CHAPTER 48

130 4 1
                                    

Keizel Keith's POV

Nagbuntong hininga ako habang tinitignan nanaman ang tahimik na kwarto ko. Walang nagsasalita sa kanila, para bang merong bumabagabag sa kanilang lahat

Narinig ko lahat ang usapan nila kanina, yung tungkol sa taong yun. Pero wala akong magawa kundi ang tumahimik nalang lalo na't alam ko na ngayon na ayaw lang nilang mangyari ang dati, maayos na kaming lahat, sya nalang ang problema namin

Napapailing at natatawa nalang ako sa tuwing maalala ko na mas pinili ko pang wakasan ang buhay ko dahil sa mga taong ito

Pero natatakot parin ako, natatakot na baka magawa ko ulit ang bagay na yun kung sakali mang magharap na kami at masaktan ko nanaman sila

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Napapikit nalang ako para hindi nila malaman na naiiyak na ako, if I were to choose from that choices again, I'm sorry guys pero pipiliin at pipiliin ko parin yung bagay na yun

Napahiga ako at napatingin nalang sa kisame, muli akong napapikit dahil sa pananakit nanaman ng ulo ko. Pati ang sitwasyon ko ngayon alam ko na

Bakit ba sa akin napupunta ang mga ganitong problema? At bakit pa nila kailangan itago na talagang delikado ang buhay ko dahil sa sakit na ito? Ano kayang buhay ko kung hindi ko pinili yung bagay na yun at pinatay nalang yung taong yun?

Naramdaman ko nalang na may lumapit sa akin kaya napamulat ako, nakatingin ng seryoso sa akin si Michael

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Malakas talaga ang pakiramdam ng isang to. Pero umiling ako sa kanya, kaya ko pa naman tiisin ang sakit. Ayaw ko lang na patulugin nya muli ako, kung bakit ba kasi kasabay ng pag inom ko ng gamot ay ang antok na hindi ko mapigilan tsss

Nagbuntong hininga naman sya at tumabi sa akin, niyakap ko sya ng sobrang higpit, hinawakan nya ang kamay kong nakapalupot sa kanya

"Ang lamig ng kamay mo, okay ka lang ba talaga?" Tumango ako at ngumiti sa kanya, hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang lahat sa kanya baka hindi matanggap ng sistema nya

Kailangan ko pa bang sabihin ang bagay na yun?

"Pumunta na tayo sa office ng Daddy mo" nakangiti kong saad sa kanya na halatang kinagulat nya

"Keith, mahal, hindi ko pa sinasabi sayo na dito rin sa Ospital na ito nagtratrabaho ang tatay ko" napalunok ako at itinago yung kamay kong nanginginig nanaman

"May nakapagsabi sa akin Michael" pag amin ko sa kanya, tinignan nya naman ako ng nagtataka kaya huminga ako ng malalim

Flashback

Pumasok ako sa office ni Michiko. Hindi ako makagalaw, parang may kung anong sakit sa dibdib ko habang nakikita yung isa sa mga taong mahalaga sakin na ngayon ko lang ulit nakilala

Napalunok ako ng ilang beses na para bang panaginip lang ang lahat lahat

"Ke-Keith" nanghihina nya na banggit, natauhan naman ako kaya nagmamadali akong pumunta sa kanya, may tama sya sa malapit sa dibdib. Hindi ito tumitigil sa pagdurugo

"Who the hell did this?!" Ramdam ko ang galit mula sa loob ko, ano bang gusto ng taong yun at pati si Michiko at dinamay nya? Nilagyan ko ng pressure yung tama nya at agad agad tinawagan si Michael

"Sinong may gawa sayo nito! Igaganti kita Ate!" Hindi ako makaiyak dahil puno ng hinanakit yung dibdib ko, sobrang nagagalit ako. Nilapit ko yung tainga ko sa bunganga nya kasi parang may gusto syang sabihin sakin

'M-Men...dez"

Para akong nabingi sa sinabi nya, nagtataka ko syang tinignan

"Kasama ko lang sya kanina kaya papaano?" Di ako makapag isip ng tama, para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Hindi matanggap ng sistema ko ang narinig ko mula sa kanya

"S-stay away from him" huli nyang banggit, gusto ko pa sanang marinig ang sasabihin nya pero naramdaman kong may humawak sa braso ko, nakita ko rin na nagmamadali ang lahat ng tao sa harapan ko

End of Flashback

Akala ko si Michael yung sinasabi nyang Mendez, pero naisip kong hindi lang sya yung taong yun, may kung anong alaala sa akin 10 years ago na may nagpunta na doctor sa bahay ko nung nagkasakit ako at nakita ko ang coat nya na may pangalan na ganun

Naalala ko din na tinawagan pala sya ni Michael nung araw na yun, yung Daddy nya (Book 1- CHAPTER 15)

May kung anong hapdi sa puso ko kapag iniisip kong may kinalaman ang ama ng taong to sa mga gulo na nangyayari sa buhay namin, sana mali ang prediction ko, sana mali

"Keith, sino nga, kanina pa ako nagtatanong dito di ka sumasagot" napalingon ako kay Michael na nakabusangot na ngayon, mukhang kanina nya pa ako kinakausap pero masyadong malalim ang iniisip ko, masyado akong lutang

"Ano ulit yung tanong mo?" Napakamot sya ng ulo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"Sino ang nagsabi sayo na doctor ang tatay ko sa Ospital na to" Tanong nya habang pinipisil ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya

"Ako mismo. Naalala ko yung pinapunta mo sya sa bahay 10 years ago nung nagkasakit ako" napabitaw naman sya sa pisngi ko at tinignan ako ng mariin

"Ano pang naaalala mo?" Biglang nagseryoso ang boses nya, umiling ako, at nagbuntong hininga

"Unfortunately, marami pang bagay ang kulang at di ako titigil hanggang maalala ko ang lahat" nakita ko ang gulat sa mata ni Michael. Ngumiti ako sa kanya ng mapait

Isa lang ang hiling ko ngayon sana walang kinalaman ang daddy mo sa lahat ng ito dahil hindi ko kakayanin

"Let's go then" hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto, habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang kabahan, parang may kung anong pumipigil sa akin pero may bagay na pinipilit din akong puntahan yun

Huminto kami sa isang office na nakaukit ang pangalan nya, biglang nangatog ang tuhod ko na parang ayaw ko nang pumasok sa loob

'Rafael Mendez'

Binuksan ni Michael ang pinto at sabay kaming pumasok. Nakatalikod sya sa amin habang nakaupo sa isang swivel chair

"Dad, I want you to meet my Girlfriend. Keizel Keith Villamil" dahan dahan syang humarap sa amin

"Keith, he's my Dad. Rafael Mendez"

Hindi ko maipapaliwanag ang naramdaman ko nung nakita ko ang kabuuan ng mukha nya para akong sinasaksak ng kung ano ano sa iba't ibang parte ko ng katawan

"Nice meeting you, Miss Villamil" nanginig at pinagpawisan ang mga kamay ko, gusto kong sampalin ang sarili ko para maalala kung saan ko unang narinig ang boses na yun

Yung boses na hindi na bago sa panrinig ko, napapikit ako habang pilit na inaalala kung sino ba talaga sa taong ito na sana ay hindi ko nalang ginawa

'Yes I'm the traitor, Miss Villamil' napangiti ako ng mapait, sya nga yung taong yun

Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw at pagbabarilin ang taong ito. Pero bakit parang mas gusto ko pang mamatay sa harap nya?

Tumikhim ako at tinignan ang taong ito, ang taong nagsimula ng lahat, ang taong naging sanhi ng pagkamatay ng magulang ko at ang pag patay ko sa mga magulang ng kaibigan ko, ngumisi ako sa kanya

"Nice meeting you too, Mr Mendez" halatang nagulat sila sa tono ng pananalita ko pero hindi ko maiwasan na hindi magalit sa taong nasa harapan ko ngayon

Just what the hell?! Bakit sya pa?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon