CHAPTER 51

130 4 0
                                    

Michael Jericho's POV

Nakatingin lang ako kay Keith na nakahiga lang sa hospital bed nya, parang ang lalim ng iniisip nya simula nung nagising sya kanina

"Hey lil Sis, okay ka lang?" Ito nanaman sya sa sobrang lutang at lalim ng iniisip hindi na marinig ang mga tumatawag sa kanya

"Lutang si Boss" bulong naman ni Santos kay Kuya Kevin na nagbuntong hininga nalang habang malungkot na nakatingin sa kapatid

Nagulat naman kami nung bigla syang bumangon at tinignan kaming lahat nang seryoso, sa kwarto nya walo kaming lahat, siya, ako, yung kambal, si Kuya Kevin tapos yung tatlong unggoy

"Gusto ko ng shake" napanganga naman kaming lahat, sobrang seryoso kasi nang mukha nya tapos shake lang ang nais? Weird

"Ahh sige boss, bibili kami" nagmamadaling lalabas na sana yung tatlo ng pigilan sila ni Keith

"Sasama ako" tumingin muna sya sa akin at ngumiti bago sya dahan dahan na tumayo. Hinawakan ko pa sya kasi halatang nahihilo parin sya

"Wag ka ng sumama, hindi pa ayos yung pakiramdam mo" umiling naman sya sa akin at muling ngumiti

"Mas nanghihina ako pag hindi ako gumagalaw" sagot naman nya kaya napabuntong hininga nalang ako

"Sasama din ako" isusuot ko na sana yung coat ko ng pigilan nya ako

"Apat na kami kaya naman nilang buhatin ang walong shake" ayaw nya ba akong makasama? Hayy, tumango naman ako kaya ngumiti sya ulit sa akin

Pagkalabas nila ay saka ako nilapitan ni Cyan, seryoso syang nakatingin sa akin

"Saan ba kayo nagpunta kanina?"  Tinignan ko naman sya na nagtataka

"Kay Daddy" tipid kong sagot na halatang kinagulat nya, lumunok pa sya ng isang beses bago ulit ako tinignan

"Hindi naman siguro si Keith yung nagpumilit diba?" Kumunot yung noo kong napalingon ulit sa kanya

"Sya mismo ang nagsabi na gusto nyang pumunta at makilala si Daddy, bakit?" Nakita ko ang pagiging aligaga nya pero agad ding nakabawi at bumalik sa dating seryoso nyang mukha

"Anong nangyari?" Bakit ba interesado itong lalakeng to?

"Weirdest meet up I ever encountered, pakiramdam ko kilala na nila ang isa't isa" lumunok naman sya ng ilang beses, lumayo sya sa akin at muling umupo sa tabi ng kambal na muling nakipag usap dun

Napailing nalang ako, Ang weird nya

~~~~~

Keizel Keith's POV

"Boss, anong flavor ang gusto mo?" Kanina ko pa tinitignan kung saan ang drugstore dito sa Ospital, paano ko kaya magagawa ang plano ko?

"Chocolate" tipid kong sagot, sumaludo naman sa akin si Lewis at pumunta sa counter kasama yung dalawang ugok

Naglakad lakad naman ako hanggang sa makakita ng isang drugstore, finally! Bumili nalang ako ng kailangan ko

Pagkabalik ko sa table ay nandun na ang tatlong ugok na halatang aligaga. Pfft akala siguro nila nawawala ako

"Boss! Saan ka ba galing ah! Magpaalam ka naman!" Tinuro ko naman yung washroom kaya nakahinga sila ng maluwag, kahit kailan talaga ang over acting nila, napabuntong hininga ako, ganito sila dahil sa lagay ko

Tinignan ko yung walong shake na nasa harapan ko at napangisi.

"Boss balik na tayo" aalis na sana sila ng bigla kong hinigit ang braso ni Chan

"Gusto ko din ng tinapay"

"S-sige Boss, maiwan si Lewis para-"

"No need, hindi ako aalis dito" nanlaki naman yung mata nila at walang nagawa kundi ang tumango. Iniwan muna nila ako sa table kasama ang shakes.

Nung nakalayo na sila ay saka ko ginawa yung plano ko, nagbuntong hininga ako, tama ba itong ginagawa ko?

Saktong pagkabalik nila ay tapos ko na lahat. Nakakapagod din. Sabay sabay kaming naglalakad papunta sa kwarto ko

Napahinto ako ng maramdaman ko nanaman ang pagkirot ng ulo ko, hayy eto nanaman eh

Flashback SIX MONTHS AGO (continuation)

"Stop! Shut the f*ck up!" Sigaw ko kasabay ang pag tutok sa kanya ng baril

"Pull the trigger Miss Villamil. Kaya ba ng konsensya mo?" Nanginginig ko na kinasa ang baril ko pero hindi ko ito magawang iputok sa taong kaharap ko, dahil alam kong tatay parin sya ng taong Mahal ko

"TRAITOR!" Sigaw ko rito pero tumawa lang sya na parang wala lang sa kanya ang baril na hawak ko

"Yes, I'm the traitor, why won't you kill me? You've waited for years" huminga ako ng malalim at ibinaba ang hawak kong baril at tinignan ang paligid.

Maraming baril ang nakatutok din sa akin

"Why won't you just kill me?" Medyo inis ko na sambit. Tumawa sya at nilapitan ako

"I want to see how these things will come in our way, how these things will come to an end, you could kill me now, or you can keep in peace, the choice is yours Keith Villamil. Just yours" randam ko ang galit sa taong kaharap ko ngayon

"Gusto mo akong patayin, yun lang naman ang gusto mo, pero bakit hindi mo pa gawin?! Patayin mo na ako para matapos na ang kahibangan mo!" Titignan ko sya ng seryoso, alam kong ang isasagot nya ang gagawin ko, nakita ko ang paglawak ng ngisi nya at dahan dahang lumapit sa akin

"Hmm, I have better idea Miss Villamil, I want you to end your life, ikaw mismo ang papatay sa sarili mo kapalit ng pananahimik ko and you have another choice. Sasabihin ko sa anak at Kuya mo ang lahat ng pangyayari na ito" napalunok ako ng ilang beses. Napangiti ako ng mapait, nagbuntong hininga ako at tinitigan sya ng seryoso

"Can you shut your mouth until I can choose? Don't let them know" tumawa sya at tumango, dahan dahan akong umalis sa lugar na yun at sumakay sa kotse ko.

~~~~~

"Boss, okay ka lang, dumudugo yung ilong mo" nabalik ako sa wisyo nung kinausap ako ni Lewis na halatang nag aalala, pilit naman akong ngumiti, binigyan niya ako ng panyo kaya pinunasan yung ilong ko

"Okay lang ako, hehe" nagsalubong naman yung kilay nila kaya nagbuntong hininga ako, hindi ako okay, masyado ko ng pinipilit ang sarili ko, nahihirapan na ako

"Wag nyo nang sabihin kay Michael or kay Kuya na dumugo nanaman yung ilong ko, baka mag aalala pa sila, mga OA pa man din" nagbuntong hininga din sila at tinignan ako ng seryoso

"Boss, sigurado ka bang okay ka lang?" Ngumiti ako sa kanila at tumango, I have no choice but to pretend I'm fine

"You won't have to worry about me, alam nyo namang kaya ng boss nyo ang lahat, I can handle all of these things" tinignan naman sila ako ng seryoso

"Boss, sana wag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo, alam mo naman siguro kung gaano ka kahalaga sa amin, kung gaano ka namin kamahal at kung gaano ka namin tinuturing na bunsong kapatid, nasaktan mo na kami dahil sa bagay na yun kaya naman sana wag mo nang gagawin, hindi namin alam ang gagawin namin boss" napalunok ako ng ilang beses dahil sa lalim ng sinabi ni Santos sa akin, tumikhim ako at tinignan sila, sobrang seryoso ng mga mukha nila

"Hahaha! Ano ba yan mga kuys! Ako yung bunso pero mas madrama pa kayo sa akin! Don't worry I won't risk my life again, kaya wala dapat kayong ipag alala sa boss nyo, pfft takot nyo lang na mawala ako kasi wala na rin kayong magandang boss eh!" Tumikhim sila kaya napalingon ako sa kanilang tatlo, the hell? Umiiyak sila tsk tsk

Sorry guys

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon