Allein
Maaga akong dumating sa company.. Pag dating ko sa may tapat ng elevator ay agad na nag sialisan ang mga nakasakay dun. Ganito ang mga empleyado dito takot sa akin. Dahil na rin siguro sa malamig na awra ko.. Hindi ko sila pinapansin kung di rin lang naman importante.
*ting*
Floor na ng opisina ko. Walang tao dito kundi yung secretary ko at ako lang off limits sila dito
"Coffee." sabi ko matapos akong tumapat sa table niya. Tumalima naman ito.
Binuksan ko ang office ko. Maayos ng nakasalansan ang mga files. Pati na rin ang list ng appointments ko..
*tok.tok*
Nag bigay muna ito ng warning knock bago pumasok. Inilapag nito sa table nya ang kape..
"Ah Sir dumaan po si Ma'am Kim kayo na daw po muna yung makipag deal dun sa engineer from canada para po dun sa expansion ng hotel dun." sabi nito.
"Kelan ba ang dating nila?" tanong ko dito na hindi man lang ito tinitingnan.
"Next Week na po. Monday po."
"Tagal pa naman pala. Sige na lumabas kana. Tawagan mo ang company nila dito nalang sa office ko ang meeting." sabi ko.
Lumabas na ito.. Huminga ako ng malalim. Kelan ba ako umpisang mag ka ganito?
Tumayo ako at tinanaw ang ibang mga building sa palibot ng kumpanya namin ng bestfriend ko.
"Malalim na naman ang iniisip mo. Sya na naman ba?"
Napalingon ako sa pamilyar na tinig.
"Sue."
She flashed a beautiful smile. Maya maya ay may maliliit na brasong yumakap sa binti ko.
"Sofie.." yumuko ako para buhatin ang bata.
"Gusto ka daw makita.. tsk ano ba ang ipinakain mo dyan at masyadong close sayo? Sa iba naman shes very civil." nag pout pa ito.
"Mag tataka ka pa eh ako ang pinaka pogi sa kanila."
Sa Mag inang ito lang talaga lumalambot ang mood ko.
"Whatever. Psh!"
Ngumiti ako..
"Lets go na Sofie may meeting pa si daddy." yaya nito sa bata.
"Kiss muna baby pampa swerte." magiliw na humalik sa akin ang bata bago ko ito ibinaba.
"Alis na ako. Hey yung wedding pala ni Ian pupunta ba tayo?" nag aalangan ito dahil sa nangyari nuon.
"Alam mo naman yun. Mahilig mag tampo. at abay tayo diba? at flower girl ang kulit na yan. So aatend tayo." sabi ko
"But.."
"Im always here okay?" pag bibigay ko ng assurance dito. Pinisil ko ang kamay nito.
di ko talaga akalain na ikakasal na si Ian. Sya ang pinaka mailap dati. Nung hindi pa nang yayari yung gulo na nag pa bago sa akin four years ago..
kasal ng pinsan nya ah pupunta ba sya? pano pag pumunta nga sya handa kaya ako?
Napa pitlag ako ng bumukas ang pintuan.
"Don't you know how to knock?!" masungit kong sabi dito.
"k-kumakatok po a-ako s-sir.." tila natatarantang sabi nito..
"Tsk. bakit ba?"
"H-handa na po ang conference room."
Tumayo ako. "Isunod mo ang mga documents." inayos ko ang necktie ko at walang lingon na lumabas. Dumeretcho ako sa conference room. Mukhang ako na lang ang hinihintay duon.
"Good Morning Sir." tumayo sila para batiin ako.
Tumango lang ako.
"You're telling me na di nyo nakuha yung location?!" nag simula na namang mag init ang ulo ko. "Mr Ferer ikaw ang inatasan ko dito diba?!"
"S-sir may naka una na daw po.."
"Ang tagal ko ng ibinigay ng project na ito sayo! I ta transfer ko ito sayo Greg. Be sure to get the location. I doble mo ang offer.Earl Ferer at my office now" tumayo na ako. "Sinasayang nyo ang oras ko. wala din naman pa lang magandang balita." lumabas na ako.
"Youre fired." pinal kong sabi.
"S-Sir maawa ka. May pamilya po ako.." naiiyak na sabi nito.
"Wala akong paki alam. Umalis kana sa harapan ko."
"Kaya walang mag mahal sayo kasi walang kang puso. Kaya ka siguro iniwan ng girl--"
"Leave!" sigaw ko dito. Pinindot ko ang intercom ko. "Ipa kaladkad mo palabas ng opisina ko ang walang kwentang empleyado dito."
Maya maya ay may pumasok na dalawang gwardia.
"Walang mag mamahal sayo pag ganyan ka katigas." sabi pa nito. "Mr heartLes Ass!" nag papasag pa ito ng hawakan ng gwardya ang braso nito..
Napaangat ang ulo ko ng bumukas ang pintuan.
"Tsk may dumanas na naman pala ng kalibre mo." ani Jerwin
"What brought you here?"
"stag party ni Ian later."
"Ngayon?"
"Sa ayaw at sa gusto mo pupunta tayo." walang sabi sabing umupo ito sa table nya at pinindot ang intercom. " Ms Beautiful i cancel mo lahat ng appointments ng boss mo today and until lunch tommoro."
"What? Hindi pwede."
"Please Tiff cancel it." anito na pinatay ang intercom. "You need a break man. Now get the hell up and lets go."
"Tsk. Mauna kana."
"No. Lets go."
Mag kasunod kaming lumabas sa office ko.
"Next time wag kang tatanggap ng bisitang kasing sira ulo nito ha." sabi ko sa secretary ko.
"O-opo."
"Tiff hes just kidding. Wag kang matakot dyan" ani Jerwin na may ibinulong sa babae. "Sige na umuwi ka na muna wala naman ang boss mo ngayon."
Hinintay muna nito akong tumango..
Sumakay na kami ng elevator. Nakita ko pa ang pag hinga nito ng malalim.
"Kelan ka ba babalik sa dati tol?" biglang tanong ni Jerwin ng nakasakay na kami sa kotse ko. Hindi kasi nito dinala ang kotse nya.
"Huh?"
"You. its been four years."
"Please Jer. i don't want to talk about it."
Napahinga na lang ito ng malalim.
Ibang iba kasi ang Allein nuon. Nung nandito pa ang babaeng sanhi ng mataas na pader na naka harang sa puso nya. Kaya nag mumukha na syang monster sa harapan ng mga empleyado at ibang tao.
"Bumalik na si Pj."
Napabaling ako dito.
"But di nya naman ako nakita. Maaring kasama na nya si Kaye."
Sumikdo ang puso ko. Nabuhay ang galit ko sa mga ito.
"Wala akong pakialam." i managed to close my eyes.
So their back!
