PATAWAD, SALAMAT

32 0 0
                                    

Patawad po ina

Patawad sa mga nasabi kong masasakit na salita

Patawad sa lahat ng aking mga nagawa

Patawad kung di man kita kilala, hinusgahan na kita


Musmos palang nang ako'y iyong iwan

Wala pang kamuwang muwang nang ako'y iyong pabayaan

Napakaraming tanong ang nasa isip ko.

Nangunguna don ang,  bakit iniwan moko.



Gayunpaman salamat ina.

Salamat dahil kahit iniwan mokong mag isa

Dahil doon natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa

Nabuhay man akong wala ka, alam ko sa sarili ko na kahit wala ang kahit sino, mabubuhay ako.


Ina, asan ka na?

May balak ka bang magpakilala?

Gusto mo ba akong makita?

Ni minsan ba, ginusto mokong makasama?



Ina, mahal kita

Kahit na nagkulang ka,

Ina parin kita

Kaya ina, patawad at salamat sa lahat.

KathaWhere stories live. Discover now