Special Chapter

1.3K 20 0
                                    


Zane's Pov

"Ang panget mo." Bored kong sabi kay Damon. Hindi sya umimik. Epal talaga tong lalaking to. "Hoy panget, bilhan moko pagkain." Utos ko sakanya.

He stopped typing at humarap sa akin. "What do you want?" He said. "Kahit ano."

"Pizza?"

"Ayoko non."

"Ice cream?"

"Masyadong matamis."

"Carbonara?"

"Noodles nanaman? Di kaba nag sasawa?"

"Eh ano?"

"Kahit ano."

Napa facepalm sya. Bumulong bulong pa sya. "Wag ka mag reklamo. Mabuti ka nga at ganyan lang ang ginagawa mo. Ikaw kaya maging buntis?" Asar kong sabi.

Yep I'm pregnant. Its a Boy. His name is Blade Thorn. Ang ganda ng pangalan diba? Kaso nga lang mas gusto ko na babae ang una. Kaya sabi ni Damon, ako nalang daw ang mag pangalan.

Kung sakali mang mag kaanak kami na babae, her name is going to be Luna Belladonna (poisonous plant.). Ewan ko kung bakit yan yung naisip ko.

"Eh ano ngang gusto mong pagkain? Ayaw kong nagugutom ang misis ko." Sabi nya. Nag kibit balikat ako, "Kahit ano." Tipid kong sabi.

Itinabi nya ang laptop at tumayo, "Lulutuan nalang kita." Sabi nya. Sinundan ko sya ng tingin papuntang kusina.

Pero bago pa sya makalapit sa kalan, tinitigan nya ako. "May nakalimutan ako." Sabi nya. He kissed me. "Nice one." He said and chuckled. "Tigilan moko Damon Trouble ha. Pag ako nainis sayo, ikaw lulutuin ko." Inis kong sabi. Nginusuan naman nya ako.

"Red!" Excited kong sabi at sinalubong si Red sa may pintuan. "Hey Baby Thorn, did you miss me?" Sambit nya at hinawakan ang tyan ko.

"Redrum! Nag alcohol kana ba?!" Gigil na sabi ni Damon. Red smirked. "Of course my dear kuya. I want the best for my nephew."

Nakasanayan kasi ni Damon na mag aalcohol kapag hahawakan yung tyan ko. Ewan ko ba sa demonyong yan at puro kaartehan sa buhay. Dinaig pa ang buntis.

"May dinala kang pagkain?" Natutuwang sambit ko. She lifted a plastic with a box of sushi.

"Ew. Ayoko nyan." Maarte kong sabi habang tinitignan ang inihain ni Red na sushi. "Oh? Diba gusto mo to ate? Bat biglang ayaw?" Taka nyang tanong. "Hindi ako yung kumain non. Yang matakaw mong kapatid ang kumain." Sabi ko naman. Kukuha sa sana si Damon ng sushi pero hinila ni Red ang plato. "Hindi ka buntis kuya. Hindi." Mariing sambit nito.

Sumimangot si Damon. Tumayo ako at umalis sa lamesa. "San ka pupunta?" Pagpigil sakin ni Damon. "Dyan lang." sabi ko naman.

Nag usap sila ni Red habang ako nasa sala, nanonood ng spongebob square pants.

Are you ready kids?

I can't hear you~ Ooohhhhh~

Who lives in the pineapple under the sea?

SPONGEBOB SQUAREPANTS!

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa tyan. Nakita ko rin na may dumadaloy na dugo sa hita ko.

"DAMOONNNNNNNN!!!" I shouted with all my might. Nakita ko naman si Damon na tumakbo papunta sakin. Nanlaki ang mata nya at sunod sunod na napamura.

Baliw na Damon to, sinisi pa yung bata dahil excited daw sya lumabas.

Damon's Pov

Pabalik balik akong nag lalakad habang isip ng isip tungkol dun kay Zane. Okay lang naman sya diba?

Pinayagan kaming pumasok sa loob ng kwarto at nakita ko si Zane na nakahiga at namumutla.

Maya maya pa ay umalingawngaw ang malakas na iyak ng bata sa kwarto at nagising naman si Zane.

"Sir, here's Baby Blade Thorn Herrera." Nakangiting sambit ng nurse. Blade Thorn. Yeah, thats our baby's name.

Maluhaluhang tinignan ni Zane ang bata habang karga karga ko.

(Shempre dahil cliche tong story nato, hindi natin papalampasin ang part na tungkol sa word na 'gwapo' charaught!)

"Ang gwapo ni Baby Blade, mana sakin." Sambit ni Lucas at nag pahid pa ng imaginary na luha. Binatukan sya si Francis, "Hindi ikaw ang gwapo sating dalawa! Ako!" Pag mamayabang nya.

Pumagitna si Clifford at nginisian sila, "Tol, pag aawayan nyo pa ba yan? Eh ako lang naman ang gwapo dito eh." Sabi nya. "Oy oy! Ako yung depinisyon ng salitang gwapo noh! Tanong nyo pa sa diary!" Makulit na sigaw ni Allen.

Nag tawanan naman sila. "Diary? Dictionary yun pre!" Natatawang sabi ni Ken. "Ang iingay nyo!" Inis na sigaw ni Red. Sinagot naman sya ni Francis, "Wushuu, gusto mo lang ng atensyon eh!" Natatawa nyang sabi.

"Tama tama! You just want attention, you don't want my heart~" pakanta kantang sabi ni Lucas. Sinamaan naman sila ng tingin ni Red, pero nag sitawanan lang sila.

"NASAAN ANG APO?!" Sigaw ni Zach. Binatukan sya ni Anna, "Pamangkin palang yan." Simpleng sagot nito. Napakamot ng batok si Zach at sumagot. "Advance ako mag isip eh." Sabi nya habang nag kikibit balikat pa.

After 6 years...( third Person's Pov) (Six years old si Blade, 4 years ood si Luna)

"KUYAAAAAAAAAAAAA!!!" Umalingawngaw ang boses ni Luna sa buong bahay. "Geez Luna! Ang ingay mo!" Singhal pabalik ni Blade.

Tumalon talon si Luna sa kama ng kanyang kuya. Napasimangot ang kanyang Kuya, "Luna Belladonna, aalis ka o aalis ka?" Seryoso nyang sabi. Luna smiled and sat beside her brother, "Make me." Pang aasar nito.

Kiniliti ni Blade ang kanyang kapatid. Tawa naman sya ng tawa.

HELLO THERE!!

First monthsary ng Reckless ngayon, "owemjiiiiii"

Btw, mag kakaroon ng story si Luna at Blade short story nga lang. tas yung sa edited ver neto, d ko pa naasikaso pero pramis gagawan ko tlaga to ng edited ver.

Anyways, HAPPY FIRST MONTHSARY TO RECKLESS.

Reckless (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon