Michael Jericho's POV
"Iiwan mo nanaman ako Kuya, nakakainis ka" pagmamaktol ni Keith nung nagpaalam yung Kuya nya na uuwi nanamang states
Marami silang business, at simula nung naaksidente si Keith, si Kuya Kevin na muna ang nagtake over sa lahat,
"Lil sis, kailangan kong umalis, nandito naman sila Lewis, pati si Michael, nothing to worry about" padabog na umupo si Keith. Pfft nakakapanibago talaga sya
"Lagi nila akong tinatawanan. Tapos yang si Michael, araw araw akong sinesermonan! Kuya naman eh!" Tinago ko yung ngiti ko, napaka childish nya talaga simula nung naka amnesia sya. Kung ma regain nya ang memories nya siguradong mas gugustihin nya ng bumaon sa lupa pfft
"Babalik pa naman ako kaya wag ka ng mag maktol dyan, and nabili ko naman na lahat ng gusto mo, hindi ka na mabobore dito, wag lang sobra, makakasama sayo" pinigilan ko yung tawa ko nung ngumuso sya, saan napunta yung sobrang cold na Keith na halos ayaw makasama sa iisang bubong ang kuya nya?
"Whatever, ingat nalang tsss" hinalikan ni Kuya Kevin yung noo ni Keith tapos nagpaalam na rin ito sa amin, ang sweet talaga ni Kuya Kevin kay Keith, ako kaya kailan ko magagawa yun ng walang pag aalinlangan? Psh kung pwede lang talagang magpakilala na sa kanya
Pagkalabas ni Kuya Kevin nagsimula na syang magsayang ng pagkain, hindi ko alam kung bakit ang init talaga nang dugo nya sa kanila Santos, binabato nya nanaman ito ng mga prutas pfft.
Tahimik lang akong nanood habang tinitignan si Keith na nakakunot ang noo sa bawat pag iwas nila Santos sa binabato nyang prutas, napaka sadista talaga pfft
Bzzzt bzzzt bzzzt bzzzt
Napabuntong hininga ako ng magtext si daddy, nako naman ano nanaman kaya ang sasabihin nito sa akin
Yes, me and my dad ay magtrabaho sa iisang Ospital magkaiba lang kami ng ward.
"Keith, magpahinga ka na, may pupuntahan ako, dapat pagbalik ko tulog ka na" inirapan naman nya ako at inihiga ang sarili sa hospital bed nya, pfft nakikinig na sya sa akin
"Ingat Doc, kami na bahala kay Boss" sumaludo sila Santos sa akin ginantihan ko sila ng ngiti at lumabas na rin sa kwartong yun
~~~~~
"How's your patient?" Tanong agad sa akin ni Dad pagkapasok ko ng office nya
"She's fine. But haven't recovered her memories yet" sagot ko naman, grabe kami ni Dad no? Imbes na magbonding kami, pasyente parin ang nasa utak namin,
"Are you sure, you can handle this, she's Villamil, the one who left you 10 years-"
"She never left me, she's always there to guide me, for the past 10 years, she's hiding in shadows" inis kong sabi tumikhim naman si dad at tinignan ako ng seryoso. Hayy hindi talaga sya boto kay Keith simula palang nung una
"Mike, iniisip ko lang na baka masasaktan ka, 10 years has passed sa tingin mo ba hindi parin nagbabago-" tumayo na ako sa couch at naglakad papunta sa pinto
"I love her dad, I love her so much so please maging masaya nalang kayo para sa akin" habol kong sabi at tuluyan ng lumabas
~~~~~
Keizel Keith's POV
"Bilhan nyo ako ng food!" Inis kong sigaw sa tatlong unggoy na naglalaro ng braha, di pa ako inaantok, bahala si Michael dyan tsss
"Sige boss, si Lewis maiiwan-"
"Hindi ako tatakas, kaya naman tatlo na kayong pumunta, nakakasurang makita yung mga mukha nyo, nakakasawa! Shuu alis!"
Ayan nanaman sila, nagpipigil ng tawa hayys, bakit ba kasi ganito, parang lagi nalang may mali. Sumaludo sila sa akin at lumabas na, napabuntong hininga ako at humiga
Keizel Keith Villamil sino ka bang talaga? Psh bakit hanggang ngayon wala parin akong maalala huhuhu
Napabalingwas akong bumangon nang marinig kong bumukas ang pinto. Tinago ko ang ngiti ko sa pagaakalang si Michael ito pero tsss bakit nandito yang higad na yan?!
Ano na ulit yung pangalan nya, Michimo? Maximo? Tsss
"So how's the Mafia Boss?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. Mafia Boss? Tanga ba sya? Nagkamali ba sya ng pinasukan na kwarto?
"Stupid, get lost!" Inis kong sigaw pero ngumiti lang ito sa akin, haysss
"So you haven't regain your memories yet, gusto mo bang ipakilala ko sayo ang sarili mo, Miss Villamil?" Diko sya pinansin at humiga nalang ulit. Hayy mga higad nga naman, tsss
"Have you heard about a 9 years old kid who killed 15 men in just one night?" Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, hindi lang basta sakit, parang mababasag pa ito shit naman
"That monster killed those guys without an alliance" napaupo ako at binato sya ng kung anong makita ko,
"ARGH" daing ko habang sapo sapo ang ulo ko, shit ang sakit
"That Kid owns a powerful Mafia now, and unluckily-"
"SHUT THE F*CK UP! GET LOST!" Sigaw ko sa kanya, naramdaman ko na may tumutulo na amoy kalawang sa ilong ko, aish anong nangyayari sa akin?
"So it's true, hindi lang basta basta amnesia ang case mo, it's worst than I thought" narinig ko ang mahina nyang pagtawa, hindi ako makagalaw, namamanhid ang katawan ko, sobrang sakit ng ulo ko, nanlalabo na rin ang paningin ko, haist mamatay na ba ako?
"Kaya pala sobrang ingat nila sayo, well then I'll be going take care Miss Villamil" naiwan akong hindi ko alam ang gagawin, sobrang sakit ng ulo ko shit, hindi rin tumitigil yung pag agos ng dugo sa ilong ko, hayys ano ba talagang problema?
"Ke-Keith!" Kahit sobrang nanlalabo ang paningin ko gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses nya,
Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin at pagpunas ng kung anong bagay sa ilong ko,
"I-I to-told you! Wag mo munang pilitin maka alala!" Umiiyak ba sya? Huminga naman ako ng malalim
"I didn't" tipid kong sagot at naramdaman nalang ang antok
Who the hell am I? Sino ka ba talaga Keizel Keith Villamil?
BINABASA MO ANG
AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)
RomanceSeason 2 ng After 10 Years Sampung taon na hindi sila nagkita Pero hindi sya nawalan ng pag asang darating sya Na gagawin nya ang ipinangako nya Love is the best thing and it can make you whole but it could be the worst thing that can hurt you and...