BPBNTDMS

112 2 0
                                    

Byaheng panghabang buhay ngunit tumigil dahil may sumakay



hindi man perpekto ang ating relasyon

ngunit lahat naman ay nagagawan natin ng solusyon

akala ko sapat na ang pag mamahalan nating dalawa

para di mo ako iwan at humanap ng iba


ngunit yun lamang pala ay aking akala

nakilala mo sya, nawala ako sayo na parang bula

nasa kanya na ang atensyon mo

asan ang hustisya doon?


High school, mas lalo tayong naging close

sa tuwing tayo'y magkikita

ito'y aking laking tuwa

ngunit ngayon, ako'y iniiwasan na


anong nangyari?

Halos di tayo mapag hiwalay dati

ngunit ngayon ay pakiramdam ko isa na lamang akong alikabok sa ere

na hindi mo man sabihin ay alam kong naiirita ka sakin palagi


masama bang selosa ako?

Masama bang ipinag lalaban ko yung pag mamahal ko sayo?

Masama na bang ayokong may ibang lumalapit sayo?


Mahal nga kasi kita

kaya kahit nasasaktan na ako

pinag lalaban ko parin yung pag ibig ko

mahirap, kasi ako nalang lagi yung umiintindi sayo


kailan mo ba ako ipag lalaban?

Kelan mo ba ako hindi susukuan?

Kasi ako kahit lunukin ko yung pride ko ok lang

basta maipag laban ko yung pagmamahal ko sayo at para malaman mo  na di kita ni la lang.


Parang isang byahe yung pag mamahalan natin

minsan nasisiraan

kadalasan tuloy tuloy

pero kahit ganoon, nakakapanghinayang lang dahil yung

byahe nating panghabang buhay,

 tumigil dahil lamang may isa pang sumakay.

Mas malayo ang inyong tatahakin kaya ako nalang ay papara

upang di maging sagabal sa byaheng panghabang buhay na dapat ikaw at ako sana ang tatahak ng mag kasama.

KathaWhere stories live. Discover now