CHAPTER 32

144 5 0
                                    

Keizel Keith's POV

Kanina pa ako kumakain pero di ko maiwasang magtaka, kanina ang hyper lang nila na inaasar ako, ngayon naman para silang namatayan habang nakatingin sa akin

Alam kong may kasalanan ako sa kanila, muntik ko ng patayin ang sarili ko, at hanggang ngayon hindi ko parin maalala kung bakit

Kung mag drive kaya ako para maalala ko? O umuwi akong states? Pero siguradong hindi sila papayag, tinignan ko si Michael na kanina pa ako sinusubuan, ang sweet ng boypren ko noh? Inggit kayo? Gusto nyo din ng jowa?

"Mahal ko baka matunaw ako" napaiwas ako ng tingin, hayy nako bawal ba syang titigan?

"Nakakasawa sa Ospital" pagmamaktol ko, napahinto naman sya at tinitigan ako

"Dahil sa tigas ng ulo mo kahit 2 months ka na dito sa Ospital di ka talaga makakalabas" napasimangot ako, hays ang boring naman kasi dito eh, tapos ang lame pa na laging puti ang nakikita mo, parang feel mo patay ka na! Tsk

"Ayaw ko na dito. Gusto ko ng umuwi, bawal bang sa bahay nalang ako maconfine?" Nanlumo ako ng umiling si Michael, wahhh nakakainis talaga!

"Mahal ko naman eh. Alam kong nabobore ka na pero tignan mo nalang nangyayari sayo, masyadong delikado kapag inaatake ka" humiga nalang ako at tinitigan ang kisame. Buti pa yung mga ipis nakakalabas, yung mga langgam, eh ako? Aish

"Papuntahin mo then si Gian dito" nagulat ako ng biglang nagdabog na tumayo si Michael, wahhh

"Eh si Cyan? Hehe" tumalikod si Michael sa akin, huhuhu grabe, gusto ko ng makaalala eh

"Si higad nalang" napasabunot na sya sa buhok nya at seryosong tumingin sakin

"Keith! Pwede bang magpahinga ka naman? Alam kong frustrated ka pero alagaan mo naman ang sarili mo" nagbuntong hininga ako at tinitigan sya ng mariin

"Nakakapagod kasi Michael. May naalala nga ako pero kulang! Bakit ko naisip na gawin ang bagay na yun? Bakit hindi ako manlang nagpakita sayo ng sampung taon? Anong nangyari sa mga taon na yun? Bakit mas gusto ko pang mamatay kaysa ang makasama ka?! Hindi ka ba curious? Hindi ka manlang ba frustrated? Ni hindi mo manlang ba inisip na baka delikado ang buhay nating lahat?!" Inis kong sabi nagulat ako ng biglang lumuha sa harapan ko si Michael, shit!

"Sa tingin mo ba hindi ako curious? Keith I've been waiting for 10 long years! Tapos malalaman ko lang na wala kang maalala? Malalaman ko lang na nag suicide attempt ka! Sobrang sakit Keith! Sobrang sakit na mas pinili mong manahimik at bantayan ako ng sampung taon pero hindi ka manlang nagpakita! Sobrang sakit na mas pinili mong mawala kaysa ang makasama ako! I must have been thankful kasi bumalik ka pero kalakip nun ang mga bagay na sobrang masakit! Pero mas pinili kong hayaan ang mga bagay na yun dahil mahal kita! Dahil mas mahalaga parin na kasama kita kaysa sa mga mga bagay na yun! Ginagawa ko to dahil mahal kita! At kahit pagbaliktarin mo man ang mundo! Yun at yun parin ang gagawin ko! Hihintayin kita kahit gaano pa kasakit! Mamahalin kita kahit ano pang mangyari!" Pinunasan ko yung luha ko na dumaloy sa pisngi ko.

Malaki ang kasalanan ko kay Michael, sobrang laki na para bang hindi ko sya deserve

"I love you Keith. I really do, at hindi ako papayag na mawala ka pa, hindi ako papayag na gagawin mo ulit ang mga bagay na yun, kahit hindi na bilang boyfriend mo na pakinggan mo ako. Pakinggan mo ako bilang isang lalakeng sobrang minahal ka sa kabila ng mga bagay na yun na sobrang nakakadurog ng puso!" nakikita ko kung gaano sya nasasaktan, hinawakan ko nalang yung mga kamay nya

"Mahal din naman kita Michael, mahal na mahal. Sorry..." Wala na akong ibang masabi. Naramdaman ko naman na niyakap nya ako, hindi ko alam na may ganito pang tao ngayon. Na may taong maghihintay at magmamahal kahit kalakip nun ang sakit!

"Ilalabas kita bukas, just promise me na pag may naalala ka sasabihin mo agad please" hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya

"Yes Doc" nakangiti kong sambit humiga naman ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

~~~~

Nagising ako na para bang nasa ibang lugar ako, kaharap ko ang isang lalake at nakangisi lang sa akin habang ako naman ay may hawak na baril at nakatutok ito sa kanya

"Pull the trigger Miss Villamil. Kaya ba ng konsensya mo?" Nanginginig ko na kinasa ang baril ko pero hindi ko ito magawang iputok sa taong kaharap ko

"TRAITOR!" Sigaw ko rito pero tumawa lang sya na parang wala lang sa kanya ang baril na hawak ko

"Yes, I'm the traitor, why won't you kill me? You've waited for years" huminga ako ng malalim at ibinaba ang hawak kong baril at tinignan ang paligid. Maraming baril ang nakatutok din sa akin

"Why won't you just kill me?" Medyo inis ko na sambit. Tumawa sya at nilapitan ako

"I want to see how these things will come in our way, how these things will come to an end, you could kill me now, or you can keep in peace, the choice is yours Keith Villamil. Just yours" randam ko ang galit sa taong kaharap ko ngayon

"Can you shut your mouth until I can choose? Don't let them know" tumawa sya at tumango, dahan dahan akong umalis sa lugar na yun at sumakay sa kotse ko. Kinuha ko din yung phone ko at tinawagan ang isang tao

"Cyan, we have to talk"

~~~~

Napabalingwas akong bumangon, nasa Ospital parin ako, pawis na pawis ako, ano bang klaseng panaginip yun? Hayyy ang weird! Napalingon ako kay Michael na mahimbing na natutulog sa isang couch dito sa kwarto ko

Who the hell is that guy in my dreams?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon