LIHIM

21 1 0
                                    

"lihim"

Bago marating ang patutunguhan

Titingin sa itaas

Baka sakaling ika'y masilayan

upang bago makadating sa patutunguhan

ako'y payapang panatag na babagtasin ang daanan.



Panatag sapagkat alam kong ika'y nandiyan

Nandiyan na aking masisilayan

Makikita ko ang iyong matamis na ngiti

At ang halakhak mong sa akin ay nag papangiti



Kung mapapansin mo'y napakababaw ng aking kaligayahan

Ito'y sapagkat madalang lamang akong lumigaya

Araw araw mong nakikita ang aking mga ngiti

Ngunit kung susuriin mo ito, ito'y ngiti ng pagdadalamhati



Pagdadalamhati sapagkat ako'y di mo manlang mapansin

Ano man aking gawin ako parin ay di mo mawari

Kahit pa ata mag tatatambling ako sa harap mo

Di mo parin mapapansin ang presensya ko



Nakakalungkot mang isipin

Nginit yun ang aking saloobin

Saloobin na mailalabas ko lamang sa pamamagitan ng pagtula

Na ako at ang mga kaibigan ko lamang ang nakakakita.



Ok lang yun

Sanay na ako

Atsaka magaling naman ako magtago

Kelangan ko lang ngumiti at magpangap.




KathaWhere stories live. Discover now