UNTITLED

15 0 0
                                    

Isang taon na mula nang makilala kita
Isang taon na at naging matalik na kaibigan kita
Sa bawat araw na nag daraan
Nagbabago ang aking nararamdaman

Kaibigan kita
Totoo yon, at di ko ipagkakaila
Ngunit sinong makapagsasabi na ang pagtingin ko sayo'y magbabago
Akalain mo yun, kaibigan ko lang pero minahal ko

Sa bawat araw na dumadaan
Nararamdaman ko para sayo'y nadadagdagan
Lalong lumalala
At mukhang malabo nang mawala

Sa loob ng isang taon kong sayo'y pagkakilala
Marami akong napagtanto at natutunan
Maraming salamat at palagi kang nanjan
Kahit pa minsan na kitang ipinagtabuyan

Salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin
Salamat sa pagiging isang taong aking masasandalan
Salamat sapagkat kailanman ay di moko iniwan
Salamat sa lahat kaibigan

May mga panahon na di kita nakakausap
Ewan ko ba, pero palagi kitang hinahanap
Napakasaya ko pag ika'y nakakausap
Ngunit sa kabila non ay kailangan ko paring magpanggap

Kailangan kong magpanggap na masaya
Kailangan kong magpanggap na walang problema
Kailangan kong magpanggap na ok lang ako kahit ang sakit sakit na
Kailangan kong mag panggap na masaya ako para sa inyong dalawa

Pakiramdam ko ang sama kong kaibigan.
Pakiramdam ko hindi mo na ako kailangan
Sapagkat nanjan na sya
Hindi mo na kailangan ng isang kaibigan

Sa tuwing nag uusap tayo at kinukwento mo sya
Masaya ako para sayo
Pero nasasaktan din ako
Ewan ko ba,  nababaliw na ako

Lumipas ang mga araw,
Naisipan kong layuan ka
Sabi ko sa sarili ko kailangang mawala ang tingin ko sayo
Kasi ayokong mawala ang kaibigan ko, ng dahil sa nararamdaman ko

Iniwasan kita
Pinilit kong kalimutan ang sayo'y nadarama
Pero kahit anong gawin ko,
Nararamdaman ko'y di parin mabura

Lumipas ang mga buwan,
May isang bagay na nangyaring di inaasahan
Isang pangyayari kung saan nagdulot ng aking pagbabago
Oo nagbago ako, kasama na don ang pag tingin ko sayo

Ewan ko ba
Wala na yung pagtingin ko sayo
Hindi ko na nararamdaman yung bilis ng tibok ng puso ko pag ika'y nakakausap ko
Hindi na katulad ng dati na makita lang kita, di ko na alam ang gagawin ko

Yun ang akala ko
Yun ang nangyari sa unang buwan ng aking pagbabago
Ngunit di nagtagal
Bumalik yung -

Gulong gulo na ako
Di ko na alam kung anong nangyayari sa sarili ko
Ayoko na nang ganito
Pakiramdam ko ang sama sama ko

Kasi mahal kita
Tapos may mahal kang iba
Kaibigan lang dapat kita
Kaibigan lang dapat at wala nang iba pa

Salamat sa lahat
Gusto kong humingi ng tawad
Wag mong pansinin yung mga sinabi ko
Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko

Hindi ko hinihinging mahalin mo din ako
Manatili ka lang sa tabi ko
Wag mokong iwan at manatili kang kaibigan ko
Yun lang, ayos na ako

Masaya na akong masaya ka
Masaya na akong nakikita kang masaya kasama sya
Masaya ako para sa inyong dalawa
Pero mas lalo akong magiging masaya, pag nakalimutan ko na yung akin sayo ay nadarama.

-Athena❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KathaWhere stories live. Discover now