamahalan tayo araw araw anniversary"-jasmin
.
.
*****
"namiss mo ba ako?"-jimin
"may dahilan ba ako para hindi kita mamiss?"-jasmin
.
.
*****
"sa-sa-salamat sa inyo lalo na sayo mahal"-jasmin
"mahal na mahal kita jimin"-jasmin
"ma-ma-mahal..."-jasmin
"mahal na mahal kita"-jimin
.
.
*****
paulit ulit na tumatakbo sa isipan ni jimin ang mga alaala ni jasmin sa kanya, hindi na napigilan ni jimin ang muling maiyak habang inaalala lahat yun. di na alam ni jimin kung ano na ang nangyayari sa kanya at nawawala na sya sa sarili, bumaba si jimin sa kama at pumunta sa bintana ng room nya at tumungtong dito.
.
.
"jim--"-anna
.
.
biglaan naman ang pagpasok ni anna sa silid ni jimin at nakita nya ito na nag tatangkang mag pakamatay
.
.
"nababaliw kana ba?"-anna
.
.
tumakbo papalapit si anna kay jimin at hinatak eto pabalik
.
.
"bitawan mo ako!"-jimin
.
.
sinapak ni anna sa mukha si jimin
.
.
"ano mag papakamatay ka din? susunod ka sa kanya? tapos ano? magiging ok na ang lahat? bobo! kahit ano pang gawin mong pag papakamatay hindi na mabubuhay si jasmin! hindi na siya babalik!"-anna
.
.
pumasok si justin at hobi sa loob dahil sa narinig nilang ingay
.
.
"hi-hi-hindi ko siya nabantayan"-jimin
"walang may gusto na mangyari yun"-justin
"gusto ko siya makita ulit at makausap"-jimin
.
.
napaluhod si jimin habang umiiyak
.
.
"parehas lang tayo, pero kahit kelan di ko inisip na mag pakamatay"-anna
.
.
nanatiling tahimik sa loob at walang sumagot na kahit sino nag lakad pabalik si anna sa silid nila, nakita nya si ryan na umiiyak sa kama habang nakataklob ng kumot habang si joon naman ay tahimik lang at nakaupo
kinabukasan, nanatiling tahimik ang lahat, sa takot na may mawala pang iba, nag desisyon si justin na isama na ang lahat sa pag hahanap ng supplies at hindi na mag hiwahiwalay
.
.
"naano yang pisngi mo?"-joon
.
.
tanong ni joon kay jimin napatingin lang si jimin kay joon at ipinagpatuloy ang pag hahanap ng supplies
.
.
"uso yan gusto mo ba?"-anna
.
.
natahimik lang si joon maya maya bumalik na ang lahat at kumain.
.
.
"nasaan na kaya siya ngayon?"-ryan
.
.
yinakap ni anna si ryan na nakaupo lang sa gilid ng kama
.
.
"nasa mabuting kalagayan na siya ngayon"-anna
"mas mabuti pa sa kalagayan natin"-joon
"tama"-anna
"magkasama na sila ni jin, maayos na kalagayan nila ngayon dun"-joon
.
.
kinagabihan pumasok si justin sa silid nina ryan
.
.
"oh bakit?"-joon
"puwede ko ba makausap si ryan?"-justin
.
.
lumapit si ryan kay justin at lumabas ang dalawa
.
.
"bakit?"-ryan
.
.
lumapit si hobi kay ryan na naka abang lang sa labas, may dala itong pulbura at ispesyal na metal at mga kagamitan sa pag gawa ng bala
.
.
"oh para sa pag gawa ng bala toh ah"-ryan
"kaya mo ba?"-justin
"nakalimutan ko na kung paano gumawa ng bala"-ryan
"puwede ba gawin mo yung makakaya mo para makagawa ulit? kasi kailangan na talaga namin"-hobi
"sige susubukan ko"-ryan
.
.
kinabukasan, nagising si justin sa malakas na pag kalampag sa pintuan nila ni hobi, agad napabangon si justin at dahan dahan nag lakad papunta sa pinto
.
.
"sino yan?"-justin
.
.
walang sumagot na kahit sino at tuloy lang ang pag kalampag
.
.
"sino nga yan?"-justin
.
.
nagising na rin si hobi dahil duon
.
.
"bakit?"-hobi
"may kumakalampag eh"-justin
"buksan mo nga"-hobi
"baka kung sino eh"-justin
"tayo tayo lang naman nandito, baka kailangan ng tulong"-hobi
.
.
huminga ng malalim si justin at dahan dahan binuksan ang pinto, nagulat sya nung biglang pumasok ang isang eater, agad naman tumakbo si hobi at hinatak si justin palayo, biglang pumasok si joon sa loob dala ang rifle nya at pinaputukan ang eater na yun.
nakahinga ng malalim ang dalawang mag kaibigan
.
.
"may kailangan kayo makita"-joon
.
.
lumabas si justin at hobi sa silid nila at nakita nila ang mga gamit nilang lahat sa labas at parang nag hahanda sa pag alis
.
.
"bakit?"-hobi
.
.
hinatak ni joon ang dalawa papunta sa hagdanan at nakita nila duon si anna,jimin at grace na nakasilip sa ibaba ng hagdan
.
.
"anong me--"-hobi
"shhh"-grace
.
.
dahan dahan din bumaba si justin at hobi at sumilip duon, may nakita sila na isang hilera ng eater na nag kukumpulan sa unang palapag bago ang palapag na tinutuluyan nila
.
.
"paano sila napadpad dito?"-justin
"di namin alam,nagulat na lang kami ganyan na sila karami"-anna
"lalabas sana kami sandali para mag hanap ng makakain tapos ganito na naabutan namin"-jimin
.
.
bumalik na ang lahat sa itaas
.
.
"kailangan na natin makaalis dito"-hobi
"oo"-justin
.
.
inayos na ng lahat ang mga gamit nila,binigay ni ryan ang mga balang nagawa nya kay justin
.
.
"konti lang nagawa ko dahil kulang ako sa oras"-ryan
"ayos lang,salamat"-justin
.
.
pinag hatihatian ng mga may baril ang bala na ginawa ni ryan.kinuha ni jimin ang sniper ni jin at iniabot ito kay suga
.
.
"brad--"-suga
"kakayanin mo,saka walang tunog yan pag pumutok,magaling ka umasinta kaya alam kong kakayanin mo"-jimin
.
.
tumungo na lamang si suga, iniabot naman ni anna ang baril ni jasmin kay ryan
.
.
"gawin mo na yung gusto mo"-anna
.
.
abot tenga ang ngiti ni ryan sa tuwa
.
.
"pag nakita mo na ang target, wag mo na patagalin pa, angat agad ng baril at tutok sa ulo nya tapos paputukan mo"-grace
"sige"-ryan
.
.
iniabot naman ni laxy ang pana ni jane sa kanya
.
.
"hindi mo na kailangan pa ng practice kaya galingan mo"-laxy
.
.
kinabahan si jane at huminga ng malalim. maya maya pa nag tipon tipon na ang lahat para sa pag paplano
.
.
"may mga eater sa buong palapag sa baba kaya wala tayong madadaanan"-hobi
"paano na yan?"-jane
"ganito ang naisip kong plano, lahat kayo pupunta na dun sa kabilang hagdan tapos ako naman dito, mag iingay ako para mag puntahan lahat sa puwesto ko tapos pag nag simula na ako tumakbo papunta sa inyo, mag simula na kayo tumakbo pababa at walang mag hihiwahiwalay para mas madali ko kayo makita kung sakali man na mahabol ko kayo"-justin
"kung sakali?"-laxy
"brad!ano bang sinasabi mo?"-hobi
"wala ngang mag hihiwahiwalay diba?"-jimin
"mag tiwala kayo sa akin, pag nakalabas na kayo at pag katapos ng mga limang minuto at wala pa ako.....umalis na kayo"-justin
"hindi"-hobi
"tara na"-anna
"justin"-laxy
.
.
nag lakad na sina anna papunta sa kabilang hagdan at nag aalangan pa si laxy na umalis kaya hinatak na ito ni joon
.
.
"brad naman"-hobi
"pipilitin ko ang makakaya ko,ito na lang ang paraan para mas mabilis tayo na makaalis dito"-justin
"tayo?"-hobi
"hahabol ako tandaan mo yan, hahabol ako"-justin
.
.
tinulak na ni justin si hobi papunta sa kinaroroonan nina jimin, nag tipon tipon na ang lahat sa isang hagdanan at pumunta na si justin sa kabila, kumuha si justin ng piraso ng bakal at kinalampag ito sa hawakan ng hagdan, nag lingunan ang mga eater sa kinaroroonan ni justin at nag simulang mag takbuhan paakyat sa hagdan na kinatatayuan ni justin
.
.
"TAKBO!"-justin
.
.
tumakbo na sina jimin pababa ng hagdan dala ang mga gamit nila at sumunod naman si justin.tarantang taranta ang lahat na tumatakbo paalis dahil palapit ng palapit na ang malakas na mga hakbang ng mga eater
.
.
"BILIS PA!"-ryan
.
.
binilisan ng lahat ang pag takbo at nag simula na sa pakikipaglaban sa mga nakaharang na eater sa harapan nila, hanggang sa nakakita na ng liwanang ang lahat at tuluyan ng nakalabas doon sa hotel
.
.
"justin"-hobi
.
.
napatitig ang lahat sa labasan ng hotel at inaabangan ang paglabas ni justin, kinabahan ang lahat dahil sa pag aabang, di katagalan nakarinig ang lahat ng tatlong beses na malalakas na putok ng baril pero di parin lumalabas si justin. sampung minuto na ang lumipas pero wala parin ni anino ni justin ang nag papakita, napaluhod si hobi habang umiiyak habang si laxy ay di na nakagalaw sa kinatatayuan nya at tumutulo na ang luha
.
.
"kailangan na natin umalis"-joon
.
.
naglabasan na ang ilang mga eater sa labas ng hotel
.
.
.
sunod sunod na pinaputukan ng justin ang mga iyon at tumakbo papalapit kina hobi
.
.
"brad!"-hobi
.
.
agad nag yakapan ang mag kaibigan at pinunasan naman agad ni laxy ang luha nya
.
.
"tara na"-jimin
.
.
tumakbo na ang lahat palayo sa hotel na yun.
.
.
"saan na tayo pupunta?"-jane
.
.
tumingin sa paligid ang lahat
.
.
"patay"-joon

To be continued.....

The lesson for todayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon