LABAN

45 2 0
                                    

                                                                                                                   LABAN

Alam kong gusto kita

alam kong alam mo na may pagtingin ako sayo sinta

alam ko din na parehas tayo ng nadarama

ok na sana, kaso dumating sya

nakilala ka nya

naging kaibigan ko sya

di mo ba nakikita?

Na sya sayo ay may pagtingin na?

Naging malapit kami sa isa't isa

pinagkatiwalaan nya ako

at ganun din ang ginawa ko sa kanya

ngunit dapat pala di na nya ako pinagkatiwalaan pa, sapagkat napag alaman ko mula mismo sa kanya na may gusto sya sayo sinta

noong una'y di alam ang gagawin

gusto ko syang sampalin pero ayokong magalit sya sakin

nginitian ko sya ng bahagya

niyakap at sinabing bagay kayong dalawa

nakaya kong sabihin ang lahat ng iyon

nakaya kong magpanggap ng masaya kahit na napakasakit non

kaibigan ko sya kaya di ko na pinansin

ang pag ibig para sayo na nabubuo sa aking damdamin

pinilit kong limutin ka

nagparaya ako para maging masaya sya

sapagkat kaibigan ko sya,

wala na akong paki alam kahit na ako'y masaktan pa

kaibigan ko sya

mas importanteng masaya sya

kahit masakit para sakin, titiinsin ko ang lahat ng sakit at dusa

papalayain kita, para mapasaya mo sya

lagi ko kayong pinag lalapit

kunwaring kinikilig pag kayo'y nag nagtatabi

gaya nga ng sinabi ko lahat aking gagawin

kahit pa maging tulay para lang kayo ay mag kapiling.

Ngunit ilang araw lamang ang lumipas

puso ko nanaman ay bumubukas

parang tilaok ng manok sa umaga

pangalan mo ang kinakanta ng puso ko sinta

parang tanga eh noh?

Nag paparaya ako pero ikaw parin ang mahal ko

nag paparaya ako pero mas lalo akong nahuhulog sayo

di ko na alam ang gagawin ko, gulong gulo na ang isip ko

mas importante ang mga kaibigan ko kesa sa kasiyahan ko

mas importante ang kasiyahan nila kesa sa pagiging masaya ko

makita lang silang masaya ok na ako

kahit pa ikaw na gusto ko ang magpapasaya sa kaibigan ko

lumipas ang mga araw at napag isip isip kong bawiin ka

oo babawiin kita mula sa kanya

napagtanto kong di ako dapat nagparaya

hindi ako si santa na kailangang laging nagpapasaya

mahal kita, di ko na hahayaang mawala ka pa

sana naman maintindihan nya ako

di naman pwedeng ako nalang yung laging umiintindi at nagpaparaya hindi ba?

Isa nalang ang kailangan para maging buo ang aking desisyon,

sabihin mo saking mahal moko, at ipaglalaban kita, kahit sa kaibigan ko pa.

KathaWhere stories live. Discover now