Damon's PovPara akong timang na ngingiti nalang bigla bigla kapag naalala ko sya. Hindi ako nakatulog kagabi dahil kada pipikit ako, mukha nya ang nakikita ko.
Kanina rin nung makita ko sya sa room, hindi ko maalis ang tingin ko sakanya habang pangiti ngiti sya habang nag babasa.
Nandito kami ngayong mag babarkada sa cafeteria. Nag aasaran silang lima habang ako ay nanahimik lang at iniisip sya.
Halos malalaglag ako sa inuupuan ko nang may biglang tumabi sakin at kinuha ang burger na kakagatan ko sana.
I looked at her. She looks like she's really hungry. Teka, kelan ba naging busog ang babaeng to?
"Alam kong maganda ako hindi mo ako kailangan titigan." Seryoso nyang sabi habang ngumunguya. She looked at me and I avoided her gaze.
"Whoaa! Bakit hindi mo kayang tingnan si Zane, pareng Trouble?" Pang aasar ni Ken. Nag tawanan naman silang lahat.
I smirked, "Baka kase ma inlove sya sa mukha ko." Mayabang kong saad. Agad namang nabulunan si Zane.
"Babe babe! Tubig! Hoy nasan yung tubig?!"
"Zane! Wag ka munang mamamatay!"
Anak ng! Bakit kapag ako ang nabubulunan hindi sila nag aaturga na bigyan ako nang tubig?! Instead, nag papaalam pa sila!
Agad nilang inabutan nang tubig si Zane. "Whoo! Muntik nayon babe ah!" Sabi ni Francis habang pa punas punas pa ng invisible na pawis sa noo.
Biglang tumingin sakin si Zane, "Hoy! Kapal mo! Buti sana kung may itsura ka!" Singhal nya at kumagat ulit nung burger.
Nginisian ko naman sya.
Why so defensive Zane?
"Teka, bakit defensive ka?" Pang aasar ni Lucas kay Zane. Agad namang nag kulay kamatis ang mukha nya.
"YIEEEEEE"
Dinaig pa nila ang ambulansya sa sobrang lakas nang pang aasar nila. Nakita ko naman napa face palm si Zane.
Humalakhak ako at inakbayan sya, "Aminin mo na kasi, crush moko noh?" Sabi ko at kinindatan sya.
She rolled her eyes at binaba ang pagkain na hawak. Hinawakan nya ang kamay ko sa dulo nang kanyang balikat at pinulupot ang braso ko.
"Aw! Aw! Aw! Shhi— awww!" Dinaig ko pa ang isang aso kaka 'aw!' Ang limang loko loko, nag sitawanan lang.
Lalo pang pinulupot ni Zane yung braso ko kaya nama'y humingi na ako nang pasensya. "Aww! Sorry na! Hindi na mauulit boss! Aww!"
"Under ka pala pre eh HAAHAHHAHA!" Nag sitawanan ang mga loko.
Zane's Pov. ( this is few days after damon's pov )
Everything is normal. And I hate normal. Masyadong normal ang nangyayari ngayon sa buhay ko. Normal means boring. And I hate boring.
Simula nang makipag 'tropa' kunno ako kina Damon, nababawasan na gulo sa buhay ko.
Paano ako mamamatay kung hindi ako gagawa nang gulo?
Nawalan rin ako ng balita sa Poison Shadows. (Kabilang gang). I sent a spy to that gang para malaman ko ang bawat galaw nila. Malaki ang atraso ko sa gang nila. Bakit? Because I killed Seraphina.
Ang nag iisang babae na pinaka mamahal nang leader nila, Zach. Nakakatawang isipin na mag ka parehas pa sila nang pangalan ng kuya kong namatay dahil sakin.
At dahil gusto nila akong patayin, I should be happy. But I'm not.
Why?
Kase hindi naman ako ang papatayin nila.
The people around me will be dead because of that. Anna didn't know about this. Sino ba sya para pag sabihan ko nang ganito.
Kaya nga I tried to refuse about her suggestion. I tried not to be friends with the 6 jerks but I failed. I ended up being their friend after all.
Matapos ang pag kamatay ni kuya, ayaw ko nang may mamatay na iba. Ayaw ko nang may madamay dahil sakin. Hindi ko na alam kung anong mangyayari kapag naulit pa ang insidenteng yon.
I don't really know what to do with my life. Hindi ko alam kung ano ang pangarap ko sa buhay. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag lumaki ako. Hindi ko alam kung anong career ba ang gusto ko.
Mahirap mabuhay sa mundong ito. Everything is difficult. Walang madaling gawin sa mundo.
Paano kung hindi matuloy ang plano ko? Paano kung humaba pa ang buhay ko?
Aishh.
I was just messing with my phone nang may biglang tumawag. Damon. Yeah, I have their phone numbers. Hindi ko nga alam kung sino ang nag lagay neto rito eh.
"Oh?"
"Pumunta ka dito sa condo ko."
"Why would I?"
"May handaan dito."
He hang up. Handaan? Pagkain? Agad akong pumunta sa kwarto at nag bihis. Hindi naman si Damon ang pupuntahan ko eh, yung pagkain. Sabi nga nila, food is life. But oxygen is lifer. Charot!
"Whoa! Babe nandito karin?" Clifford said. "May pagkain daw diba?" Prankang tanong ko. Nginitian naman nya ako at niyayang pumasok sa loob.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko kung gaano kadami ang nasa dining table.
"Teka, bakit andaming pagkain bro? Anong meron?" Tanong ni Allen kay Damon. Mag sasalita pa sana sya nang may sumingit. "Oh! Nandito na pala kayo eh!"
A lady said at smiled at us. Based on her reaction, hindi nya ako kilala. "Trouble, who is she?" She asked. Nag aalangan namang sumagot si Damon, "She's.... a friend."
Its like my whole world stopped when I heard what he said. A f-friend? He considered me as a friend?
Ano namang paki ko?! Hindi ako apektado. Bumuntung hininga naman ako. The lady smiled at me, "Hi! I'm Trouble's mother. Nice meeting you." She extended her hand to me.
Napalunok ako nang sarili kong laway. All of them was looking at me.
If I accept her hand, it would be my first time hand shaking someone. I took a deep breath and accepted her hand, "Nice meeting you, too. Ma'am." I casually said. She chuckled as if I said something funny.
"Please ija, call me 'tita'." I faked a smile at her.
Pinaupo nya kami sa table. We waited for few minutes for Damon's sister and father.
His sister's name is Redrum. (Red-ram ang basa hindi red-dram) Sne told us to call her Red.
Funny how Damon's parents named them. Kung may Trouble, may Redrum. Kapag kase binaliktad mo ang word na redrum it turns out to be 'murder'.
Isang Trouble at isang murder. What a great name.
BINABASA MO ANG
Reckless (Completed)
Short StoryShe's Zane. She's fearless. And most of all, she's living a reckless life to punish herself. From what? Started: may 27, 2018 Ended:june 17, 2018 2:23pm