kaibigan
Kaibigan kamusta ka na?
Lagi naman tayong magkasama
Ngunit bakit ganito, lagi kitang naaalala
Ipikit ko man ang aking mga mata
Ikaw parin ang nakikita
Araw-araw kong hinahanap
Palagi kong pinapangarap
Ang iyong mga halik at yakap
Na mala langit ang sarap
Sa bawat pagsulyap mo sa kanya
May sakit na aking nadarama
Ngunit nag papangap na masaya
Upang di mo Makita na ako'y nasasaktan na pala
Gusto kitang makitang masaya
Kapag magkasama kayong dalawa
Kahit kapalit sa akin nito'y lungkot, sakit at luha
Pero bakit ako masasaktan?
Eh wala namang tayo
Bakit ako nag seselos?
Eh wala namang tayo
Bakit di ko matagalan ang salitang "tayo"
Bakit mo masuklian ang pag mamahal ko sayo?
Dahil ba ako ay ako?
O hanggang mag kaibigan lang tayo?
Yan ang mga tanong na tumatak sa isipan ko
Ang mga tanong na dumudurog sa puso ko
Ang mga salitang
"walang tayo"
Oo kaibigan mahal kita
Pero may gusto kang iba at gusto ka din nya
Para kang bituin, ang hirap mong abutin
Kahit nap ang pag ibig ko sayo'y mala dagat ang lalim
Oo mahalaga ako sayo
Pero hinding hindi magiging mahal mo
Akala ko ba di ako mahirap mahalin?
Pero bakit di mo yon maramdaman sakin?
Siguro nga, oo nga, mahal mo nga pala ako
Mahal bilang isang kaibigan mo
Siguro nga, oo nga, dapat makuntento na ako
Na hanggang mag kaibigan lang tayo....
YOU ARE READING
Katha
De TodoAking damdamin na nais iparating Gumagawa ako ng tula Para sayo ang aking katha Mahal kita. Higit pa sa iyong inaakala.