CHAPTER 7

539 19 5
                                    

Michael Jericho's POV

Nagbuntong hininga ako habang tinititigan si Keith na mahimbing na natutulog

Kailangan ko pa syang turukan ng pampatulog para lang mapakalma, alam kong frustrated sya,

Ikaw ba naman pati sarili mo hindi mo kilala. Oo, masakit para sa akin na wala manlang natira kahit konti. Pati yung pinangako nya. Pero hindi ko gustong nahihirapan si Keith ng ganito, kung pwede lang na ako nalang sana

"Doc, kamusta si Boss?" Nilingon ko si Santos na matamlay na nakatingin sa akin, ginantihan ko nalang sya ng ngiti para hindi na sya mag aalala pa

"Wag kayong mag aalala, okay lang sya" nakahinga naman sila ng maluwag, nakakatawang isipin na hanggang ngayon loyal parin tong mga ito kay Keith, hindi nila sya iniiwan kahit pa sobrang maldita ng babaeng ito

May inaayos si Kuya Kevin kaya wala sya lagi rito. Kaya kahit gustuhin kong magtanong wala rin

"Ba-bakit gumagalaw yung bag nyo Doc?" Napalingon ako sa kanilang tatlo na halatang kinikilabutan pfft

Lumapit naman ako sa bag ko at nilabas ko yung dalawang pusa, hihihi sinama ko talaga sila dito, para na din may maalala kahit pakunti konti lang si Keith

"Wahh! Yan yung pusa na pinalo ko 10 years ago!" Manghang sabi ni Chan

"Naalala nyo pa ba kung paano nagalit si Boss nun? Pinagbabaril nya tayo! HAHAHA" napangiti ako nung maalala ko yung araw na yun,

"Oo nga eh, kaya sobrang takot ako kay Boss, hindi talaga sya mag dadalawang isip na gantihan ka kapag mahalaga na sa kanya ang sinaktan mo pfft"

Bigla akong nalungkot, naalala ko kung paano nya sinalo ang balang para sa akin 10 years ago, kung paano nya pinunasan yung luha ko kahit sya na itong nahihirapan, kahit duguan na sya nun nagawa nya parin akong ngitian at sabihing 'Wag kang iiyak'

"Doc Mendez, ang swerte nyo talaga kay Boss Keith. Alam nyo bang nireject nya lahat ng manliligaw nya sa states?"

Nagulat akong tumingin kay Chan, tumango tango naman ito

"Once a month, umuuwi sya dito sa Pilipinas-"

"Ano?!" Umuuwi sya sa Pilipinas? Pero bakit ni minsan hindi sya nagpakita sa akin? Kahit minsan ni hindi nya manlang ako pinuntahan?

"Hindi nyo alam? Ang alam namin nun lagi sya sa Pilipinas kasi binibisita ka nya" bigla akong nanlumo, bakit? Bakit ni minsan hindi manlang sya nagparamdam?

"Hindi nya ako pinupuntahan, ngayon ko lang sya nakita makalipas ng sampung taon" napanganga silang lahat, ngumiti naman ako ng mapait

"P-pero, paano nangyari yun? Impossible naman, kahit minsan? Lagi syang umuuwi dito, walang mintis every month!" Sigaw ni Lewis na nakahawak sa baba nya na parang nag iisip

"Maybe hindi ako yung dahilan ng pagpunta nya rito, siguro dahil sa works or whatever" disappointed kong sagot, pero umiling sila sa akin kaya bigla akong nagtaka

"Mendez, este Doc Mendez nagkwekwento sya sa amin, sinasabi nya yung nangyayari sa inyo, alam naming doctor na kayo, pati dun sa babae nyong kaibigan, Accountant na daw sya ngayon. Tapos may isang anak na lalake" nagulat akong tumingin sa mahimbing na natutulog na si Keith

Pero bakit? Bakit hindi sya pagpapakita? Bakit hindi sya nagparamdam?

"Pero bakit? Bakit hindi manlang sya nagpakita sa akin?" Bulong ko. Tumikhim naman sila

"Pasensya na pero sya lang ang nakakaalam nyan Doc, pero bago ang aksidente, galit na galit sya, naglasing pa nga sya ng sobra nung gabing yun, pinipigilan namin syang lumabas pero ayaw magpaawat, tinutukan nya Lahat kami ng baril kaya wala kaming nagawa, pati si Boss Kevin nun hindi rin sya napigilan, pinaharurot nya yung kotse nya, hanggang sa nabalitaan namin na naaksidente na pala sya"

Napalunok ako ng laway, ano kayang nangyari? Bakit galit na galit sya nung gabing yun? Bakit sya umuuwi ng Pilipinas tapos hindi naman nagpapakita? Bakit alam nya ang lahat ng pangyayari sa buhay namin?

What has happened for the last 10 years?

AFTER 10 YEARS: Heart's Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon