CHAPTER 2

849 23 0
                                    

Michael Jericho's POV

Kanina pa ako sa harap ng VIP Room number 32

Diko alam kung paano ako magsasalita, sampung taon ang lumipas, highschool palang kami nung unang nagkakilala kami,

Umalis sya dahil kailangan, tapos sabi nya babalik sya

Hinintay ko itong pagkakataon na ito, pero hindi ito yung gusto kong paraan na magkikita ulit kami

Sampung taon, walang communication, ni hindi manlang sya nagpakita sakin, hindi manlang ako kinamusta, ni hindi ko alam kung ano nang buhay nya

Hindi ba't dapat galit ako? Pero bakit ganito ang pakiramdam,

Sobrang saya ko pero sobrang disappointed rin.

For 10 years, nanatili akong naghintay. Pero ngayon at bumalik sya siguradong hindi nya naman ako kilala

Okay lang yan Michael Jericho! Kaya mo ito! Kayang kaya mo! Fighting!

Hinawakan ko na yung door knob, inhale exhale

1 hour Later

Shit, diko kaya! Paano kung maging cold sya kasi nga nag ka amnesia? Paano kung bigla nalang akong umiyak sa harapan nya dahil miss na miss ko na sya?

Iyakin parin ako hanggang ngayon huhuhu

"Umalis kayo rito! Ang papangit nyo!"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ganun parin yung boses nya,

Kahit ilang taon na ang nakalipas ganun parin,

Pero FUDGEEE anong ginagawa ko dito sa labas ng kwarto nya dito sa Ospital! Diba ako yung magiging Personal Doctor nya? Kailangan kong pumasok sa loob para magpakilala

Hayy kaya ko to! Inhale exhale

Hinakawan ko ulit Yung door knob at dahan dahang binuksan

"ARAYYY!" what the fudge! Bakit may biglang nagbato ng apple! ANG SAKIT.... masakit sapul ako sa mukha!

"Halla ka boss Keith, natamaan mo yung doctor"

Si Santos?! Napatakip parin yung palad ko sa mukha ko, bullseye talaga sa mukha as in!

"Kasalanan ko bang umilag ka?!" Napalingon ako sa kanya

Lub dub*

Lub dub*

HALOS DI NAGBAGO YUNG MUKHA NYA!

MAGANDA PARIN SYA

YUNG MGA MATA NYA, ILONG WALA MANLANG NAGBAGO

May benda sya sa ulo pero ganun parin

Dugdug dugdug dugdug dugdug

Omg! Nakita ko na rin sya after 10 years!

"Pasensya na Doc. Masyado kasing high blood itong boss namin, hehe" tinignan ko yung mukha ni Santos, nandito rin si Lewis at Chan

"O-okay l-lang" sagot ko, hindi ko matanggal yung palad ko sa mukha ko.

Mata lang ang nakikita nila sakin

"Parang familiar yung boses mo Doc? Nagkita na ba tayo?" Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Kuya Kevin

Omg! Shit anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Huminga ako ng malalim pero iniisip ko parin kung paano ako magsasalita

Tinignan ko si Keith na nakakunot yung noo na nakatingin ng diretso sa akin

Somebody help me please!

"Ahh t-the t-ruth is we ha-have really met before" wahhh omg omg tama lang ba yung sinabi ko? Bakit feel ko bumabalik itong mga beki words ko pag kinakabahan omg

"Yeah, I think so. You really look familiar, would you mind if you remove your hands off your face" Naman Kuya Kevin di pa ako ready

Tumango nalang ako at dahan dahan na tinanggal ang palad ko sa mukha ko

"MENDEZ?!" sabay sabay nila na sigaw halatang gulat yung mga mukha nila

napalingon ako kay Keith na nakakunot yung noo, tinignan nya din yung mga kasama nya

"Kilala nyo sya?" Nagtatakang tanong ni Keith, sabay sabay naman silang lumunok ng laway at tumango, pati si Kuya Kevin din

"Destiny" - bulong Santos

"Itinadhana at muling pinagtagpo" bulong ni Chan

Huminga ako ng malalim at lumapit kay Keith

Gusto ko syang yakapin, pero hindi pwede

Bilang isang doctor alam kong magiging delikado sa pasyente kapag kagigising nya lang mula sa coma tapos pipilitin nyang maka alala

"Good evening Miss Villamil, my name is Michael Jericho Mendez, and I will be your personal doctor until you regain your memories"

Napasinghap silang lahat

~~~~~

Keizel Keith's POV (AS PROMISE HIHIHI)

"Good evening Miss Villamil, my name is Michael Jericho Mendez, and I will be your personal doctor until you regain your memories"

Tumango nalang ako, pero nagtataka parin ako kasi kilala sya nila Kevin, parang kilalang kilala nga nila eh

Nagbubulungan ang mga unggoy, tss,

Alam nyo ba yung feeling na pagkagising mo halos matakot ka dahil pati sarili mo hindi mo kilala

Tapos may mga mukhang unggoy na lalapit sayo sabay sasabihing, 'sa wakas gising ka na'

Dahil narin siguro sa napaka desperate kong makaalala. Kumuha ako ng personal doctor

Sana lang makatulong, pero kung titignan mo itong doctor na ito

Mapapanganga ka nalang, halos sing edad ko lang kasi, sigurado ba syang doctor sya? Bakit ang bata?

Pero kanina iba ang naramdaman ko nang makita ko sya, goosebumps is the right word to describe it, bakit parang tumaas lahat ng balahibo ko?

Sino ba sya?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon