Kaye
Pumasok ako sa elevator matapos akong makipag usap sa may front desk. Di pa nag sasara ang elevator ay nag taka na ako kung bakit nag si- sialisan ang ang mga sakay nito. Pag tunghay ko nakita ko si Allein. Napatingin naman sa akin ang mga kasabay ko kanina.
Dalawa na lang kaming natira sa elevator.. Nasa likod nya ako.
Kringg..
dinukot nito ang cellphone sa bulsa.
"Babe...I don't know I have a hectic schedule today. yah.. ang dami kasing appointments na na move last week.. I will.. Take care babe."
Yun lang at binaba na nito ang cellphone. Parang punyal iyon na tumarak sa puso ko. Napa yuko ako at pilit kong pinigilan ang pag alpas ng luha ko.
**ting!**
Dumeretcho ito ng labas ng elevator. Sumunod na lang ako.
"Ms. Vazques orient her." anito sa isang babaeng nakaupo sa desk sa harapan ng office nito. Glass Wall ang office nito. Tinted ata. "Ah by the way. Ano palang oras yung meeting with the engineers from canada?"
"1pm Sir." anang babae habang sinusulat ang mga sinasabi ni Allein.
" Sue wants to attend so call her okey? Isunod mo na yung documents at list ng appointments ko for today."
"Ah Sir how about po yung appointment nyo with Dr Madrigal? She's been asking kung kelan daw po kayo babalik for the result of your test."
"Cancel it. I don't have time with that. Oh by the way could you please set a dinner reservation for two in a french dinning restaurant later? Order a dozen of pink roses send it to Kath."
"Okay Sir. About what time po yung dinner?" anang babae na di tumitingin kay Allein. Sulat lang ito ng sulat ng bilin ni Allein.
"8pm. dalahan mo muna ako ng coffee.."
"Copy Sir."
Tumalikod na ito at ipinagbukas na ng babae ng office si Allein.
"Upo ka muna dito. daming utos ni Sir sundin ko muna baka mag super sayan na naman." she smiled at me. Then i smiled back.
Mabilisan syang kumilos.
-
"Yan. Ah by the way Im Tiffany Vazques."
"Kaye Mendoza."
"Medyo madali naman ang mga works dito. Kaso pag papasensyahan mo lang si Sir Allein. Medyo mabait naman yan kaso pag may PMS parang dragon." she laugh. "Basta pasok sa kabilang tenga labas sa kabila."
"Nag resign ka na?"
"No. I'll be working for Ma'am Kim. Our office was on the 34th floor so if you have concerns just go there okay?"
Tinuro nya sa akin ang mga dapat gawin.
"Be ready. Kasama ka daw sa meeting later. Para ma familiarize mo daw ang mga dapat gagawin dito." ani Tiff.
"Ah Sige.."
"Lunch muna tayo? 1pm yung meeting." yaya nito.
"Sige."
Masaya naman itong kasama may kakulitan at maingay.
Allein
"Hey Gail!" napatunghay ako sa pag iisip ng makita ko si Sue.
"Let's go?"
I smiled. "Sige." tumayo ako.
Sabay na kaming lumabas ng office.
Kasunod namin si Kaye papuntang conference room. ipinag bukas pa nya kami ng pinto. Inaayos ko ang tie ko ng maramdaman ko ang pag higpit ng kapit ni Kim sa braso ko.
"Mommy are you okay?" nag aalalang tanong ko dito. Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan nito. Naningkit ang mata ko sa nakita ko. 'Pinag lalaruan ba kami?!'
'fuck up!'
Naniningkit ang matang nilingon ko si Kaye.. Nakita ko din ang pag sasalubong ng kilay ng lalaking sanhi ng lahat lahat.
"it's okay mommy. Im here. Im just here." bulong ko dito saka matalim ang matang binalingan si Kaye.
"Call Tiffany."
